Inantay ko na makarating sina Lolo at Lola dahil hindi rin naman ako makatulog ng walang sila. Hindi naman sa nagpapabasa pa ako sa kanila ng mga fairytales sa gabi pero hindi talaga ako kuntento kapag hindi ko sila nakikita bago ako matulog feeling ko kapag gumising ako hindi ko sila makikita.
Hindi ko na maikakaila na Lolo's girl ako dahil siya na rin ang tumayong ama ko sa kadahilanan na wala na ang mga magulang ko.
Namatay daw ang mga ito sa car accident nung 1year old pa lamang daw ako kaya sila na ang pumalit na magulang sakin.
Si Lolo at Lola ang magulang ng Papa ko. Si Lolo ay isang Russian na nanirahan dito sa Pilipinas simula ng makilala niya si Lola na isang Pilipina na nakikila niya dahil pumunta raw ito sa kanilang bansa dahil sa kasal ng kaibigan niya.
Kung aalalahanin ko lang ulit ang mga ikinewento ni Lolo tungkol sa love story nila ni Lola ay sobrang nakakainggit dahil kahit na tutol ang parents ni Lolo dahil may nakatakda ng ipakasal sa kanya ay ipinaglaban niya pa rin ang pagmamahal niya para kay Lola. Kahit na naubos na ang pera niya dahil pinaclose ng mga magulang niya ang bank account niya sa kadahilanan na tumakas siya kasama si Lola at pumunta sa Pilipinas ay nagsumikap siya para buhayin ang anak nila na ang tatay ko naman.
Sana kung may makatagpo man ako na lalaki sana katulad siya ng Lolo ko. Mabait at mapagmahal. At higit sa lahat hindi ako papaiyakin at handa akong ipaglabang sa kahit na sino. Parang si Nicolai mabait at matalino kaso hindi niya ako mahal.
Naaalala ko pa noon na sa tuwing pupunta kami sa VBC kapag may bussiness na pinupuntahan doon si Lolo ay agad kong nakikita si Nicolai na nag-aantay sakin sa labas ng building at kapag nakita na niya ako ay tatakbo na siya at yayakapin ako.
Hindi katulad ng kuya niya siya ay may light brown eyes at color black hair, pointed nose,thin lips and round shape din ang muka niya. Halos magkasing height lang sila ni Nikolov ngayon pero dati laging napag-iiwanan siya kapag naglalaro kaming tatlo kasi siya ang pinakabata at pinakamaliit samin.
Minsan ng naging knight in shinning armor ko si Nicolai at yun ata ang dahilan kung bakit hindi ko siya makalimutan kahit na 12 years na ang nakaraan. Napahamak siya ng dahil sakin kaya na galit na galit na ang Mama niya sakin dahil nasagasaan siya ng kotse na dapat ako kaso madali niya akong itinulak. Nabagok ang ulo ko dahil sa pagkakatulak ay sumubsob ako at nawalan ng malay. Hanggang sa pagkagising ko na lang ay nasa hospital na ako at sinabi ng Lolo ko na hindi na kami pwede pang magkita nila Nicolai at Nikolov.
Narinig ko ang pagkatok sa pinto ko mula sa labas. Ako na lang ngayon ang nandito sa kwarto dahil umuwi na si Jane kasi baka hanapin na daw siya ng parents niya.
"Hija si Aling Vicky mo ito pwede bang pumasok?" tanong niya mula sa labas.
"Sige pi Aling Vicky hindi naman po nakalock ang pinto ko"
Binuksan niya ang pinto at pumunta sa kama ko na hinihigaan ko ngayon.
Nakita ko na inilahad niya ang kamay niya at mula doon ay nakita ko na nasa kamay niya ang pinakamahalagang bagay sa buhay ko. Ang kwintas na ibinigay sakin ni mga magulang ko noong bata pa lamang ako. Kulay blue na gem ang pendant nito kaya marami ang nagkakainteres dito lalong lalo na si Jane kaso kahit mahal na mahal ko anh kaibigan ko na iyo ay hindi ko pwede ibigay ito sa kanya at naiintindihan naman niya."Nahulog mo ito kagabi sa may garden at kaninang umaga ko lang nakita nung nagdidilig na ako" nakangiting wika nito.
"Salamat po Aling Vicky sa pagbalik nito at sa pagtulong samin kagabi at sa paglilihim kina Lolo at Lola ng totoo" sambit ko.
"Okay lang yun hija hindi ka na iba sakin at wag mo ng alalahanin ang lihim na itinatago mo kina Lolo mo dahil normal lang yun alam kong mapapatawad ka din nila kapag nalaman nila iyon dahil lahat ng tao ay natatakot na sabihin ang katotohanan kaya minsan ay mas pinipili na lang natin na itago ang totoo. Kahit naman sila Lolo mo may itinatago din dahil ayaw ka nila masaktan at baka sila pa ang magmakaawa sayo sa huli na patawarin sila" nakangisi na sabi niya.
YOU ARE READING
Dark Side
Ficção GeralRibrianne Egorov is a badass half blood russian girl but she grew up in Philippines so she's not spoken in dollar. She already graduated in a University with a course of BSBA major in Management. After her graduation she and her friend find for a jo...