Chapter 14

11 0 0
                                    

ZURI'S POV:

"Zuri ano ba! Hindi mo ba kayang pabilisin yang ginagawa mo! Malelate na tayo oh!" bulyaw sakin ni kuya habang kumakain ako sa lamesa

Kinuha ko agad ang toothpaste at toothbrush ko, syempre para mag toobrush!

"Eto na patapos na! Excited masyado eh." Sambit ko sa kanya ng makatapos ako. " Ano ba meron ngayon at parang tarantang-taranta ka ha?" tanong ko kay kuya ng makalapit ako sa kanya

Malakas kong ibinagsak ang pintuan ng kotse nya kaya napasama ang tingin nito sakin. Sinenyasan ko naman syang mag-drive at baka malate kami na agad naman nyang ginawa.

"Hindi kaba nakikinig kahapon? May announcements daw about sa acquaintance."paliwanag pa nito

"Bat naman ako makikinig dun! Eh di nga ako sumasali sa mga ganun eh!" Padabog kong sabi sa kanya

"Boring ang highschool life mo king hindi ka makikipag friends sa mga tao,Zuri. Kaya kung ako sayo sumama kanalang." Sermon sakin ni kuya

"Kaya kong pasayahin ang buhay ko nang hindi sumasali sa mga ganyan." Malumanay kong sabi

"Tsk ewan ko sayo! Lagi mo nalang ibinabalik ang nakaraan! Tumingin ka sa future para makalimot kana!"

"Sinasabi mo?"

"Bakit? Hindi ba't kaya ka nag kakaganyan ay dahil hindi ka parin makalimot sa nakaraan?" Masama ko syang tinignan sabay tinarayan

"Oh diba? Sinasabi ko sayo eh! Itigil mona dahil ikaw lang din ang mahihirapan pero dahil makulit ka, yan ng nangyari!"

"Shup up, kuya! Hindi mo alam ang buong kwento kaya wag kang mag-magaling na parang alam mo lahat!" Sigaw ko sa kanya

"Fine sige! Gawin mo lahat nang gusto mo!"

Pag katapos nun ay di na kami nag-kibuang dalawa. Nanatiling naka-tuon ang paningin ko sa sa bintana nang bigla akong makakita ng mag-sweetheart. Mukhang ang saya nila sa isa't isa. Hindi ko alam pero naka-ramdam na naman ako nang lungkot. Napa-hawak agad ako sa puso ko na parang sumisikip. Natawa pa ako nang bahagya nang maala ko sya.

Hahaha lintek ka! Nakakainis ka dahil sating dalawa ako ang nag-hihirap ngayon! Bat kasi...sya pa..kung pwede namang ako nalang.

Napa-punas ako ng mata ko ng maramdaman ko ang mga luha kong kanina ko pa pinipigil. Tumigil lang iyon ng itigil ni kuya ang sasakyan sa harap ng campus. Wala sa sariling napa-baba naman ako ng hindi tumitingin sa kanya at dare-daretsong nag-lakad. Di ko napansin na merong tao sa harap ko, kaya in the end na bunggo ko sya.

"Hey!" napa-tingin ako sakanya ng alalayan niya ko

Napa-hawak naman ako bigla sa ulo ko nang maramdaman ko itong sumakit. Shit this feeling!

"Miss are you okay?"

Dun lang uli sumagi sa isipan ko ang lalaking kanina pa nakahawak sa braso ko. Tinanguan ko naman sya upang sagot sa tanong nya. Kinalas ko naman ang hawak nya at maglalakad na sana ulit nang muntik na ulit akong mahulog.

Fuck!

Mura ko sa isip ko.

"Anong nangyayari dito?" Napa-hawak naman ako nang mas-mahigpit dun sa lalaki nang marinig ko ang pamilyar na boses.

Bat ngayon kapa dumating na kupal ka! Kainis naman eh! Baka asarin pa ako nito dahil nanghihina ako!

"Ahh...ehhh." Nauutal na sabi nung lalaki

Courting The TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon