CHAPTER TWELVE

4 0 0
                                    

"Could you please cancel the meeting for tomorrow Miss Ribrianne. I have some important things to do. So I can't attend the meeting with Mr.Romano" wika nito sa akin.

"Yes sir" tanging yun na lang ang itinugon ko.

Simula nung may nangyari samin ay naging cold na siya sakin at nag iba na ang pakikitungo. Bwesit! Siya pa ang may lakas na mag iba ang mood sa amin e samantalang siya na nga ang may kasalanan. Pero okay na rin iyon atleast naka focus na lang ako sa trabaho ko at nawawala na siya sa sistema ko.

Akmang aalis na ako papunta sa office ko ng tawagin niya ako ulit. "And wait Miss Ribrianne. Can you do some favor for me" sambit nito habang nakatingin ng deretso sakin.

Medyo nasasaktan ako dahil hindi na yanyan ang tawag niya sakin. Mukang may iba na nga siyang nalalandi at nanawa na sakin. Fuck you Nikolov!

"Yes sir"

"Order for me one boquet of roses for tomorrow. I have my date so I need that" nakangiting wika nito.

Ugh! Ang saya. Sakin niya pa talaga inutos. The nerve! Parang piniraso raso ang puso ko sa sinabi niya. I have my date. Edi siya na kasi ang madaling maka move on. Punyeta! Palibhasa hindi siya ang nakunan ng virginity.

"Can you do that for me Miss Ribrianne?" wika ulit nito. Kanina pa pala ako nakatanga sa kanya at hindi kumikibo.

"Y-yes sir" sambit ko sabay pumunta na sa office ko.

Pwede na ba akong mag resign! Ayoko na talaga. Ang sakit sakit na feeling ko pinaasa niya lang talaga ako sa mga salita niya.

Manliligaw pala ah. Hayup siya! Magsama sila ng ide-date niya. Malunod sana sila sa timba.

Naramdaman kong lumabas siya kaya naman umupo na ako sa swivel chair ko at nagpa music na muna.

Tanging soundtrip na lang ang nagpapa relax sakin dahil sa mga bagay na hindi ko naman dapat talaga ginawa una pa lang. In-open ko ang music app ko at pinindot ang favorite song ko. Para sakin kasi nasa kanta na talaga na ito ang lahat ng sasabihin ko sa lalaking naghahamak na pumasok sa puso ko. Ang Kung pwede lang by Lovi Poe.

Kung pwede lang ayoko na sanang masaktan
Kung pwede lang damdamin ko ngayo'y pipigilan
Kung pwede lang ko'y huwag mo ng lapitan
Kung pwede lang
Kung pwede lang naman

Naalala ko na naman ang mga sinabi niyang matatamis kung pakikinggan pero napakapait naman kung mararamdaman.

Dahil minsan ang puso kong ito ay nagmahal
Dahil minsan nagtiwala at umaasam
Kung pwede lang
Akala ko'y wala ng hangganan
Kung pwede lang hindi pala ganyan

Akala ko sa pangalawang pagkakataon mabibigyan na ng katarungan ang pagmamahal ko sayo. Ngunit hanggang akala na lang pala talaga.

Kung di lang rin naman tapat sa sasabihin mo
Kung di mo rin naman aalagaan itong puso ko
Kung pwede ngayon pa lang damdamin ko'y iwasan
Dahil ang puso ko'y takot ng masaktan

Hindi ko na napigilan lumuha dahil sa katangahan na ginawa ko. Ang pinaka masakit kasi ay yung hinayaan ko siyang kunin ang pagkababae ko sa kadahilanan na akala ko totoong mahal niya ako.

Why am I so stupid!

Biglang bumukas ang pinto ng office ko at lumabas mula doon si Nicolai. Nakangiti siyang lumapit sakin at inaabot ang isang boquet ng roses.

Nagtataka kong tinanggao yung binigay niya. "Para san 'to?" tanong ko.

"Para sayo. Bakit may iba pa ba ako dapat pagbigyan niyan dito bukod sayo?" natatawang tanong nito.

Dark SideWhere stories live. Discover now