“Ang cute naman ng inyong anak,” bulong ng isang matandang babae sa katabi nito habang tinitignan ang ring bearer na naglalakad sa aisle ng simbahang pinagdadausan ng isang kasalan. “Ang puti-puti at napakalusog. Kay sarap kagatin ng mapupulang pisngi. Nakakagigil!”
“Salamat,” tugon ng ina ng bata na baluktot ang pananagalog. “Puro Instik amin pamilya, eh.”
Cute na cute nga ang ring bearer na naghihimutok sa suot nitong barong Tagalog. Kung nakasuot ito ng sedang Chinese costume, para na itong isang Shaolin Monk o Little Buddha. Malaki ang ngiti nito kaya halos mawala ang singkit na mga mata. Lumitaw ang dimples nito sa magkabilang pisngi. Ingat na ingat ito sa pagdadala ng unan na kinalalagyan ng mga singsing.
“Alam mo di dapat siya ang ring bearer kaya lang ayaw lakad n’ung isa bata.” Paliwanag ng ina, sabay turo sa isang batang lalaki na nakahandusay at nagmumukmok sa pintuan ng simbahan.
“Ganoon ba? Ay, ang cute din ng flower girl, ano?” sabi muli ng matanda patungkol sa batang naglalakad din sa aisle.
Tango lamang ang isinagot ng ina ng ring bearer at sinuri ang hitsura ng naglalakad na flower girl na parang manika, suot ang isang flowing yellow gown. Maganda ang batang babae. Mestisahin, mapupula ang pisngi at napakaganda ng mahabang buhok kaya mistulang isang anghel.
Marahang naglalakad si Tin papuntang altar. Malapad ang ngiti sa kanyang mga labi habang nagsasaboy ng petals ng rosas sa gitna papuntang altar. Sa edad na Anim, matatawag na siyang professional flower girl. Lagi kasi siyang kinukuha kapag may kasalan sa kanilang pamilya.
Narating na niya ang Altar at umupo sa tabi ng ring bearer na halos dalawang pulgada ang taas sa kanya.
“Ang init, ‘no?” sabi niya sa batang lalaki na nakatitig sa kanya. “Hoy, bingi k aba o pipi?” inirapan niya ito nang hindi pa rin siya sinagot.
“Oo nga, eh. Ang kati na nga nga nitong barong ko. Ang kulit kasi ng mommy ko,” sagot nito.
“Akala ko, pipi ka,” prankang sagot niya.
“Hindi, ah. Nag-aaral na nga ako sa International School. Ten Years old na kaya ako,” mayabang nitong sagot.
“Hmmp!” ismid niya. “Ang laki mo na pala, bakit ring bearer ka pa din?”
“Pano kasi, ayaw maglakad noong piniling ring bearer. Nag-aalboroto. Ako tuloy ang ipinalit nila.”
“Ah ganun ba?” sabi ni Tin na tumatango-tango.
“Pasensya ka na, ha? Pinsan ko yon. Si Eco. Mahiyain kasi talaga siya. Ako nga pala si Christine, pero tawagin mo na lang akong Tin. Ikaw anong pangalan mo?”
“Ako si Slater.” May kinuha ito sa bulsa ng pantalon at inabot sa batang babae. “O, ayan, tig-isa tayo ng lollipop.”
Masayang kinuha ni Tin ang candy. Okay pala itong si Slater. “Salamat,” sabi ni Tin at ginawaran ng matamis na ngiti.
Ginantihan siya ng batatang lalaki ng isang kumukutitap ding ngiti.
“Anong problema ng pisngi mo baket may butas?” usisa ni Tin.
“Sira! Di yan butas. Ang tawag diyan ay dimples.” Sagot ni Slater habang sinusundot ni Tin ang pisngi nito.
“Ngayon lang ako nakakita ng ganyan, eh. Maganda yang sa iyo kasi malalim. Sabi ni Tin.
Kakaiba ang titig na iginawad nito sa kanya. Ngunit wala naman itong ibang sinabi maliban sa pagpapasalamat. Tahimik nilang pinagmasdan ang kasal ng Tito Carlo at Tita Wendy nila. Makaraan ang ilang sandal, naramdaman ni Tin ang paggapang ng kamay ni Slater at kinuha nito ang isa niyang kamay saka ipinaloob sa palad nito. Tinitigan niya ito para sungitan ngunit naunahan siya nitong magsalita.
“Paglaki natin, pangako ko sa iyo,” simula nito nang may kakaibang ngiti sa labi, “Ikakasal rin tayong dalawa gaya nila.”
Hinalbot ang kamay mula sa pagkakahawak nito na para bang napaso ng mainit na plantsa. Mabilis niyang itinapon ang lollipop sa sahig na para bang may lason ito.
Nagkamali siya. nahihibang pala itong si Slater! “Yuck! Baby pa ako. And never akong magpapakasal.”
Mabilis niyang tinalikuran si Slater at tuluyang tumakbo papalayo dito at nagpunta sa kanyang Yaya Naty.
Late na ung Update ko L
Medyo busy sa pag-gawa ng modules eh…
Medyo maganda ang ganap!!! J
ABANGERS!!!