Nanggigigil talaga ako sa gagong yun! Bakit ba kasi sa dinami-dami ng pwedeng makita bakit siya pa. Pwede naman si Nicolai na lang. Ugh! I hate that bastard! Tama ba naman na ipaalala niya ulit yung nangyari samin nung nakaraan. Mali talaga na pinagbigyan ko siya. Maling-mali!
Shit! Ano ng gagawin ko bukas? Pupunta ba ako o magdadahilan na lang ako para hindi na ako makapunta. Pero ano naman ang ipang-dadahilan ko.
"Yanyan. Matulog ka na maaga ka pa bukas" sambit ni Lolo na galing sa kusina at nagtimpla ng kape.
Nakahiga ako ngayon dito sa sofa habang nanunuod ng tv. Pagkatapos kasi ng pag-uusap namin ni Nikolov kanina sa phone shop ay umalis na agad kami I mean hinila ko na palabas si Jane para umuwi kaya nagtaka si Lolo kung bakit kami nakauwi ng maaga. Hindi na rin namin tinuloy ang gala namin dahil ayoko ng makita pa ulit ang pagmumuka ng hayup na yun.
"Aakyat na rin ako maya-maya Lolo"
"O sige. Magpahinga ka na at para maganda ang kondisyon ng katawan mo bukas pagpumasok ka sa VBC"
At tuluyan ng lumabas si Lolo papunta teresa. Kinilabutan naman ako sa sinabi niya. Katawan. Naalala ko tuloy ang huli niyang sinabi bago ko hilain palabas si Jane.
"And I hope this time we can continue our love making"
Fuck you Velez! Hindi love making ang tawag dun dahil kahit kaunti wala akong nararamdaman na pagmamahal sayo sadyang libog lang. Hayup ka!
Hindi talaga pwede na magkrus ang landas namin ulit. Hindi. Dapat ngayon pa lang gumaw na ako ng paraan para makaatras sa inaalok na trabaho samin ng VBC.
Ano kaya kung magsakit-sakitan ako? Hindi pwede dahil next day pwede na rin akong pumasok.
What if sabihin kong may trabaho na akong nagustuhan? For sure naman wala na silang magagawa doon kahit na gusto ko magtrabaho sa kanila.
Agad kong kinuha ang phone ko na nasa table at pinatay ang tv. Kailangan kong tawagan si Jane. Kailangan malaman niya ang nangyayari. Kaso ng nasa kalagitnaan na ako ng hagdan biglang dumulas ang isa kong paa at dahilan para mahulog ako.
Unti-unting nanlalabo ang mata ko pagtapos kong mahulog nakita ko rin na may dugo sa sahig na kinalalagyan ko. Narinig ko na rin ang hiyaw ni Aling Vicky at tinatawag sila Lolo at Lola. Bago pa man tuluyan akong mawalan ng malay nakita ko pa na umiiyak na lumapit sakin si Lola.
Minulat ko ang mata ko at napansin na hindi ito ang kwarto ko. Malamang nasa hospital ako pero ano na ba nangyari. Tumingin ako sa gilid ko kung nasan nakalagay ang dextrose at nakita ko din sila Lolo at Lola na lumapit sa kama ko.
"Apo. Ano ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ni Lola.
"M-medyo masakit pa po ang ulo ko at yung likod ko"
"Mabuti pa siguro na tawagin mo muna ang doctor, hon" sambit ni lola kay lolo.
"Sige alalayan mo muna si Yanyan" sagot ni lolo at agad na lumabas para tawagin ang doctor.
"Lola. Ano pong nangyari sakin?"
Bukod kasi sa alam kong nahulog ako sa hagdan wala na akong maalala at sa dugo din pala na nasa floor na binagsakan ko.
"Wala naman masyadong nangyari sa katawan mo hija pero kailangan mo pa rin magpahinga lalo na ang madami-dami ang nawalang dugo sayo"
"Dugo? Edi na nangailangan kayo ng donor? Kasi magkaiba po tayo ng blood type kahit din po si Lolo. Kanino naman po kayo nakahanap?"
"Wag ka mag-alala apo may kakilala naman kami sa ka-blood type mo kaya hindi mo na kailangan pang mag-isip"
Nakita ko na nag-iba ang expression ng muka ni Lola ng sinambit niya ang kakilala. Sino naman kayo iyon? Bakit parang iba ang epekto sa kanya.
YOU ARE READING
Dark Side
Ficción GeneralRibrianne Egorov is a badass half blood russian girl but she grew up in Philippines so she's not spoken in dollar. She already graduated in a University with a course of BSBA major in Management. After her graduation she and her friend find for a jo...