Thought #6 Kamatayan

72 12 1
                                    

Kamatayan nga ba ang kasagutan

Sa mga sakit na iyong nararamdaman

Sinasabi ko sa iyo kaibigan

Kung naisipan mo itong subukan

Wag mo nang tuluyan

Dahil hindi ito ang iyong kailangan

Marami ka pang pangarap sa buhay

Kaya wag mo itong basta bastang ialay

Kung may problema ka man, alam kong malalagpasan mo rin yan na para bang dumadaan ng tulay

Bumangon ka ulit at makikita mo, ang buhay mo ay muling magkakakulay

Alam kong para sa iyo, ito ang makakabuti

Dahil ito lamang ang paraan upang ang kapayapaan ay iyong mapanatili

Pero wag mo na itong ituloy

Madaming nagmamahal sayo

Unang una ang Diyos na laging nasa tabi mo

Pangalawa ang mga magulang mo

At Pang huli ang nga kaibigan na nandyan para sayo

Wag na wag kang susuko

Dahil naraming nagpapahalaga sa iyo




Thanks po sa mga nagbabasa! God Bless!
♡♡♡

t h o u g h t s.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon