Natagpuan ni Tin na matiyagang naghihintay si Slater sa lobby ng agency habang nakaupo sa sofa. Hindi pa siya nito nakikita dahil abala ito sa pagbabasa ng Time Magazine. Tantya niyang walang bakas ng anumang iritasyon sa mukha nito, kahit na isang oras na itong naghihintay sa kanya.
“Slater, I’m sorry,” sabi niya, sabay salampak sa tabi nito.
Itinaas nito ang mga mata sa binabasa.
Christine’s heart skipped a bit when she saw a twinkle in his almond-shaped eyes. Si Slater ay never naging ganito kapasensyoso. Sinusundo nga siya nito, pero naiinis ito kapag hindi siya dumadating kaagad.
“That’s fine, Tin. Take your time. Naisip ko ngang baka natagalan ka lang dahil last day mo ngayon.”
Humugot siya ng hininga. “Slater, niyaya ako nina Kim para sa isang dinner blowout. I had to say yes, it is okay if I take a rain check on our outing today?”
Bago pa makasagot ang lalaki, may narinig siyang boses mula sa likuran. “Hey, Tin, who said you couldn’t bring your hunk along? That is your hunk, right?” pilyang sabat ni Kim na lumabas na rin pala mula sa opisina.
Namula ang mga pisngi ni Tin, samantalang bakas sa mukha ni Slater ang galak dahil nahuli nitong pinag-uusapan nila ang tungkol sa binata.
“Are you sure it wouldn’t be a problem if I tag along?” tanong nito kay Kim na katabi na nila ngayon.
“Yes, the more the merrier,” sagot ng Chinese na babae.
Sama-sama silang kumain ng hapunan sa seafood restaurant right along Hong Kong Harbour. Kasama nila ang tatlong brand managers, Si Kim at isang supervisor. Noong una, nangamba si Tin nab aka ma-out place si Slater dahil tungkol sa trabaho ang kanilang pag-uusapan. Ngunit nagkamali siya because he blended in so beautifully.
Hindi lingid sa kaalaman niya ang paghanga kay Slater ng mga babae sa kanilang table, na halatang nakikipaglandian dito. Ang hindi lang niya matantya dahil nag-uusap ang mga ito sa Mandarin, if he was flirting right back.
Nakadama siya ng iritasyon. Ibinaling niya iyon sa wanton noodles. Parang umiimpis ang inis niya sa bawat pagsundot sa laman ng mangkok. Tila ang mga haliparot na mismo ang tinutusok niya. Halos lamutakin niya ang pagkain gamit ang chopsticks. She was acting like a jealous girlfriend.
Natigilan siya sa realisasyong ito. Wala siyang karapatan sa damdaming iyon. Sa kabila nito, nakadama siya ng kirot sa kanyang puso. Mas mahapdi pa iyon sa sugat na dulot ng mga flings ni Kiefer. Pagdating sa kanyang nobyo, tila nagging baton a ang puso niya, nakakasiguro siya ngayon sa kanyang sarili that she was falling for Slater. The worst part was, she couldn’t do anything to stop it.
Halos mapalundag si Tin nang maramdaman ang mainit nitong hininga sa kanyang tenga. “A penny for your thoughts, Tin. Your food is about to become a mush,” bulong nito.
Ibinaba ng dalaga ang chopsticks na hawak at nagpasalamat na wala itong mental telepathy. Gamit ang table napkin, pinunasan niya ang bibig para mai-compose ang sarili. “Mukhang nagkaroon ng sariling utak ang chopsticks ko,” birong lusot niya.
Tumawa lang si Slater.
Natapos din ang grupo sa kanilang hapunan. Nagpasalamat si Tin para sa mainit na pagtanggap sa kanya sa opisina at para sa send-off dinner.
Nagtuloy sila ng binata sa bar ng Park Hotel para i-celebrate naman ang last night nila sa Hong Kong together. Umorder sila ng drinks… all time fave Jack Daniels with Cola. J
“A toast for my successful business deal and for the completion of your project.” At syempre pa, para kay Tadhana, dahil natagpuan nating muli ang isa’t-isa,” makahulugang pahayag nito.
Pinaglapat nila ang mga baso at sabay sabi Cheers at tawa.
Inubos ni Slater ng isang lagok ang laman ng baso samantalang si Tin ay marahang uminom.
“Do you believe in love at first sight, Tin?” tanong ni Slater.
Halos maibuga niya ang laman ng kanyang bibig. Pinigilan niya ang pagbuga nito kaya naman siya ang nabilaukan. Hindi siya magkandatuto sa pag-ubo kaya mabilis lumapit ang lalaki para hagurin ang kanyang likod.
“I’m sorry kung nagulat kita,” sabi nito.
Hindi pa din siya makapaniwala sa kanyang narinig. Naapektuhan ba ng alak ang katinuan ni Slater? Imposibleng guni-guni lang niya ang nagsasalita dahil, eto hinihimas pa rin nito ang likod niya habang humihingi ng paumanhin.
Kakaibang sensasyon ang dulot ng haplos nito sa kanya. Ano kaya kung hindi na lang siya tumigil sa pag-ubo para hindi nito ihinto ang paghimas sa kanya?
“I’m okay, Slater. You can stop now,” sabi niya.
Muli itong umupo sa kanyang harapan at halata ang pagkakabalisa nito. Kinuha nito ang kanyang mga kamay at naramdaman niya ang panginginig niyon.
“I’m a believer in love at first sight now, Christine. I think that’s what happened to me when I saw you walking down the aisle wearing that yellow gown twenty years ago. At ang mga damdaming iyon ay biglang nagdagsaan pabalik sa aking puso when I saw you on the airplane.”
“But, Slater, paano--- may Gf ka?”
“I don’t love her. Not one single bit.” Ipinaliwanag nito ang tungkol sa arranged marriage na nakatali rito sa fiancée. “Plano ko nang makipaghiwalay sa kanya pagbalik ko sa Manila. Kung tanggapin mo man ang alok kong pag-ibig o hindi, makikipaghiwalay pa rin ako. I can’t imagine spending the rest of my life with anyone, having felt the joy I have experienced with you these few days.”
Nabasa ni Christine ang pagmamahal sa mga mata ng binata. She wanted to revel in it, pero hindi niya magawa dahil may mga hadlang. “Hindi kita masagot ng gusto mong marinig, Slater,” aniya, sabay turo sa kanyang daliri na may engagement ring.
Lumungkot ang mukha nito.
“You misunderstood me,” kaagad niyang sabi, sabay pisil sa kamay nito. “Ang ibig kong sabihin ay hindi natin mabibigyang-pansin ang tungkol sa ating dalawa hangga’t hindi natin naisasaayos ang relationships natin. It would be unfair to them. And if I accept you now, I’d be a two-timing asshole like my soon-to-be-ex.”
Sa wakas, rumehistro sa utak ni Slater kung ano ang mga sinasabi ni Tin. Mabilis siya nitong niyakap. “Tell me I’m not dreaming, my dearest.”
“You’re not dreaming. I have fallen for you, too.”
At para makasigurado silang dalawa na hindi nga iyon panaginip, hinapit siya nito papalapit at pinagsaluhan nila ang tamis ng unan nilang halik.
______ooopsss…..
Hanggang dito muna guys ah!!! Ang lamig kasi hindi ako makapag-isip ng maganda.. hahaha pero next chapter ALAM NYO NA! CHAPTER 8 yun… INFINITE AND BEYOND may konti na kong gusting kaganapan, kaya konting tiis muna bitinin ko muna kayo… hilaw pa ung saging eh… J
Lakas maka-PBBTeens nitong dalawang to… kiss agad-agad,, ahiihii…
May GANAP na ata malapit na!!!
ABANGERS!!! J