Chapter 8

19 1 0
                                    

ZURI'S POV

"Argh bwisit! Bwisit! Isa kang malaking bwisit-aray!" hindi ko natapos ang pag sasalita ko ng bigla akong batukan ng malakas ni kuya

"Bat mo ko binatukan?!" Pasigaw kong tanong dito

"Anong bakit?! Nasa tapat tayo ng hapag kainan tapos parang kang may kaaway dyan! Respeto naman oh!" Galit nitong sabi habang ngumuya ng pag kain niya "Ano ba kasing problema mo at parang bwisit na bwisit ka dyan?"

"Argh kasi naman ei! Kahapon may... May lalaking..." Pag bitin ko sa sinasabi ko habang sina mama ay abang na abang. Paniguradong matutuwa pa tong mga kaysa sugurin yung lalaking tun.

"Ano?"

>  _________ <

"Umamin sakin!!!!!!"

Napapikit nalang ako sa sobrang hiya.

"Hahahahahahahahahhhha... Sayo? May umamin?.... Banlag a- de jwk lang!"  Natawa nalang ako kay mama ng batukan niya si kuya

"Wag ka ngang ganyan sa kapatid mo!..." Suway pa ni mama "Oh eh ano? Gwapo ba?" Pangungulit pa ni mama sakin

"Tanong niyo nalang po kay kuya."

"Bakit ako? Kilala..." Bigla nalang natulala si kuya sakin tsaka napatakip ng bunganga niya na pinag taka namin nj mama "Yung lalaking yun ang umamin sayo? Ang nag iisang BRANDEL LOUIS RAMIREZ na yun?"

"O-oo bakit may problema ba?"

"Hindi mo ba alam na yung lalaking yun ang president ng student council! At ang lalaking din yun ang pinaka mayaman sa school natin!..." Pag mamalaki pa nito sakin na parang naka harap njya na ang pinaka mayamang tao sa buong mundo

"At anong pinaparating mo?" Pag tataray ko sa kanya

Ngumiti ito ng nakakaloko "Gusto ko lang sabihin sayo na mag assume kana sa iba wag lang sa kanya, dahil hinding hindi joke hehehz." Napa tahimik nalang to ng pakitaan ko sya ng kamao ko

Tsk napaka daldal wala namang kwenta pinag sasabi.

"Alam kong pinagti tripan lang ako nun. Pati wala naman akong sinabing papatulan ko yun ah! Ano bang akala mo sakin kuya? Easy to get? Tsk ASA!" Sabi ko na parang nandidiri pa sa taong yun

"Hay nako tama na yan at may klase pa kayo ngayon hapon. Pumasok na kayo sa mga klase niyo ta habang nasa byahe ay ayusin niyo yang problema niyo..." Pag bitin ni mama sabay kaming napa lingon ni kuya kay mama na nakangit samin ng sarkastiko "Dahil kung hindi alam niyo na."

"Opo/opo!" Sabag kaming napa takbo ni kuya sa kotse niya at mabilis na umalis ng bahay

Paniguradong nagalit si mama sa inasta namin ni kuya. Tss masyado kasing papansin tong kapatid ko eh.

Wala kaming kibuan ni kuya habng nasa loob kami ng sasakyan. Hanggang makarating kami ng school ay tahimik parin sya. Hanggang sa bumaba na ako at makapunta sa room.

"Tss wala talaga syang balak na kausapin ako ha? Edi wag, hindi ka kawalan!" Sigaw ko sa sarili sabay upo sa upuan ko

"Hi my super girl!" Napatingin naman ako sa masayang fan ko na walang iba kundi si trystan

"Low."

"Low lang isasagot mo sa masaya kong ngiti?" Aniya habang parang asa na nag papacute sakin. Ngunit kahit anong gawin niya ay hindi parin ako naging masaya

Courting The TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon