ZURI'S POV
*KINABUKASAN*
Hawak hawak ko ang ulo ko habang nag lalakad papunta sa loob ng room ko. Agad hinanap ng mga mata ko si Trystan para mawala konti yung init ng ulo ko. Nang makita ko sya ay sobrang tuwa ko.
"Anyare sayo at parang puyat ka? Umupo ka nga muna." Inalalayan niya agad ako papunta sa upuan ko dahil feeling ko kada galaw ko ay tutumba ako
"Thanks."
"Oh anyarw sayo?" Seryosong tanong nito na parang naawa sakin
Bigla namang bumalik sa utak ko ang mga nangyari sakin kahapon na nanging dahilan kaya ako mukhang aswamg ngayon.
FLASHBACK...
Inis akong umalis ng mall. Sa sobrang inis ko ay nag lakad akong papunta sa bahay. As in literal na nag lakad walang sakay sakay. Baka makapatay ako ng tao kapag sumakay pa ko.
So yun nga nag lakad na ako. Nang makarating ako sa bahay ay ininis pa ko ng magaling kong kapatid. Tanong sya ng tanong kung saan ako nang galing at kung bakit ako galit. Halos mag suntukan na nga kami dun kahapon eh.
At ang pinaka malupit pa nito nung dumating si mama. Mukha syang demonyo kaka ngiti sakin. Feeling ko alam nya nang merong nag kakagusto sakin kaya sya ganun. Puro sya asar ng asar sakin. Pati tuloy sa pag tulog ko sila parin ang nakikita ko at yung lalaking umamin sakin.
END OF FLASHBACK...
"Hahahahaha nakaka tawa naman yung pamilya mo hahahaha napaka supportive hahahaha." Tawa sya ng tawa matapos kong ikwento sa kanya lahat ng pangyayaring nangyari sakin
"Ano ga! Akala ko pa naman hindi mo ko pag tatawanan."
"Sorry sorry, sino ba kasi yung taong umamin sayo at ganun ang epekto sayo?" Natatawa pa nitong tanong sakin
Pwede ko naman atang sabihin sa kanya. Tutal hindi ko naman alam ang pangalan.
"Hindi ko kasi alam pangaln niya e. Pero alam ko dito rin sya nag aaral." Paliwanag ko dito at napa tango nalang sya
"Mamayang recess ipapakita ko sayo." Sambit ko dito. Sakto namang dating ng teacher namin kaya bumalik na sya sa upuan niya.
"Ok class this morning magiging ka-klase niyo ang dalawang to. As you can see wala sila dito kahapon dahil mga officer sila ng student council kaya busy. So you can take your seats." Paliwanag ng teacher namin. Agad namang nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino ang tinutukoy niya
"What the fuck!" Mura ko na naging dahilan upang matatingin sakin yung mga classmates ko pati narin yung teacher namin.
Nakita ko lang naman yung lalaking umamin sakin kahapon na naging dahilan kaya ako nag kakaganito ngayon. Nakita ko pang napa tingin din ito sakin kaya napa iwas ako ng tingin.
"Is there any problem miss dizon?" Tanong sakin ni sir matapos akong mapamura
"No sir." Nahihiya kong tugon dito. Halos di ko na maiangat yung upo ko dahil sa kahihiyan.
Bakit kasi naging ka-clase ko pa to. Bwisit naman oh! Hindi pa nga ako maka move on sa kalokohan niya meron agad!
Nag simula nang mag discuss si sir and as usual hindi parin ako nakikinig. Ako yung tipo ng estudyante na hindi na nakikinig sa teacher pero syempre wala paring natutunan. Advance ako mag isip dahil naniniwala ako sa kasabihang "Bakit kapa mag aaral, mamamatay karin naman".
***
Natapos ang buong isang first subject ng wala akong natututunan. Second subject na ngayon and geuss what? Mathematics ang subject ngayon. Ang subject na kinaiinisan ng lahat. Alam niyo bang may abbreviation ang math.
M- mental
A- abuse
T- to
H- humansHabang nag tuturo ang teacher namin ay papungay-pungay ang dalawa kong mga mata. Nag babadya nang pumikit pero kahit na ganun ay pinilit ko paring idilat ang mga ito.
Iginala ko muna ang mga mata ko sa loob ng classroom. Napatingin naman ako dun sa lalaking nasa kabilang dulo, nasa bandang kaliwa ko. Kitang kita ko ito habang nakikinig sa teacher namin.
Gwapo? Oo
Tahimik? Oo
Matalino? Oo, halata eh.
Mabait? Siguro pero mukha kasing may pag kamasungit
Agad akong naalarma ng bigla nitong igalaw ang ulo niya sa parte ko. Kaya nag panggap akong tulog. Pag katapos nun ay hindi na ulit ako tumingin sa kanya baka kung anong isipin niya, mahirap na!
"Ok class dismiss." Saktong labas ni sir ay hinila ko agad si Trystan papalabas ng room
"Oi bat ba bigla bigla kang nanghihila. May third subject pa tayo noh." Hindi ko sya pinansin bagkus ay mas binilisan ko pa ang takbo ko papuntang library "Teka nga! Ano bang nangyayari sayo! Kumalma ka nga! Ang weird mo." Hingal nitong sabi sakin
Sa totoo lang hindi ko rin alam kung bakit ko sya hinila papaalis ng room. Ayoko lang talaga munang pumasok ngayon dahil masakit ang ulo ko.
"Pwede bang wag muna tayo mag klase?" Saktong sabi ko nito ay nanlaki agad ang mga mata nya tanong ko
"Nasisiraan kana ba ng ulo? Kailangan nating pumasok. Second day palang ng pasukan ngayon bini B.I. mo na agad ako." May halong biro nitong sabi kaya napa pout nalabg ako
"Please? Ang sakit talaga ng ulo ko." Pamimilit ko sa kanya pero puris tanggi lang ang ginagawa nito. Wala na kong nagawa kaya hindi ko na sya pinilit
"Kung ayaw mo talaga maiiwan nalang ako dito. Pumunta kana sa room. Sabihin mo nalang nasa clinic ako, masakit ang ulo." Paliwanag ko sa kanya. Ganun nalang ang gulat ko ng bigla nito akong hawakan sa braso at dalhin clinic
"Oi no ginagawa mo?" Tanong ko dito ng bigla nya akong ipahiga sa kama ng clinic
"Kung masakit ang ulo mo sa clinic ka dumeretso wag sa library. Loko loko ka talaga. Dyan ka muna babalik na ako sa room mag pahinga ka." Pag katapos nun ay umalis na sya. Napangiti nalang ako sa ginawa ng lalaking yun.
Ipinikit ko na ang mga mata ko na kanina pa inaantok at masarap akong natulog.
Zzzzzzzzz o zzzzzzzzZ

BINABASA MO ANG
Courting The Tomboy
Teen Fiction"Once upon a time, there was a prince who fell inlove with a lesbian..." In this world full of different person. Merong babae, lalaki, bakla at tomboy. Pero dalawa lang ang kasarian ng tao na nilikha ng dyos ito ay ang babae at lalaki. Paano kung an...