CHAPTER TEN

8 0 0
                                    

A/N: 69. Hihihihi. Enjoy!

"Sir nadelay po ng isang oras ang flight ni Mr.Martinez kaya baka ma-adjust ng 5 pm ang board meeting niyo" sambit ko kay Sir Nikolov.

Nakasanayan ko ng tawagin sila ni Nicolai na Sir kapag nandito sa VBC at lalo na sa maraming tao. Minsan nga nadadala ko pati sa bahay kapag pumupunta sila. Kaya madalas nagagalit sakin si Sir----- Nikolov dahil sa tawag ko sa kanya. Pero wala rin naman siyang nagawa doon.

Tatlong linggo na rin simula nung  nagsimula akong magtrabaho sa Company ng mga Velez hindi naman ganun kahirap pero dahil sa ako ang secretary ni Nikolov kaya madalas na nasasama sa trabaho ko ang personal na bagay.

Katulad ng pagsundo niya sakin tuwing umaga at paghatid sakin paggabi. Ang pakainin ako sa tamang oras kahit na ayoko dahil marami akong ginagawa. Kaya tumataba na ako e. Goodbye my sexy gorgeous figure. At ang pagiging possessive niya. Fuck as hell! Sarap niyang ilunod sa timba!

"O sige sabihan mo na lang ako kapag dumating na siya" walang ganang sagot nito.

Simula kaninang umaga kasi madami na siyang ginagawa hindi na nga rin siya nakakain ng breakfast and lunch dahil sa mga kailangan niyang asikasuhin. He is responsible when it comes to his work he doesn't wasting his time for not important things. Para kasi sa kanya time is gold. Hindi nga lang halata.

"Kumain ka kaya muna" pagbasag ko sa katahimikan namin.

Magkatabi lang ang office namin para hindi na daw ako maglakad ng malayo kapag pupuntahan sa kanya. Pero ayoko ng pagkakagawa sa office ko I mean yung pinto lang pala kasi ang pinto ko palabas ng office ay nasa loob ng office ni Nikolov. Inshort, dadaan muna ako sa kanya bago lumabas ng lubusan sa office ko at niya.

Para malaman niya daw kung saan ako pupunta at kung ano ang gagawin ko sa labas bago ako umalis. O diba hindi ba naman abnormal. Pero dahil siya si Nikolov Velez kaya wala akong magagawa kahit pa si Nicolai. Pati tuloy siya minsan ko na lang makita.

"Busog pa ako" sagot niya habang nakatingin sa mga papel na nasa table niya at hindi na ito nag-abala pang tumingin sakin. Ouch! "Kumain ka na lang kung nagugutom ka na wag mo na akong antayin marami pa akong ginagawa" walang emosyon na sambit nito.

Edi wow! Laklakin mo ang mga papel na yan. The nerve!

"So nirereject mo ako ngayon?"

"Stop act like a kid yanyan. Intindihin mo na lang ako. I'm fucking busy" iritado nitong sagot.

Alam ko naman yun e. Kaso hindi ko lang talaga maintindihan na pati sa pagkain nagagawa niyang tiisin alam ba niyang pwede siyang magkasakit kapag nalipasan siyang gutom. Wala akong pake kung hindi niya ako pansinin kasi kakayanin ko yun pero ang tiisin niya ang sarili niya sa pagkagutom ayun ang kinagagalit ko. Paano kapag nagkasakit siya. Bwesit!

Kinuha ko ang pagkain na pinadeliver namin kanina kaso hindi niya nakain at ako lang mag-isa naglunch kanina dahil sa pagiging busy niya. Kahit naman ako busy ah at siguro lahat ng employee dito. Pero nagagawa naman nila ng paraan para makakain. Naiinis talaga ako sa taong 'to.

Pinatong ko sa lamesa niya ang pagkain at natigilan siya sa ginagawa niya. " Kumain ka muna kahit konti bago ka pumunta sa board meeting mo mamaya. Please Nikolov" sambit ko sabay talikod sa kanya.

Naramdaman ko na tumayo siya sa swivel chair niya at naramdaman ko na lang na niyakap niya ako mula sa likod na ikinabilis na naman ng tibok ng puso ko. At hinalikan niya ako mula sa batok papunta sa balikat ko dahilan para makaramdam na naman ako ng kakaibang sensasyon.

"Sorry kung hindi na kita nasasabayan kumain. Busy kasi talaga ako. Promise babawi ako--"

Humarap ako sa kanya atsaka tumingin sa kanya ng walang emosyon para malaman niya ba galit ako. " Sir---- Nikolov wala akong pake kung hindi mo ako mapagtuonan ng pansin sa buong maghapon pero please lang naman wag mong gutumin ang sarili mo" inis ko paliwanag.

Dark SideWhere stories live. Discover now