Mahigit isang linggo din ako nandito sa hospital dahil sabi ng doctor kailangan pa daw ako i-observe kaya mas pinili na lang muna nila Lolo ako ipag-stay dito kahit na nagpupumilit na akong umuwi. I hate hospitals feeling ko kasi kapag nandito ako napakalala ng sakit ko.
Simula pagkabata ko kapag nilalagnat ako o kahit sinat lang dadalhin na agad ako nila Lola sa hospital kaya naman suking-suki na ako dito at yun naman ang ayaw ko.
Pumasok ang babaeng doctor para i-check ako kung mabuti na ba ang lagay ko. Simula nung pumunta dito si Nikolov sa hospital ay iba na ang nag-aalaga sakin na doctor hindi na yung lalaki na una kong doctor dahil nagrequest siya sa mismong may-ari ng hospital na palitan ng babaeng doctor ang mag-alaga sakin. Napakasira ulo talaga nun kahit na pangalan tuloy nung doctor hindi ko nalaman at kapag tinatanong ko naman ang mga nurse ayaw naman nila sabihin.
Nalaman ko din na simula nung monday nagsimula na si Jane sa VBC siya ang assistant ni Mr.Agoncillo sa office kaya hindi naman daw siya nahirapan kahit baguhan lang siya kasi may guma-guide naman daw sa kanya.
Mabait din daw sa kanya si Nicolai at lagi daw akong kinakamusta. Sinabi pa nito na sisikapin niya na makadalaw sakin dito sa hospital dahil kapag tinatanong daw nito ang kuya niya kung pupunta ito "hindi" lang ang tanging sagot nito. Samantalang tuwing umaga bago siya pumunta sa trabaho dinadalawa niya ako at kahit lunch pumupunta siya dito na rin siya kumakain at sa gabi din minsan nga dito na siya natulog kahit na pilit ko siyang pinapa-uwi.
Kapag nandito siya hindi ko pinapaalis sila Lolo o Lola o minsan naman kapag kailangan may bilhin isa lang ang pinapaiwan ko dito. Mabuti na lang at hindi nila ako masyadong tinatanong kung ano ang dahilan o kahit maghinala man lang.
Gabi na at alam kong papunta na rito si Nikolov kaya nag-ayos na ako ng konti. Wala akong gusto sa kanya pero kahit na ganoon lalaki pa rin naman siya kaya kailangan ko mag-ayos.
Narinig kong may kumatok at pinagbukasan ni Lola. Wala ngayon si Lolo dahil may inasikaso siya sa bussines namin kaya si Lola lang ang nag-aalaga sa akin. Pumasok si Nikolov sa loob at nagmano muna kay Lola bago pumunta sa tabi ko.
"Kamusta ka na?" sambit niya.
"Eto ganun pa rin" walang gana kong sagot.
"May pasalubong pala ako sayo" masayang wika niya.
Napakunot-noo na lang ako dahil sa pasalubong niya. Hindi ko kasi ini-expect na isang katulad niya ay may tinatagong ka-sweet-tan din pala. Sa loob kasi ng isang linggo lagi na lang siyang may dalang prutas o bulaklak kaya nagtataka ako kung bakit niya ginagawa yun. At napagalaman ko din na break na sila ni Bellatrix bitch dahil sawa na raw ito sa babaeng yun. Tama nga talaga ang hula ko na kapag nagsawa na siya sa lintang iyon iiwang niya rin ito dahil sa playboy nga ito. Malamang napagsawaan na niya ito at gusto na naman ng bagong panlasa. Lalaki nga naman.
Iniabot niya sakin ang isang paper bag at pinapatingin ang loob niyon. Nabigla ako sa nakita ko mula sa loob ng lalagyan. He still remember my favorite food. According to the site I was visited last month ago if someone still remember your favorites it means you are special to them. Am I really special for him?
Parang bigla umakyat lahat ng dugo ko sa pisngi dahil sa binigay niya. My favorite lasagna. Ayiiiee!
"Nalaman ko kasi kay Lola mo na favorite food mo yung lasagna kaya bumili muna ako bago pumunta dito" nakangiting wika nito.
Fuck! What did he say?! Lola told him and he didn't remember it. Damn you! Paasa. Argh! Ayoko na kainin 'to.
Paasa! Paasa! Paasa! I hate you Nikolov!
Napasimangot ako dahil sa nalaman ko ang sakit naman kasi akala ko naalala niya pa pero sinabi lang pala talaga ni Lola. Magsama sila ng lasagna niya.
YOU ARE READING
Dark Side
Fiksi UmumRibrianne Egorov is a badass half blood russian girl but she grew up in Philippines so she's not spoken in dollar. She already graduated in a University with a course of BSBA major in Management. After her graduation she and her friend find for a jo...