Chapter 6

689 13 5
                                    

Nawali si Tin sa panonood ng operations sa agency. There was a commercials being shot on the premises, kaya halos lumipad ang buong araw.

If there was one major difference kumpara sa kanilang mga patakaran sa Manila, ito ang punctuality ng mga empleyado at talents.

Naramdaman niya ang isang tapik sa kanyang balikat “Hey, someone is waiting for you in the lobby already,” sabi ni Kim. “He’s a hunk.”

Napangiti siya at naalala ang usapan nila ni Slater sa bus. Ganito na ang nagging routine nila tuwing hapon, dadaanan siya nito sa agency at enjoyin’ ang oras na magkasama sila.

Napatingin siya sa kanyang relo. “Oh, I didn’t even realize it’s half past four already.”

“You know what they say, time flies when you’re having fun.” Sabi ni Kim.

Tumango si Tin, “ I guess I better get going then,” sagot nita habang inaayos ang gamit niya.

Kinawayan niya si Kim at naglakad na palabas ng studio para makita ang kanyang all time favorite hunk. Without iota of doubt, she was attracted to him. Take note, very attracted to him. Bulag at manhid lang ang babaeng magiging immune sa charm nito.

Matapos kumain ng early dinner, sinamahan siya ni Slater na mag-shopping. Pumunta sila sa stores along Nathan Rd. pero walng natipuhan si Tin. Sa halip nag-sidetrip sila sa Ladie’s night market na parang Greenhills ang dating.

Matagal siyang nakipagtawaran sa binibili niyang tatlong istilong baby doll dresses at dalawang kalaseng vintage jacket.

Si Slater na siyang interpreter niya, ang napipilitang ngayon na makipagmatigasan sa tindera. Sa huli ay pumayag na rin ang babae sa presyong gusto ni Tin.

Habang inilalagay nito sa supot ang kanyang mga binili, may sinabi ito sa Mandarin, na kaagad naming sinagot ni Slater. Makahulugan ang titigan ng dalawa at sabay pang nagtawanan ang mga ito.

“Anong sinabi niya? Nilalait nya ba ko? More importantly, anong sinabi mo?” nagtataka niyang usisa habang papaalis sila ng tindahan.

Napangiti ang binata. “She said I have to be careful with you because you drive a very hard bargain.”

“At ano naman ang sinagot mo sa kanya, Aber!”

“I told her, bahala na si Batman. Baka kasi bigla ka pang maglaho sa buhay ko kung magpapakipot ako,” nakangiti nitong sabi.

Natigilan si Tin. Nagbibiro kaya ito? Imposible naming seryoso ito dahil gaya ng nakwento nito may nakatakda itong papakasalan sa Manila.

“Pilyo ka talaga,” sabi niya, sabay hataw sa braso nito.

Hindi umimik si Slater. Gusto sana nitong humirit ng, Sino bang nagsabing nagbibiro ako? Pero nag-alala siya na baka maging ilag si Tin. And that was the last thing he wanted to happen because he was having so much fun in her company.

Masarap kasama ang dalaga dahil kakaiba ang personalidad nito. Maganda ang disposisyon at laging nakangiti. Madaldal at masarap kakwentuhan. Hindi pa ito maarte kahit pa napakaganda. At higit sa lahat, nasasakyan nito ang mga biro niya, hindi tulad ng GF niya na laging napipikon.

Ngayon siya lang nakadama ng pagsisi for allowing the arrange marriage his mother planned. Bakit nga ba siya pumayag? Hindi naman siya mama’s boy. On the contrary, lagi silang nagtatalo ng ina.

Bumalik siya sa kasalukuyan nang marinig ang boses ng dalaga. “I’m sorry, Tin. Ano ulit ung sinasabi mo? May bigla kasing sumagi sa isip ko. Pasensya ka na.”

“Ang sabi ko bakit yata bigla ka jan nanahimik? May nasabi ba akong hindi maganda?” sagot ni Tin. Nagtaka siya at biglang naging seryoso ang aura ng lalaki. Base sa mga mata, malalim ang iniisip nito. Parang isang malaking problema. At sa maikli nilang pagsasama, hindi siya sanay na malungkot ito.

Nabigla siya sa kanyang naramdaman. It was an overwhelming sense of concern for Slater. Saglit pa lang silang magkakilala kaya walang pakahulugaan ang lahat ng mga ito. And she certainly was not crazy enough to believe in love at first sight. Masyado lang siguro siyang lito dahil sa magulong sitwasyon ng kanyang love life.

“Wala, I was just really impressed by what you did back there. Magiging magaling kang businesswoman.”

Tinanggap niya ang paliwanag nito dahil tantya niya he was not willing to shed light on what he was thinking. And she respected his privacy. “Ako, businesswoman? Malabo yon. Mahina ako sa Math.”

Habang naglalakad sila patungo sa hotel, hindi niya napansin ang siyang maliit na baton a nakausli, nawalan siya ng balance, subalit isang matigas na braso ang maagap na sumalo sa kanyang pagbagsak sa daan.

“Christine! Mag-ingat ka,”  nag-aalalang sabi ni Slater habang inaalalayan siya hanggang mahanap niya ulit ang kanyang balance.

“Hindi ko napansin yon! Masyado kasi akong engrossed sa pagkukwentuhan natin, Thank You! Muntik na ko dun.” Sabi ng dalaga.

“Sigurado ka bang okay ka lang?” tanong nito na nakakunot ang noo.

Tumango siya. she was a bit shaken. Sino ba ang hindi magugulat sa mga nangyayari? Pero mas mabilis ang kabog ng kanyang puso dahil sa hawak ng kasama.

Ipinagpatuloy nila ang paglalakad patungo sa hotel. Hindi na pinakawalan ng binata ang braso niya. Biglang natahimik ang karaniwang walang prenong bibig ni Tin. She must admit that she was very confused about what she was feeling for him.

Sa puntong iyon, nakakasiguro si Slater na iba nga ang isinisigaw ng kanyang puso para kay Christine Patrimonio. Ito ang kauna-unahang babaeng binigyan niya ng marriage proposal sa murang eded nila. Maybe his young heart hit it right back then. At ngayon, pinagtagpo muli sila para isakatuparan ang dating pangako.

Kanina, nang makitang patumba si Tin, parang tumigil ang puso niya. The only problem was could he make her see him in the same light. Maikli na lang ang panahon bago sila bumalik sa realidad sa Pilipinas. And right then and there, he knew hw had to act fast or he might lose her forever.

Pagdating nila sa Park Hotel, sinamahan ng lalaki si Tin hanggang sa silid dala-dala ang mga bag na pinamili nila. Ipinapatong nito ang mga dala sa coffee table. “I guess, I should get going,” sabi nito.

Nakadama ng lungkot ang dalaga dahil mapuputol ang kanilang masayang kwentuhan. Pero hindi niya iyon pinahalata. “Thank You again. I had a great time with you as always.” Sabi ni Tin.

Bahagyang ngumiti si Slater habang hinatid niya sa pinto. Bago makalabas , hinalikan niya si Tin sa pisngi at sabi “The pleasure is all mine, Tin.”

“Sige na, gabi na! I need to rest na din. See you tomorrow Mr. Hunk!” pataboy na sabi nito.

“Ummmm.. Opo! See you in my dreams.” Sabay kindat bago umalis.

Marahan niyang isinara ang pinto at isinandal ang kanyang likod sa matigas na kahoy. Nakaalis na nga si Slater ngunit dama pa din niya ang presence nito sa kanyang silid. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at lumitaw ang nakangiti nitong mukha sa kanyang harapan. She could smell him in her room and on her skin. Halos mabaliw siya sa kahibangan nito.

Alam niyang hindi siya makakatulog nang mahimbing.

Ano kaya ang paroroonan ng dalawang ito??? May Future kaya???

Meron pa kayang GANAP sa mga susunod na araw? Masabi na kaya nilang dalawa ang nararamdaman nila para sa isa’t isa?

ABANGERS!!! J

Promises, PROMISESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon