BRANDEL'S POV
"Sir ito na po yung in-order nyo na coffee and bread." Sambit sakin ng nag titinda sa canteen
"Hmm thanks!"
Matapos kong makuha ang order ay dumeretso na ako sa table namin ni Sam.
"Ang dami mo namang in-order. Mauubos ba natin to?" Tanong nito sakin nang makalapit ako sa kanya
"Oo naman sayo palang kulang na yan." Pag loloko sa kanya
"Siraulo!" Natatawa nitong sabi sakin dahilan upang matawa rin ako
Sinimulan na naming kanin yung binili naming pag kain. Yan si Samantha Rin Owens. Half korean and half american. Sa school na to sya lang ang babaeng ka-close pero walang kami dahil kapatid lang ang turing ko sa kanya.
"Nga pala anong kukunin mong course?..." Taka akong tumingin sa kanya dahilan upang mautal sya sa pag sasalita "Matagal na kasi tayong mag kasama pero hindi ko alam kung anong course ang kukunin mo. Pati parehas tayong STEM ang strand kaya baka parehas tayo ng course." Paliwanag nito sakin
"Mag do-doctor ako." Sagot ko sa kanya na ikinagulat niya
Hindi niya ata ine-expect ang sinabi ko kaya ganun nalang ang reaction niya. Natawa nalang ako sa kanya. Inilibot ko naman ang paningin ko sa buong canteen at nakitang marami rami narin ang mga tao dito. Tapos na siguro ang epening ceremony kaya marami ng tao dito.
"Hi Sam! Mas gumanda ka ngayong year ah. Sana naman sagutin mo na ko. Isang taon narin akong nanliligaw sayo." Agad naagaw ang atensyon namin ni Sam ng biglang dumating si Daime ang matagal ng nag kakagusto sa kanya at isa sa mga bad boy sa school
"You know Daime you better give up dahil wala akong balak sagutin yung mga taong katulad mo. Tara na nga Brandel baka gumawa pa to ng eskandalo dito." Yaya sakin ni Sam
Ganun nalang ang gulat ko ng hawakan ni Daime sa braso si Sam at sapilitang inilayo sakin. Parehas naming ikinagulat ang ginawa nito kaya hindi agad ako naka kilos.
"Alam mo matagal na kong nag titimpi sayong babae ka e. Pero sumo subra ka naman ata. Hindi porket mabait ako sayo aabusaduhin mo na yun!" Gigil na sabi ni Daime kay Sam
"Ano ba nasasaktan ako!" Sigaw ni Sam na namimilipit na sa sakit ng pag kakahawak ni Daime sa braso niya
"Let her go!" Utos ko kay Daime pero maging ako ay hindi niya pinakinggan
"Wag kang makialam dito Brandel kung hindi masasaktan ka din!" Pananakot sakin nito dahilan upang mapa hinto ako
"Ano masakit ba Sam? Mas masakit pa dyan yung araw araw mong ginagawa sakin! Kung umasta ka parang wala lang ako sayo! Kung utos utusan mo ko parang alila mo ko ah! Amo lumaban ka?" Galit na galit na sambit ni Daime kay Sam na ngayon ay umiiyak na sa sakit
"P-please bitawan mo na ko *SOB*. Hindi ko naman sinasadya na saktan yung feelings mo e. *SOB* Please let me go." Pag mamakaawa ni Sam sa kanya pero tinawanan niya lang to
Langya tong gagong to!
"Hahha ano? Nasasaktan kaba ha? Masakit--- fuck!"
(O_____O)???
Agad akong napatingin dun sa babaeng nag lakas loob na mag buhos ng tubig sa mismong ulo ni Daime. Matangkad at maganda kung tutuusin. Meron kung ano sa kanya ang wala sa ibang babae na ngayon ko lang nakita.
"Bakit mo yun ginawa?!" Galit na galit na sigaw ni Daime kasabay nito ang pag bitaw niya kay Sam kaya agad ko itong sinalo dahil muntik na tong matumba
"Bakit ko ba yun ginawa?" Walang ganang sambit nung babae
"Eh gago ka pala eh!!!"
Sa sobrang inis ni Daime ay nag banta itong sapakin ang babae na agad namang naiwasan nito. Nang malampasan ito ng braso ni Daime ay hinawakan niya ito at inilagay sa likod. At ang mas maganda pa ay ipinahiga niya ito sa sahig na hindi namin iniisip na magagawa niya.
"Sa susunod na gagawin mo yan siguraduhin mong hindi sakin. Dahil hindi gumagana sakin ang mga bagay na yan." Bulong nito na ikinagulat ni Daime
"Hindi ko ini-expect na ganito ka kahina. Akala ko pa naman ikaw nag bad boy sa university na to pero mas mahina ka pa kumpara sakin eh." Naka ngisi nitong sabi na ikinainis ni Daime
"Tsk mahina kapa para sakin mag palakas ka muna bago ka manligaw ha!" Pang iinsulto pa nito
Agad na bumangon si Daime at tumakbo papalapit sa kanya at akmang sasakalin ito ng bigla sya nitong hawakan at itaob ulit.
"Ano ba sinasaktan mo lang ang sarili mo kakalaban sakin. Tama na ako ang nahihirapan para sayo. Tulad nga ng sabi ko sayo mahina kapa. Kaya wag muna." Tuluyan na itong umalis at lumabas ng canteen samantalang naiwan namang galit si Daime
"I will crush you into peices!" Asik ni Daime sabay labas ng canteen dahil narin siguro sa mga estudyante na nakakita ng eksena
What just happened? Is this really happening? Is this real? And who the fuck is that girl?

BINABASA MO ANG
Courting The Tomboy
Teen Fiction"Once upon a time, there was a prince who fell inlove with a lesbian..." In this world full of different person. Merong babae, lalaki, bakla at tomboy. Pero dalawa lang ang kasarian ng tao na nilikha ng dyos ito ay ang babae at lalaki. Paano kung an...