Naging Abala si Christine sa pag-aapruba ng tatlong story board na pinasa ng mga copywriters. Four years na rin siyang senior brand manager.
Pinindot niya ang intercom at kinausap ang kanyang sekretarya. “Wendy, pakisabi sa grupo nina Paco that they can get their story board from me.”
Bumukas ang pinto at pumasok si Wendy para kunin ang mga ito. Kasunod nito ang kanyang supervisor, si Miss Bee.
Tumayo siya. “Hello, Miss Bee, ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?”
“Sit down Hija.” Umupo din ito sa visitor’s chair sa tapat ng mesa niya. “How’s the Universal Account?”
“Okay naman po ang development. May brainstorming session po kami this whole week.”
“Is that so? Maybe your assistant can handle that.”
“My assistant, Ma’am? Eh, ako po?”
“Tin, I’m sending you to Hong Kong tomorrow.”
Napanganga siya. “Hong Kong Tomorrow? Agad-agad Miss Bee?” Ano gagawin ko doon?
Nabasa ng kanyang supervisor ang kanyang kalituhan. “Our advertising branch in the Imperial City is inviting me for an ocular inspection cum training visit. I won’t be able to make it kaya ikaw ang ipapadala ko. Understand!”
Namula ang mga pisngi niya sa inis. What an inopportune time! Gusto sana niyang buntutan si Kiefer para Makita kung ano ba talaga ang pinagkakaabalahan nito. Sad to say, na-rattle ang kanyang trust ng mga nasaksihan sa TV.
Miss Bee mistook her redness for modesty. “Matagal ka na rin naman sito sa kompanya and you deserve this. Ang ibang managers ay nakadalo sa ganito kaya it’s your turn now. All you need to do is just observe their operations and write an report. You can be at their office by 10 a.m then out by 4 p.m.” paliwanag nito. “I took the liberty of booking your return flight on Saturday night para may time ka pa mag-ikot ang mag-shopping. Enjoy There! Consider this a working vacation.”
Napalunok si Christine. So much for her Sherlock Holmes detective plans against a certain errant Bullet.
“Salamat po sa pagtitiwala Ms. Bee,” sabi ni Tin.
Tumunog ang kanyang cellphone. Kaagad niyang kinuha sa bag. Galing kay Kiefer ang mensahe, nasa parking lot na ito ng kanyang opisina at hinihintay na siya.
Inilagay niya ang gamit sa bag, tiyempong nag ring ang telepono sa opisina. Nagdadalawang isip siya kung sasagutin o hindi. Ngunit nagwagi ang kanyang konsensya at pangambang baka ito ay trabaho.
“Hello, Christine Patrimonio speak—“
“Gaga! Tin, Pamodulate ka pa ng boses dyan! Si Divine lang pala ito, No!” putol na boses mula sa kabilang linya. “Ano dinner na tayo?”
Nanahimik si Tin. Matapos ang pag-e-emote niya nang nakaraang gabi, tinawagan niya ito para hingahan ng sama ng loob. Nagpasalamat siyang hindi nito nakikita ngayon ang namumula niyang pisngi. Sasakalin siya nito pag nagkataon. “Actually, I was on my way out.”
“Susunduin na kita?” sagot ni Divine
"Hindi na kasi kami ni—“
“I bet, nauto ka na naman ni Mr. Bullet,” batikos nito.
“Look, ikaw ang nagbuyo sa akin na sagutin siya.”
“Tin-Tin naman, that was ten years ago,” rason nito.
“One would think natauhan ka na by now. Maganda ka. Since CreamSilk days mo, meron ka apat pang nagging commercials. May iba naman nagtatangkang manligaw sa iyo. Why stick it out with that two-timing son of a ---“
