BRANDEL'S POV:
Natapos ang buong klase sa umaga nang walang kahirap-hirap sakin. Naging tahimik din dahil wala si Zuri, sya lang naman kasi ang kabangayan ko kaya nagiging maingay ako. Speaking of that devil, hindi ko pa sya nakikita mula kanina.
Ang bobo mo Brandel! May sakit nga yung tao eh!
Tutal lunch naman ngayon ay naisipan kong bisitahin nalang sya at dun naarin kumain. Bago ako dumaan sa infirmary ay bumili muna ako nang kakainin namin. Sunod ay pumunta na ko dun, pero pag-pasok ko palang sa pinto ay nakita ko agad na may kausap to. Tiyak kong si Trystan yun.
May gusto ata to kay Zuri eh, lagi nang naka sunod!
"Oh!" agad kong inabot kay Zuri yung binili kong pag-kain bakas sa mukha nilang dalawa ang pagkagulat
Ano gulat kayo noh? Gwapo ko kasi eh!
"Bat ka nandito?" tanong ni Zuri sakin na parang nang iinis
"Para dalawin ka! Ano pa ba?" sambit ko na may halong pag mamaktol
"Pwede syang dumalaw tapos ako hindi! Tsk kaiinis eh!" mahina kong sabi
"Bat ba nag tataray ka? Tinatanong lang naman kita ah! Ikaw ang nakakainis dyan eh!" masama ko naman syang tinignan pati si Trystan na kanina pa nag pipigil nang tawa
"Sige Zuri aalis na ko, dumating na yung kanina mo pa hinihintay eh."
"Siraulo! Sige na baka pumutok na ilong nito sa galit eh." Natatawang sabi ni Zuri pero nanatiling palipat-lipat lang nag mata ko sa kanilang dalawa dahil wala akong maintindihan
"Ano yung sinasabi nang isang yun na hinihintay mo raw ako?"
"Wala yun."
"Anong wala yun! Eh mukhang enjoy na enjoy ka!"
"Eh pake mo ba? Bawal maging masaya?"
"Pwede naman." Sambit ko sa kanya habang napapahiyang ibinaba ang ulo ko dahilan upang mapangisi sya
"Oh yun naman pala, eh anong pinuputok ng butsi mo dyan?"
"Tsk ewan ko sayo!" Naiinis kong sabi dito pero hindi parin ako mapakali hanggat di ko nalalaman kung ano yung pinagusapan nila
"Eh sino ba kasi pinag uusapan niyo at ayaw mo pang sabihin sakin? Tungkol ba yun sa crush mo?" pangungulit ko sa kanya
"Pano kung sabihin kong oo? Ano gagawin mo?"
"Wala!" pag kasabi ko nun ay di na muli akong nag salita
So tungkol pala yun sa crush niya. Wag ka na mag-expect Brandel na ikaw yun dahil hindi naman sya interesado sayo kundi kay Sam! Wag kang bobo!!
"Oi!"
"Ano?!" irritable kong sagot sa kanya
"Bat galit ka?"
"Ewan ko sayo!"
"Wag kana mag selos dyan dahil tungkol lang sayo yung pinag-usapan namin." Dahan-dahan naman akong napa tingin dahil sa sinabi niya, habang naka ngitu
"Ano?"
"Muntanga eh! Ikaw kako yung pinag uusapan naming kaya wag kana mag selos dyan!"
Hindi ko alam pero naka-hinga ako nang malalim dahil sa sinabi niya. Bigla naman akong napa ngisi nang maalala ko yung sinabi ko.
"So crush mo pala ako?"

BINABASA MO ANG
Courting The Tomboy
Teen Fiction"Once upon a time, there was a prince who fell inlove with a lesbian..." In this world full of different person. Merong babae, lalaki, bakla at tomboy. Pero dalawa lang ang kasarian ng tao na nilikha ng dyos ito ay ang babae at lalaki. Paano kung an...