"Ekay/Vien"Naalimpungatan ako sa ingay sa labas..
Putsa..naman tong mga kapitbahay namin mo..tanghaling tapat ang ingay ingay.
Di nalang sila magsitulog sa bahay nila..Ako lang mag isa sa bahay.may nilakad si nanay,si ate naman andun sa eskwela si tatay namasada..
Narinig ko nalang sa labas
Ang mga sigaw na mga murahan
Tsk..may away na naman.hanggang bunganga lang kayo ei..bakit di kayo masuntukan nalang..nagpasya akong bumaba..nadatnan ko ang mga nangupahan sa baba namin.naki isyuso..
Sinong nag aaway sa labas tanong ko kay fenech ang isa sa mga nangupahan sa amin.
Bago lang ito.dalawang buwan palang siya nangupahan..Di ko nga alam ekay..nakasilip lang kasi ito sa kalawangin naming gate..
Wag kang lumabas ekay..may mga itak sila...nginig ang boses nito.
Labasan ko sila baka magpatayan pa.kawawa naman ang mga pamilyang maiiwan pagnamatay ang padre de pamilya nila..
Pinigilan ako ni fenech..
Diyos ko po ekay baka mapahamak ka..hayaan mo na sila..
Ako bahala fenech.wag kang mag alala ei...makitikim sila ng kamao ko pag di sila nakinig..wag ka ng lumabas.warning ko sa kanya.
Nak naman ng tupa oh..pagkalabas ko ng gate..
Ano naman gulo to... nasa gitna ako.si kuya hero at zeus..
Ekay tumabi ka dyan..di ko sasantuhin yang gago na yan.
Sigaw ni kuya hero.ang lasenggero sa brgy namin.Tang ina gago.sigaw din zeus.
Hep!!!hep!!!..akmang susugod sila sa isat isa..dinipa ko ang mga braso ko upang pigilan sila..
Ang mga tao sa paligid..hiyawan sa takot..
Ekayyyy..umalis ka dyan..sigaw sa akin ng isang babae.
Hayaan mo sila magpatayan.total ang tatapang naman nila..sabi ng matandang lalaki din.
Ekayyyy.umalis ka dyan...sigaw ni buknoy..
Susugod na si zeus papunta kay kuya hero..dahil nasa gitna nila ako...agad kong ginawa.sinipa ko ng malakas si kuya zeus..kahit malaki ang tao ito..tumba sa semento.
Lagapak ang katawan niya..Si kuya hero naman..dahil natumba si kuya zeus.susugurin niya ng tigpas ng itak..nabigla ako sa kilos niya..
Pero di niya na ilapat ang matalas na itak dahil agad kong na siko ang kamay niya..Argh..daing ko..nahiwa ang braso ng konti...
Nasuntok ko ng malakas si kuya hero na siyang pagkawalan ng ulirat..Woooh!!!sabi ko nalang..ang tigas kasi ng ulo niyo ei.ayaw niyo magpaawat..nagsisimula kayo ng gulo dito sa brgy..dahil mga lasing kayo.m
Tang ina niyo..dinuro ko ang dalawa..bitbit na ito ng mga tanod...
Kayo na bahala sa mga yan..
Pinagod niyo ako ah!!!..galit kong sabi sa mga ito..Ekay..patawad.nasugatan kita...
Dun ko lang ulit napansin na nahiwa pala ako...tumulo na ang dugo..
Pano ekay.magdemanda ka ba..nasugatan ka.attempted murder yan..sabi ng kapitan.
Wala ho to capt..di naman sadya.aksedinte lang.ikulong niyo lang yang mga yan ng ilang araw .para magtanda..
Tsk..mga gago ei..Lumapit agad sa akin si buknoy/justine at fenech.
Ekay..magpapakamatay ka ba friend!!!...itakan na yun.pero nasa gitna ka...wala ka na bang pagpapahalaga sa buhay mo!?
Ekay..halika gamutin nating yang sugat baka ma infect pa yan..hinila na ako ni fenech papunta sa bahay.
Sige parin sa paninermon si bukno/justine.
Oy...buknoy..pwede ba manahimik ka nga dya..nanay ba kita!?ha?
Sungalngalin ko yang bunganga mo pag di ka tumigil..Pssstt..manahimik ka na buknoy..mainit ulo ni ekay.saway ni fenech.
Yun na nga ekay..ako lang to.di ang nanay mo..pano kung malaman ni nay lucia an gulo kanina..
Kaya nga manahimik ka
.para di niya malaman.Huh!!?.para kang bago ekay..ang mga tao dito napa sobrang tahimik..super as in..utot mo palang kalat na sa buong brgy.ha.ha.
Ha.ha.ha.walang hiya ka buknoy..utot talaga ang kinumpara mo..ha.ha.nagamot na ni fenech ang sugat ko.nilagyan ito ng gasa...
Ekayyy..ekayyy..sigaw ni nanay lucia..
Paktay ka na ekay yan na si nay lucia.ha.ha.magtago ka na..panakot ni buknoy..
Gago..binato ko siya ng bulak na may dugo...
Yan na kasi nanay mo..armalite yan.ha.ha..
Hoy..buknoy..nanay ko yan..alalahanin mo!..
Salamat fenech..wika ko.
Alis na kami ekay..sabay sabi nilang dalawa..
Nakaakyat na si nanay.nasalubong pa ng dalawa..Ekay!!!!..ano tong nabalitaan ko sa labas...umawat ka daw kila hero at zeus.may mga itak pang dala...
Nay..wala ho yun...
Anon wala!?..hinampas ako ni nanay sa braso..
Magpapakamatay ka ba!?.ano ka gusto maging bayani!!!Hinampas ulit ako sa braso this time.tumama ang kamay niya sa sugat ko.
Aray!!!aray.naman nay..natatamaan sugat ko..naman oh..inis ko kay nanay..
Yan!!!yan!..nasugatan ka ngayon...
Aksidente lang nay..di naman sadya yun..nairita na talaga.di ko lang pinahalata..
Ang hilig mo kasi makisali sa gulo...kaya yan na pala mo.buti ganyan lang..
Kumalma na ito sa sinabi.Nay..di ko naman hayaan na magpatayan sila..kawawa naman pamily nila kung pareho silang patay...
Ay..naku sa ekay..kung ikaw ang mamatay..kawawa namin kami..yumakap na sa anak...
Pasensya na po nay..ang bait ko kasi.he.he..
Umirap nalang si nanay sa sinabi ko..
Ano nakasingil ka ba.!?
Tanong nito.Oo nanay..tatlo lang ang nagbayad.....bukas daw sabi nila.
Sus..naman oh...sakit sa ulo yung nangungutang..
San na.magbabayad ngayon ate mo sa school nila..may retrate or fieldtrip sila..Inabot ko yung perang nasa singil ko kay nanay..
O siya pahinga ka muna dyan.
Luluto lang ako ng merienda natin..
Sa sunod wag ka ng makisali sa mga away dito..baka yan pa ang ikamatay mo anak..
Iiling iling nalang papasok ng kusina..Nay..punta lang ako sa brgy.hall ha..
Sige..balik ka pag oras na ng merienda..
Opo nay..lumabas na ako ng bahay..
Ang mga chismosang kapit bahay namin..panay puri sa katapangan ginawa ko..
Nakakataba lang n puso pag.pinupuri ka nila..Yan na ang role ko sa buhay..hanggat may naapi..at may nangugulo.handa akong tumulong..
Di naman ako alagad n batas upang tumulong sa mga nangangailangan...abangang ang next chaptet.