CHAPTER SEVENTEEN

2 0 0
                                    

It's not easy to give up on something specially if it is your love one. Madalas kasi mas pinipili natin ang masaktan kesa ang ilet go ang isang tao.

Oo nasa tabi nga natin siya pero sa bawat oras na kasama mo siya iba naman ang nasa isip lalo na ang nasa puso niya.

Ganun naman talaga tayo e mas pinipili natin ang maging t*nga o sabihin na nating martir para sa isang tao kahit na lagi nila tayong sinasaktan. Parang ang kaibigan kong si Jane alam na nga niyang hindi na siya mahal ni Drek namamag asa pa rin siya.

"Pwede bang bawas bawasan mo na ang pag iisip ng malalim lalo na kapag kasama mo ako. Na-i-insecure kasi ako feeling ko iba ang iniisip mo samantalang nasa tabi mo lang naman ako" may pagka irita niyang sambit.

Shete! Ano ba nakain ng taong 'to bakit nagmamatamis na naman ang mga salita niya. Masyado nga siguro ako na pre-occupied sa kakaisip ko kay Jane simula kasi nung nakita niya yung ex niyang yun na may kahalikan na ibang babae ay hindi na siya tumigil sa pag iyak.

"S-sorry. Di ko lang kasi maiwasan na isipin si Jane"

"Ganun ba. Pero pwede ba kahit ngayon lang ako muna ang ilagay mo diyan sa isip mo kasi kanina pa talaga ako di mapakali dahil sayo. Gusto kong magalit dahil wala sakin amg atensyon mo and at the same time ayoko naman magalit sayo dahil mahal kita"

Okay! Ako na mismo mag e-experiment ng anti-kilig na gamot mamaya. Di ko na talaga kaya. May allergy ata ako kay Nikolov lalo na kapag sinasabihan niya ako ng mga mala pelikula na banat e bumibilis kasi ang tibok ng puso ko. Dati kasi sa palabas ko lang talaga naririnig ang mga iyon tapos iisipin ko na lang na ako ang bida para kiligin din ako pero ngayon ibang iba na dahil sa kanya. Pinaramdam niya nga sakin na mahalaga talaga ako sa kanya at mahal na mahal niya ako. No need to question it because I can feel it.

"Sige"

Niyakap niya ako ng napagka higpit habang nasa mall kami at namimili ng appliances para sa bahay niya. Simula kasi ng maging kami ay naisipan na niyang dagdagan ang mga gamit niya sa bahay para daw kapag nag stay ako doon at para rin daw sa future namin. Why so sweet!

Hanggang ngayon di ko pa rin alam na kami na talaga kasi hindi man lang siya nanligaw ni hindi ko nga rin siya sinagot basta isang araw na lang sinabi niya kay bellatrix bitch na kami na then kaboom.

Siguro nga nanligaw siya pero di ko kasi nadama dahil puro love making ang nangyayari saming dalawa. Pero naramdaman ko naman na mahal niya talaga ako kaya hindi na ako magtataka kung bakit lalo ako pinag initan ng mga babae sa VBC.

Minsan nga gusto ko talagang tanungin si Nikolov about samin kaso pano kapag nagalit siya? Paano kung tanggalin niya ako bigla sa trabaho? No way. Kaya di na lang ako magtatanong.

Bigla akong napahinto ng nabangga ako sa matigas na pader ---- dibdib ni Nikolov at ng mapatingin ako sa kanya ay madilim na naman ang muka niya. Wait! Kanina lang ang sweet niya sakin ah bakit ngayon muka naman niya akong kakainin ng buhay. The nerve! Bakit ba kasi napaka bipolar niya! Ano na naman ba ang ginawa ko?

"Sinabi ko na diba na ako lang ang iisipin mo at wala ng iba!"

Napatingin samin ang ibang taong naglalakad lakad dito sa Mall dahil kay Nikolov. Kailangan ba talaga niya isigaw yun? Hindi naman totally na sumigaw light lang naman sapat na para makaagaw pansin sa iba.

Feeling ko namumutla na ako ngayon dahil nawalan talaga ako ng hangin sa loob ko medyo--- hindi pala talagang nakakatakot na talaga siya.

Sinabi na kasing wag mag-iisip ng iba e bakit ba kasi ang kulit ko rin. Yan nagalit na siya tuloy.

"S-sorna!" sambit ko sabay peace sign sa kanya pero tinalikuran niya lang ako at dumere - deretso sa daan patahak sa department store.

"Uyy! Nikolov sorry na! Sweetheart! Babe! Yuhoo... Honey! Baby! Boo!" napatigil ako ng wala na akong maisip na endearment para tawagin si Nikolov. Naman kasi e ang hirap paamuin ng lalaking 'to.

Dark SideWhere stories live. Discover now