Chapter 7

30 1 0
                                    

BRANDEL'S POV

Tuesday ngayong araw nato. Matapos ang kabobohang pag amin ko kahapon sa babaeng hindi ko naman gusto ay nababadtrip talaga ako.

Habang nag lalakad papunta sa room ay naka salubong ko si Sam. Agad akong napa taas ng kilay ng makita ang isang katerbang gamit na dala nito.

"Para san yan? Bat ang dami?" Takang tanong ko dito. Agad ko namang kinuha ang iba pa nitong hawak ng makitang hindi niya na kaya

"Thanks..." Sabi nito matapos ko itong kunin sa kanya "Para sa Acquaintance party tong mga to, sa friday na kasi kaya mamaya mag dedecorate na daw. Wag mong sabihing nakalimutan mo" Ngayon lang ulit sumagi sa isipan ko na meron pa nga palang acquaintance this week. Stdent council officer ako pero wala akong alama

"Ahh ganun ba, sorry nakalimutan ko e." Natatawa kong sabi habang kumakamot sa ulo ko

"Nako ang sabihin mo lutang ka buong meeting kahapon dahil kakaiisip dun kay super girl." Panunukso nito na tinutukoy yung babaeng nag ligtas samin kahapon na inaminan ko rin

"Hindi noh! Pati naka salubong ko sya kahapon."

"What? Kailan? Paano?" Sunod sunod nitong tanong sakin

"Kahapon kasi ng papauwi na ko dumeretso muna ako sa mall tapos accidenteng nakita ko sya." Napaiwas naman agad ako ng maalala ko yung pag amin ko sa kanya

"Oh e bakit ka namumula ng ganyan? May tinatago ka ba ha?" Panunukso nito habang ako naman ay puros iwas sa kanya

"Ano ba! wala naman akong itinatago e."

"Ok sabi mo eh."

Pag katapos nun ay wala na ulit umimik saming dalawa. Pumasok na agad kami sa room nang maka sabay namin si sir. Tsaka ko naalala na wala nga pala kami dito kahapon dahil sa kabusihan para sa acquantance.

Sumabay na kami kay sir, pinakilala nya narin kami sa buong klase.

"What the fuck!" Agad naman akong naoa tingin sa taong nag mura at hindi ko ine-expect na magugulat ako kung sino yun.

Si super girl classmate ko?

Natawa nalang ang iba kong mga kaklase sa kanya. Samantalang napa galitan naman sya ni sir. At nanatiling nakatingin sa kanya ang mga mata ko.

Pag katapos kaming mag pakilala ay pinaupo narin kami. Dun lang pumasok sa isip ko na english pala ang first subject namin. And ang terror na teacher namin ang nandito na si 'Sir Perfectionist'.

Bakit 'Sir Perfectionist' ang tawag namin sa kanya? Yun ay dahil ayaw niya sa mga taong hindi nag kakamali. Kahit nga exam ay no erasure zone yan e. Mahilig din sya sa mga surprise quiz, at ang masaklap pa nito nakakalito yan mag pa-exam.

AFTER SEVERAL MINUTES...

Pag katapos ng nakaka dugong pag eenglish ni sir ay nag bell narin. Kahit matalino ako ay nakaka pagod din makinig sa nakakasawang boses niya.

Saktong labas niya ay ang pag dating din ng sunod naming teacher na si 'Sir Math'. Syempre may idea na akyo kung ano ang tinuturo nyang subject. Pangalan palang e.

"Good morning class!" Mahinhin nitong sabi

"Good morning sir!"

Sa lahat ng teacher sya ang pinaka mahinhin mag turo pero kahit na ganun ay hindi sya nakaka tamad pakinggan. At paniguradong mapapahiya ka sa klase niya kapag nag ingay ka.

Mukha man syang walang pakialam sa mga estudyante niya. Mukha lang yun dahil sobrang bait niya at maawain. Masasabi ko ring sya ang favorite subject ko sa lahat ng teacher.

Courting The TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon