Chapter 11

13 1 0
                                    

A/n:Peace guys.. Isipin niyo nalang na dismisal na nila.. Mas pinabilis ko lang po yung story.

ZURI'S POV

*BELL RINGS*

"Class dismiss!" Pagkasabi nan ni sir ay paeang pumalakpak naman ang dalawa kong tenga dahil sa saya

"Trystan sabay na tayong pumunta sa parking lot.. tutal dun din naman ako susunduin ni kuya." Yaya ko dito. Ngiti-ngiting nilingon naman nya ako kaya tinarayan ko sya dahil assuming sya.

"Ikaw ha! Baka mamaya gusto mo nako nahihiya kalang." Pangaasar panito sakin. Kunyari pa kong natawa sa joke niya.

"Bilisan mo nalang dyan.. Baka pag naiinip ako iwan kita dito!" Nginitian niya nalang ako at inayos ang gamit niya.

Nakasandal ako sa pader habang naka-cross ang dalawa kong kamay sa baraso ko. Napatingin ako bigla kay Brandel. Hindi naman talaga sya ang tinitignan ko kundi si Sam na kanina pa sya pilit na kinakausap.

Kung hindi ka lang gusto ng taong gusto ko.. Malamang sa malamang kanina pa kita binugbog.

Oo alam kong gusto ni Sam si Brandel at obvious yun. Sa totoo lang, hindi ito ang unang beses na nakita ko si Sam. I mean first day palang ay nakita ko na talaga sya, yun nga lang lagi nyang kasama si Brandel. Kahapon nung nasa canteen sya, napadaan lang takaga ako sa canteen nung iligtas ko sya. Hindi ko alam kung bakit hindi manlang sya matulungan ng taong gusto niya. Oo naawa ako sa kanya pero wala akong magagawa sya lang naman may gusto dun ei. Napansin ko lang na mas gusto sya kay Brandel ng sunduin niya to sa parking lot kaninang tanghali. Hindi ko alam, basta nag iba ang kislap ng nga mata niya tuwing ito ang nakikita niya.

*BLAGGGG*

Isang malakas na kalabog ng pintuan ang tumunog habang nag mumuni-muni ako. Inis kong tinignan kung sino yung pumasok at halos tumikom ang kamay ko ng makitang yung lalaking nanakit kay Sam yun.

"Hi Sam! Hatid na kita." Nakangiti nitong sambit dito sabay akbay

"P-pwedeng w-wag muna ngayon.. May meeting pa ako eh." Paliwanag nito na nangangatal pa dahil sa sobrang kaba.

"Matatanggap naman yun nj Brand.. Basta ako." Taka naman syang nilingon ni Brandel

"Importante ang meeting namin ngayon kaya-" hindi nito natapos ang sasabihin niya ng hawak sya nito sa balikat

"DIBA?!" Gigil nitong sabi pa dito at mas hinigpitan ang hawak sa balikat nito

Napatingin naman ako kay Trystan ng hilahin nito ang dulo ng damit ko. Sinenyasan pa ako nito na umalis na pero hindi ako sumunod. Bagkus ay mas itinuon ko pa ang tingin ko sa ginagawa ng abnormal na yun kay Sam.

"O-oo." Napapahiyang sagot pa ni Brandel

Bakla amputs!!!

"Okay.. Then let's go!" Hinila nito Sam pero nanatili lang ito sa pwesto niya

"A-ayoko." Natatakot nitong usal

Napangisi naman yung abnormal na lalaki na agad ding napalitan ng ng inis. Halatang nainis sya sa ginawa ni Sam. Kaya nasisigurado kong may gagawin itong hindi ko magugustuhan.

"Matibay kana ha!" Agad akong napatakbo papunta sa pwesto nila ng iangat nito ang akamay niya at umaktong sasampalin si Sam.

"Pare babae yan.. Tandaan minamahal ang babae hindi sinasaktan." Sarkastiko pa itong napangisi dahil sa sinabi ko

"Ano bang pakialam mo ha? Umalis ka nga dyan masyado kang epal! Tandaan mo may atraso kapa sakin!" Inis nitong inalis ang kamay niya na hawak ko "tara!" Sapilitan niyang hinila ito kaya naman nainis ako

Courting The TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon