"Kaya mo pa ba" hingal kong tanong.
"Kakayanin" pagod na sambit.
"Sabihin mo na lang kung hihinto na tayo ah"
"Yes I will"
At pinagpatuloy na namin. Hindi biro kapag baguhan ka pa lang masakit at pero okay rin naman.
"Ugh! Stop! I'm fucking tired" sambit niya.
"Pero malapit na tayo oh, ngayon ka pa ba susuko" tanong ko.
"Ih naman kasi pagod na talaga ako pahinga na muna tayo, please"
"Okay fine" sabay ko irap.
Totoo naman kasing masakit na talaga ang paa namin kasi kanina pa kami naglalakad at panay takbo dahil naghahabol kami ng oras sa aaplayan namin. Mahirap maghanap ng trabaho sa panahon ngayon lalo na't marami kaming kalaban sa posisyon na gusto namin.
"You know what kumain muna tayo jusko po Lord anak ako ng nanay kong Dyosa gutom na gutom na ako" reklamo pa niya.
"O sige na nga pero bahala ka kapag naunahan tayo ng iba sa pag-aaply dahil diyan sa kaartehan mo ahh"
"Oo na ako na susustento sa inyo"
Natawa na lang ako sa sinabi niya. Siya nga pala si Jane ang pinaka matalik kong kaibigan at pinakilala ako sa buong buhay ko. Siya rin nakakaintindi sa lahat ng problema ko at syempre siya rin ang tanging tumutulong sakin dahil only child lang ako since namatay naman na ang mga magulang ko.
Simula kanina pa kasing umaga wala na kaming kain dahil nagmamadali kami baka kasi maunahan kami ng iba mahirap na. Simula kasi nung nag pass kami ng resume sa mga company before graduation ay marami na agad ang tumatawag samin at ini-interview kami marami rin naman ang gustong i-hire kami kaso may isang kompanya talaga akong gusto pasukan.
Ang VBC o mas kilalang Valez Bank Corporation sila kasi ang pinakasikat at pinakamayaman na Bangko sa Pilipinas pati na rin sa Asya. Simula bata pa lang ako pinangarap ko ng magtrabaho doon siguro simula nung unang makita ko ang loob ng gusaling yun sobrang ganda at ang gara kasi tapos ang ganda pa ng uniform ng mga employee. Maganda din ang sweldo tapos marami oang benefits ang matatanggap kapag nakapag trabaho ka na doon.
"Huy! Kumain ka na wala naman magagawa yang pagtingin mo diyan sa gusali ng VBC at mag-imagine ng kung ano-ano para mabusog ka"
"Ang ganda kasi Jane gusto ko talagang makapag trabaho diyan"
Hanggang ngayon kasi manghang-mangha pa rin ako sa laki ng gusali na ito na nasa sentro ng Ortigas isa ito sa pinakamagara na building na makikita mo rito.
"Ang sabihin mo hindi mo na maantay makita muli ang knight in shinning armor mo na nasa loob ng gusali na yan at anak ng may-ari ng Velez Bank Corp."
"Manahimik ka nga! Alam mo ang daldal mo kahit kailan talaga walang kadena yang bunganga mo" saway ko sa kanya sabay subo ng isang kutsarang kanin sa bunganga niya.
"Kajsbsuiqhqbwosudy" hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya dahil sa puno ang bunganga niya habang nagsasalita.
"Shut your mouth! Don't talk when your mouth is full" pamgaral ko pa. Parang hindi kasi naturuan ang babaeng ito ng manners sa harap ng pagkain.
"Hindi ka ba kakain?" tanong niya.
"Wala akong gana kumain" tipid kong sagot.
"Akin na lang ahh gutom pa kasi ako" nahihiya niyang sambit. Tinawanan ko na lanh siya at tumango para kainin na niya ang pagkain na inorder ko. Naeexcite na kasi ako.
YOU ARE READING
Dark Side
Fiksi UmumRibrianne Egorov is a badass half blood russian girl but she grew up in Philippines so she's not spoken in dollar. She already graduated in a University with a course of BSBA major in Management. After her graduation she and her friend find for a jo...