Chapter 5

32 1 0
                                    

BRANDEL'S POV

Andito kami ngayon ni Sam sa parking lot para umuwi na. Half day kasi ngayon dahio first day of school pa.

"Oi!"

"Ha?"

"Anong ha? Kanina pa ko tawag ng tawag sayo at kanina ka parin malag! Ano ba iniisip mo?" Halata sa itsura niya na inis na sya sakin

Paano a naman kanina pa ko busy kaiisip sa nangyari kanina. Kahit tinginan lang yun hindi ko alam kung bakit ganun kalakas ang epekto sakin.

"Wala yun. Uuwi na ko."

"Brandel!" Rinig ko pang tawag ni Sam pero umalis na ko dun

Nang makarating ako sa kotse ko ay pinaandar ko agad to tsaka umalis na. Habang papunta sa bahay napa daan muna ako sa mall upang gumalagala.

Dumaretso na muna ako sa isang bilihan ng nga libro para mag basa basa. Ang boring kasi kapag umuwi agad ako sa bahay. Wala si daddyat mommy kami lang ni kuya ang nandun at paniguradong mag aaway lang kami nun.

Sa pag hahanap ko isang libro ang naka akit ng atensyon ko. Meron itong pamagat na 'Ang Girlfriend Kong Tomboy' na tawa pa ako nung una ko tong nakita pero di tumagal ay kinuha ko rin ito.

Umupo muna ako sa isang tabi tsaka binuklat ito.

Did you ever fell inlove with a lesbian? Well ako, OO. Mahirap man ipaliwanag kung pano ito nag simula pero isa lang ang alam ko. Malakas ang tama ko sa kanya. Mahirap ba syang mahalin? Yes, bakit? Dahil hindi sya tulad ng ibang ordinaryong babae na kapag pinakilig mo ay sasagutin kana agad.

Maraming pag subok ang pinag daanan ko. Minsan ko gusto ko na sumuko pero hindi ko yun ginawa dahil alam kong balang araw lahat ng pinag hihirap ko ay mag bubunga din. Kaya ngayon heto ako at ilang taon na kaming kasal. Kaya kung ako sayo wag kang sumuko malay mo mahal ka rin niya.

Introduction palang yan pero parang yan na ang buong buod ng storya. Nakaka tuwa dahil meron palang mga taong nag kakagusto sa mga taong lesbian. Ako kaya? Kanino kaya ako mag kakagusto? Sa babae ba o lesbian?

Bigla naman sumagi sa aking isipan yung mga nangyari kanina. Naalala ko kung paano niya ko iligtas, kami ni Sam I mean. Hindi sya basta basta ordinaryong babae dahil kakaiba ang aura. Hindi rin sya nagulat ng mag kabungguan kami kanina. Hindi kaya?

( OoO )

Erase! Erase!

Bakit ba kasi sya sumahi sa isipan ko. Baka naman ganun talaga attitude niya. Bahala na nga!

Inis akong lumabas ng book store na yun. Iniwan ko na rin yung libro dun sa loob. Dahil sa storyang yun maraming katanungan ang pumasok sa isip ko.

"Hay brandel." Yan nalang ang nasabi ko sa sarili ko

Habang nag lalakad ay may nakita akong pamiliar na tao, I mean babae. Naka cibilian to tulad nung babae kanina sa school. Mas lumapit pa ako dito at hindi nga ako nag kamali dahil sya nga to.

"Bakit sya nandito?"

Hindi ko alam pero ng papaalis na to sa pwesto niya ay wala sa sarili akong napa sunod sa kanya. Nang pumasok ito sa loob ng national bookstore ay sumunod din ako. Dun sya pumnta sa mga folder na madalang puntahan ng mga tao.

At sa hindi inaasahang pag kakataon naka dali ako ng isang bagay na naka gawa malakas na tunog na naging dahilan ng pag tigil niya sa pag lalakad.

Shit! Ang clumsy mo talaga kahit kailan Brandel!

Ramdam ko ang mga tapak niya na dahan dahang lumapit sakin. Napa takip ako ng bunganga ko upang hindi na muling maka gawa ng ano mang tunog. Biglang tumigil ito kaya naka hinga ako ng maayos. Sinilip ko pa muna yung pwesto niya kanina pero wala na to.

"Baka inisip niya na aksidente lang yun. Tsk makaalis na nga baka---oi!" Nanlaki agad ang dalawa kong mata ng makita ko ito na nasa harapan kona

"Sinusundan mo ba ko?"

"H-hindi n-no a-asa ka naman." Pag tanggi ko pa

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng dahan dahan itong lumapit sakin.

"Kanina pa kita nararamdaman na sinusundan ako. Hindi lang kita pinansin dahil iniisip ko na baka nag kataon lang, pero sobra na ata to." Nang maramdaman kong nakorner niya na ko ay sunod sunod akong napa lunok

"Ngayon mo sakin sabihin na hindi mo ko sinusundan." Matalas syang naka tingin sakin habang hindi parin ako makapag salita

Shit anong sasabihin ko. Bistado na ko!

"Stalker ba kita?"

Napapikit nalang ako nang makaisip ako bigla ng maaari kong sabin.

"Oo..." Nag lalakas loob kong sabi dito "Sinusundan kita, oo stalker mo ko. Bakit masaba ba?" Binawian ko naman sya ng sunod sunod na tanong

"Bakit mo ko ini-stalk?"

"Da-dahil...." Tumingin ako sa mga gilid gilid ko. Nag hahanap ng pwedeng isagot sa tanong niya. "DAHIL GUSTO KITA!!!" Nang sabihin ko yan ay napa pikit nalang ako sa sobrang hiya

"Huh?" Takang tanong nito na parang hindi magets yung reason ko

"You know kapag gusto mo ang isang tao kahit san to mag punta gusto mo nandun ka din. Kaya yun yung ginawa ko." Paliwanag ko dito

Taka parin itong naka tingin sakin na parang hinuhusgahan ako. Inayos nito ang kanyang sarili tsaka inilingan ako.

"Wag ako, iba nalang." Akmang aalis na sya ng bigla kong hawakan ang braso niya dahilan upang mapatigil sya

"Bitawan mo." Agad akong napa bitaw sa braso niya ng pakitaan niya ko ng mukhang nakaka takot yung parang papatayin kana

"May nagawa ba kong mali para magalit sya ng ganun?"

Courting The TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon