0#Prologue & Cast
"Tomboy"
Diba sila yung mga babaeng walang interes sa mga lalaki, kundi sa mga kapwa nila babae?
Sila yung mga babaeng, lalaki ang pormahan.
Sila rin yung babaeng ginagaya ang asta ng mga lalaki, tulad nalang ng pagiging; siga, matapang, pa-cool atbp.
At kapag naka meet ka ng isang babaeng ganyan ay tiyak na ikamamatay mo talaga dahil sa kainisan.
Bakit? Dahil ganyan ang ugali ng isang ZUTI LEEN DIZON na kilala ko.
Siga? Check.
Matapang? Check.
Alaskador? Check.
Tomboy? Check.
At alam niyo ba ang mas nakaka baliw pa? Ako lang naman ang isa at unang lalaking manliligaw ng kupal na yan! Oo manliligaw ako ng tomboy na yan!
Ako na anak ng mga RAMIREZ na kilala sa mayamang pamilya sa bansa. At pinangalanang Brandel Louis Ramirez ang tinamaan sa tomboy na yan!
Kung bakit siya? Yan ay hindi ko rin alam. Hanggang ngayon hinahanap ko parin ang sagot dyan sa tanong ko. Hindi naman siya yung tipo kong babae dahil ang gusto ko. Maganda, sexy at mabait pero siya...
Tsk...tsk...tsk...maganda at sexy lang pero yung mabait? Nako! walang wala dahil saksakan ng kayabangan at kahibangan ang isang yan!
Nakakainis kasama, nakaka bwisit makita, laging nang titrip at ang masaklap pa nito...e mas lalaki pa kumilos kesa sakin. Putcha! Laking bawas sa pagka lalaki ko nun.
Pero mukha atang napag laruan ako nila tadhanna, bathala at kupido dahil siya lang kaisa isang babae na nag tibok ng puso ko sa kakaibang paraan.
Nung una hindi ko rin maintindihan. Iniisip ko pa ngang baka nagayuma niya ako e...pero habang tumatagal naiintindihan ko na kung bakit. Yun ay dahil masaya ako kung ano siya.
And this is my journey of life by COURTING THE TOMBOY.
- Brandel Louis Ramirez
// CAST //
1.BRYL LYLE RAMIREZ
2. BLYNA LYN RAMIREZ
BINABASA MO ANG
Courting The Tomboy
Teen Fiction"Once upon a time, there was a prince who fell inlove with a lesbian..." In this world full of different person. Merong babae, lalaki, bakla at tomboy. Pero dalawa lang ang kasarian ng tao na nilikha ng dyos ito ay ang babae at lalaki. Paano kung an...