Chapter 2

37 1 0
                                    

ZURI'S POV

*CRING~CRING*

Paulit-ulit na tunog ng alarm clock ko. Kinuha ko ang unan at itinabon iyon sa mag kabilang tenga ko. Hindi tumatalab sakin ang mga ganyang bagay, lalo na kapag tulog ako.

"Hoy ikaw na babaita ka! Bumangon kana nga dyan at ika'y lumabas! Walang mag kakagusto sayo kung palagi kang naka higa dyan sa higaan mo!" At yan? Yang boses na yan ay nanggagaling sa bunganga ng nanay kong pinag lihi sa mega phone

"Ma naman! Ang aga aga ang ingay mo na naman! Pati ano bang pinag sasabi mo dyang mag kakagusto sakin? Ayoko ng may nag kakagusto sakin. Ok!" Inis kong sabi sabay padabog na humiga ulit sa kama ko matapos akong iupo ni mama sa kama ko

"Balang araw kakainin mo rin yang sinabi mo. Kaya bumangon kana dyan at hanapin ang itinakda sayo!" Pasigaw na sabi ni mama habang binubuksan ang kurtina dahilan upang lumiwanag ang buong kwarto ko

Padabog akong tumayo at dumeretso sa banyo upang maligo. Ilang saglit lang ay natapos narin ako. Agad akong nag bihis at bumaba papunta sa sala upang kumain. Nakita ko agad si kuya na nakatingin narin sakin.

"Anong tinitingin mo dyan?" Inis kong tanong kay kuya Zeus

"Ang kupad mo talaga kumilos...." Sabi nito sabay lingon sa pag kain niya "Bilisan mo na kung hindi iiwan kita dito, at mag isa akong pupunta sa school" Dagdag pa niya

Masama ko syang tiningnan tsaka tumabi sa kanya. Napatingin ako sa nakahain sa lamesa. Tatlong hotdog at meron ding dalawang itlog. Pero dahil paborito ko yung hotdog, yun ang kinuha ko. Kukunin ko na sana yung dalawa, ng bigla nalang daklutin ni kuya sakin yung isa pa.

"Akin na nga yan kuya meron pa namang isa dyan oh!" Inis ko na sabi sa kanya habang nakikipag agawan

"Mas matanda ako sayo kaya kailangan mas marami akong kinakain kumpara sayo!" Palusot nito sakin. Wala na akong nagawa at ipinaubaya nalang sa kanya yung hotdog.

Bwisit na palusot yan! Lagi nalang ako nauubusan ng hotdog dito sa kapatid kong to!

"Zuri ikaw ay tumino na ha! Napaka laki mo na anak graduating student kana tapos hindi ka parin tumitino! Paano nalang yang mapapangasawa mo?"

*HUK~HUK*

Nabulanan ako dahil sa sinabi ni mama kaya agad kong kinuha ang tubig at inubos iyon. Tumingin naman ako kay mama na naka ngiti na sakin at sa kuya kong mamamatay na katatawa.

"Ma naman! Diba sinabi ko na sayo na hindi nga ako mag aasawa!" Pasigaw kong sabi dahilan upang lumakas lalo ang tawa ni kuya

"Palibhasa kasi wala pang nag papatibok ng puso mo kaya ka ganyan. Wag ka mag alala balang araw may isang taong mag paparamdam sayo na gusto mo syang makasama habang buhay." Naka ngiting sabi sakin ni mama dahilan upang manghinayang ako

"Ma impossible yun! I-M-P-O-S-S-B-L-E lalo na sa katulad ni zuri na pusong bato!"

( = ___ = )

Bwisit!

"Pwede ba Zeus tigilan mo na ang kasasabi ng ganyan sa kapatid mo baka hindi na yan mag mahal."

"Pwebe ba ma, kuya, tumigil na kayo! Ayoko sa mga love love na yan! Hindi ako interesado sa mga pinag sasabi niyong yan! Hindi ako mag mamahal kahit kailan at walang makakapag patibok ng puso ko kahit sino pa yan! WALA AKONG PAKIALAM!" Paliwanag ko sa kanila tsaka tumayo at pumunta sa sink para mag sipilyo

"Ok sabi mo e...." Rinig kong sabi ni mama "Basta tandaan mo malapit na dumating ang taong naka takda sayo... Sa mismong oras at panahon na hindi mo inaasahan... Magugulat kanalang pag gising mo... Sya na ang taong para sayo." At dun ako napalingon kay mama na seryoso ng nakatingin sakin

Hindi ko nalang sya pinansin at pinag patuloy ang aking ginagawa. Matapos kong mag sipilyo ay pumunta na ako sa kotse ni kuya at sinalpak ang earphones sa tenga ko.

'Taong mag papatibok ng puso ko? Parating na?

*POINK*

"Aray!" Sigaw ko matapos akong pitikin sa ulo ng magaling kong kuya

"Lutang ka na naman dyan. Ano iniisip mo?"

"Wala kana dun!"

Hindi ko na sya pinansin bagkus ay tumingin lang ako sa bintana at ipinikit ang mga mata ko. Naramdaman ko naman ang pag bukas ni kuya ng sasakyan. Hudyat na papaalis na kami. Malayo pa naman ang byahe kaya tutulog muna ako.

SEVERAL MINUTES...

"Lesbi! Lesbi! Hoy gising!" Napamulat ako sa sunod sunod na pag sampal sakin ni kuya

"Isa pang sampal mo sa mukha ko, sampung suntok ang babalik sayo." Pananakot ko dito

"Bumangon kana kasi dyan! Malelate na ko sa klase ko eh! " Inis na sabi sakin ni kuya na inis na sakin

"Eto na nga e!" Padabog akong bumaba ng kotse tsaka malakas na ibinagsak ito

"Hoy lesbi tawagan mo ko kapag uuwi kana ha! Hoy nakikinig kaba!"

"Oo na! Ang ingay mo!"

Bwisit akong pumasok sa loob ng school na pinapasukan ko. Nang bigla kong maalala na baguhan palang ako dito.

"Tsk bayaan mo na nga lang! Mag tatanong tanong nalang ako."

Nilibot ko ang paningin ko at napatigil ito sa isang place. Tingin ko ay gym yun bukod kasi sa maraming tao nandito rin ang indoor basketball court.

Rinig ko ang MC mula sa stage na. Marami rin ang mga estudyante na palabas labas. Boring siguro ang opening ceremony kaya ganyan sila.

"Tutal boring naman mag ca-canteen nalang ako."

Courting The TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon