Thought #10 Sa Pagtanda

58 10 0
                                    

(A/N: Di po ako nagmamayabang sa word na "maganda" yun lang po kasi yung naisip ko na rhyme hehehe sana po magustuhan ninyo.)

Kung titignan niyo

kahit saang banda

Sa labas at sa loob ako ay maganda

pero hindi ko maiinda

Na hindi pa ako handa

Hindi pa ako handa maging matanda

dahil sa pagtanda

Mas madami kang problema na haharapin

Ngayon pa nga lang hirap na akong tanggapin

Ang mga katotohan na para akong inaalipin

Kung minsan sinasabi ko sa sarili ko

Kaya ko pa ba?

Kasi lahat naman ako'y niloloko

Naiisip ko

Ano nga ba ang dapat

At sino nga ba ang karapat dapat

Dahil Sa Mundong ito, wala nang tapat

Kasi kung tutuosin, para sakanila, ako ay hindi sapat

Gusto ko nang mawala

Na para bang bula

Nakakapagod na

Hindi ko na ata kaya

Sabi nila ako ay biyaya

Pero bakit nila ako dinaya?

Lahat naman ng gusto nila ay aking ginawa at ginaya

Ano pa bang kulang? Wala na ba silang natitirang hiya?

Madami akong taong kakilala

Pero Ngayon di na ako naaalala

Masakit isipin

Pero kailangan tanggapin

Lahat nagbabago katulad ng panahon

Ang bilis bilis kasi ng panahon, ayaw man lang huminahon

Pero sa pagbilis ng panahon...

Natuto akong umahon

Umahon sa mga problema na ako'y dati nang pinalubog

Sa aking mga pagdabog

Sa puso kong nadurog na parang bubog

At sa mga problema na saking utak ay nagpasabog

Kaya lagi niyong tandaan

Lahat ng problema ay ating malalagpasan

Lagi lang tayong manalig sa Diyos

Kasi lahat ng problema ay kaya niyang maayos

Kaya, Kaya mo yan!

Ang Diyos ay laging nandyan.










Thanks po sa mga nagbabasa! God Bless!
♡♡♡

t h o u g h t s.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon