CHAPTER THREE

6 0 0
                                    

Bumangon ako mula sa higaan ko at sa hindi ko malaman na dahilan kung bakit parang pinipiga ang ulo ko ngayon sa sobrang sakit.

Hindi naman ako nakarami sa ininom ko kagabi two shots nga lang nagawa ko sa bar.

Biglang nagsink sa utak ko na pagkatapos pala namin makaalis sa bar ay dumeretso pa kami sa bahay nila Jane at doon tinuloy ang naudlot naming inom. Shit! Bakit ba ang hina ko pagdating sa beverage.

Ang lalo ko pang pinagtataka ngayon ay paano ako napunta sa kwarto ko samantalang pagkatapos kong makalahati ang isang bote ng tequilla na ininom ko sa mini bar sa bahay nila Jane ay hindi ko na alam ang nangyari dahil nakatulog ata ako. Ewan. Basta wala akong maalala.

Tatawagan ko san si Jane para itanong ang nangyari kagabi nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Yanyan" tawag sakin ni Lolo mula sa labas ng kwarto ko.

Napatingin muna ako sa suot kong damit bago pumunta ng pinto dahil baka nakasuot pa rin ako ng backless dress na kulay pula ang kulay na suot ko kagabi. Pero nakakapagtaka din na nakabihis na ako. Shocks! Natatakot na ako sa nangyari kagabi ahh hindi na ito biro. Sino ang nagpalit ng damit ko? Ugh! Hindi na talaga ako ulit iinom.

"Yanyan" pagtawag ulit ni Lolo.

Pumunta muna ako sa C.R na nasa loob ng kwarto ko para mag-ayos at gumamit ng mouth wash para hindi maamoy ni Lolo ang alcohol sa bibig ko. Alam kong kabisado ni Lolo ang amoy ng bawat alak na mayroon sa bar dahil bussiness niya yon at alam ko na pati ako hindi makakatakas sa pang-amoy niya kung sakali.

Nang makuntento na ako sa itsura ko ay agad ko ng binuksan ang pinto dahil baka magalit na si Lolo kapag hindi ko pa siya pinagbuksan.

"Good morning Apo" bati sakin ni Lolo.

"Good morning din po"

"Kamusta tulog mo?" tanong niya. Wait! Kinakabahan na talaga ako. Hindi naman normal na nagtatanong si Lolo kung maayos tulog ko o hindi.
Nalaman niya kaya. Ano na naman bang ginawang katarantaduhan ng magaling kung kaibigan.

"B-bakit po Lo?" nauutal kong tanong.

Ngumiti ito at sinenyasan akong sumunod sa kanya pababa papuntang kusina. Malamang dahil sa mag-aalmusal na kami.

"Kamusta na ang pakiramdam mo hija" bungad sakin ni Lola pagkarating namin ng kusina.

"Okay lang naman po"

Anong meron bakit napaka-concern nila sakin ngayon ibig kong sabihin bakit sobra sila mag-alala ngayon at asikasong-asikaso nila ako. Hindi naman naiba sakin kapag inaasikaso at tinatanong nila ako ng ramdom questions everyday pero parang OA kasi ngayon.

Ano bang ginawa at sinabi mo Jane!? Hindi talaga ako matatahimik hangga't hindi ko siya nakakausap.

Kinapa ko ang bulsa ko sa pajama na suot-suot ko ngayon para i-check kung nandoon ba kaso wala akong makapa baka naman nasa kwarto ko lang. Mamaya ko na lang siguro titignan. At sa ngayon dapat maging maingat ako sa galaw ko at sa pananalita.

"Good morning po Lolo ... Lola" bati nung babaeng mula sa likuran namin. Kahit na hindi ako tumingin sa aking likuran panigurado ako kung sino iyon.

Ang matalik kong kaibigan! Si Jane.

"O hija buti napadalaw ka" bati sa kanya at nakipag beso-beso kay Lola.

Tumingin ako sa likuran para makita siya at ang gaga parang wala lang sa kanya. Napakanormal ng galaw niya. Ano bang ginawa niyang himala at naipasok niya ako dito sa bahay ng walang nakakaalam.

"Hija maraming salamat naman at napabisita ka ngayon samin, sakto kakain na kami ng almusal" pag-aya sa kanya ni Lolo.

"Ay salamat po" nagmano siya at umupo sa tabi ko. At ang gaga kinindatan pa ako.

Dark SideWhere stories live. Discover now