Chapter 12

17 1 0
                                    

ZURI'S POV

Nanatiling naka tingin lang ako kay Brandel at walang kibo. Hindi ako makapaniwalang sa dinami dami ng mga taong pwede kong makuta eh sya pa.

"A-ano titingin ka lang ba sakin? Baka matunaw ako." Biro nito kaya naman napabalik ako sa huwisyo

"W-wag na magco-comute nalang ako."

"Ayaw mo talaga? Ei mukhang wala ka pa ngang pera ei."

O_____O

"Pano mo nalaman?" Napasigaw kong sabi dito

"Halata sa mukha mo.. Sumakay kana lang gabi na oh.. Parang wala pang masyadong dumadaang sasakyan." Naramdaman ko ang sincere niya kaya naman pumayag nalang ako. Tutal wala naman na akong masasakyan

Habang nasa loob kami ng kotse ay halos mabingi ako sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. Pero nasira lang yun ng basagin niya ang katahimikan.

"I'm sorry." Taka ko syang nilingon dahil sa sinabi niyang yun

"Para san?"

"Dahil sa kanina.. Kahit di mo sabihin, alam kong naoofend kita.. Alam ko ring wala akong karapatang magalit sayo dahil ginawa mo lang yun kasi nag aalala ka sa kanya.. Tama ka ei.. Wala akong kwentang lalaki dahil pinanuod ko lang syang saktan.. At ngayon ko lang narealize yun... At sayo pa." Paliwanag nito sakin. Nakaramdam naman ako ng konting awa sa kanya dahil alam ko ring nasaktan ko sya sa mga masasakit kong salita.

"You're forgiven.. I'm sorry rin.. Dahil nasabihan kita ng masasakit na salita kanina.. Nainis lang ako kaya naboost ko sayo ang galit ko." Sambit ko dito

"Don't be sorry.. Dahil sayo may mga bagay na narealized ako." Aniya habang naka ngiti sakin. Napangiti naman ako pero hindi ko pinahalata sa kanya

Mabait naman pala to! Mag kakasundo kami nito!

"Nga pala about dun sa acquaintance party. Anong magandang gawin?" Taka ko syang nilingon dahil sa sinabi niya

"Bat ako? Ano namang alam ko sa mga ganyan? Pati si Sam ang tanungin mo, wag ako!" Sambit ko sa kanya

"Idea lang naman ei!"

"Tss.. Gusto ko yung pasuspense.. Yung tipong masusurprise kami dahil may ganitong mangyayari.. Yung tipong hindi yun yung ineexpect naming mangyayari! Ganun!" Paliawanag ko sa kanya

"Example?"

"Hmm.. Halimbawa naka maskara kami tapos merong bunutan na magaganap.. Then kung sino ang taong yun, yun ang magiging partner mo sa sayaw.. Pero syempre dapat hindi mo alam ang taong yun.. Kaya gagamit kayo ng symbol.. Tapos iaanounce niyo nalang ang magiging mag kapartner.. Tapos sabihin niyong bawal mag mag sabi ng name sa partner hanggat hindi natatapos ang isang song." Paliwanag ko sa kanya

Tango-tango naman sya sakin. Kaya natawa ako ng mahina.

"Magandang idea yun ah! Thanks! I like it!"

*CRING CRING*

Agad akong napatingin sa harap namin ng mag ring ang phone ni Brandel na naka attached sa harapan niya. Saglit pa syang tumingin sakin at sinagot din yun.

"Hello?" Sagot niya pa dito

"Hi! Ako to.." Nanlaki ang mga mata ko sa taong tumawag dito. Boses palang nito ay halata ko na kung sino ito. Si Sam. "Nakauwi kana?" Tanong pa nito

"Ahm... Oo pauwi na ako.. Ikaw?"

"Oo kanina pa.. Drive safely.. Mag kikita pa tayo bukas.. Bye Mr.President." Bakas sa pag sasalita nito ang pagiging concern kay Brandel. Saglit lang yung tawag niyang yun pero para sakin parang ang haba haba nun.

Courting The TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon