Chapter 9

859 13 12
                                    

“NO, CHRISTINE,” mariing pahayag ni Slater, na napapitlag sa pagkakaupo mula sa leather armchair sa business class section ng eroplano. “Hindi ko mawari kung paano mangyayari ang gusto mo. I can’t imagine not seeing you for a single day, much less one whole week.”

Ipinatong ng dalaga ang ulo sa dibdib nito. She could feel the familiar thump of his gentle heart.

Salamat sa pag-upgrade na ginawa ni Slater, magkatabi sila ngayon sa flight pauwi. “Hindi natin napag-usapan ang dapat gawin pagbalik natin sa Manila because we were so busy…. Uhm….”

Napangiti ito. “You can say it. We were busy making love, Christine.”

Namula ang mga pisngi niya. “Of course. Hindi ko iyon makakalimutan. Pero ngayon, oras na para harapin natin anag consequences. Other people are involved and it’s not just the two of us. Ipapaalaala ko lang sayo, that there’s the issue of You and your Girlfriend.”

Napasimangot ito nang marinig ang sinabi ni Tin tungkol sa Girlfriend nito. They were the rain—no, make it a hurricane, on their parade. “Hindi ko alam kung ano ang problema. Ang sinabi ko naman sa iyo, hihiwalayan ko na siya. at sinabi mo rin mismo na hindi mo na mahal ang asshole na iyon.”

Umupo ng tuwid si Tin para matingnan niya ang mga mata ng binata. Inilagay niya ang kanyang kamay sa pisngi nito. “You don’t have to remind me. Matagal nang manhid ang puso ko sa kanya. Hindi ko lang magawa makipagkalas because I was afraid of bursting my comfortable bubble. I was too insecure then. Pero ngayon, gusto ko muna tuluyan muna tayong makipaghiwalay sa kanilang dalawa bago natin ipagpatuloy ang sinimulan natin.”

“But do we really need a week before we can see each other again in Manila?” reklamo ni Slater.

“Yes, there will be a small dinner party at my house next Sunday, if you can make it, ibig sabihin nito, naayos mo na ang problema sa pagitan ng Girlfriend mo and that will be room for us.” Sabi ni Tin.

“What’s the occasion on Sunday?” tanong ni Slater.

“Birthday ko, I’ll be one year older.” Nahihiya niyang banggit.

“Advance Happy Birthday, Baby! Let me be the first one to give you present,” anito, sabay hinalikan ni Slater ng mariin si Tin sa labi.

Matapos ang ilang saglit, umiral ang katinuan at naalala ni Tin na may ibang tao sa paligid. Wala sa loob niya ang palagay ng distansya sa pagitan nila. Nakadama siya ng pagkabitin, na nasalamin niya ngayon sa mga mata nito. It was then that she realized na marami mga silang hindi alam sa isa’t isa. Siya mismo, hindi niya alam kung kalian ang kaarawan nito.

Biglang nagulo ang isap niya. Could she be jumping out of the frying pan into the fire? Paano siya makakasiguro that her heart was not in danger? They did spend the last few days getting to know each other, pero marami pa silang dapat alamin sa isa’t-isa.

 Nabasa ni Slater ang kanyang kalituhan. “Tin, huwag kang mag-alala. Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo that what I feel for you is genuine? Hindi mob a nakikita na hirap akong tanggapin na magkakahiwalay tayo kahit saglit lang? isn’t that proof enough?”

Tumango lang siya. she was being silly dahil dama nga niya ang busilak na pagmamahal ni Slater sa mga mumunting halik pa lang nito. Ibinalik niya ang kanilang usapan tungkol sa one week-off proposal niya.

“Isipin mo na lang na time off ito para tuluyan momg ma-evaluate amg tungkol sa ating dalawa. Baka sakaling may reservation ka pa. hindi kaya nadala ka rin lang ng emosyon mo dahil nasa iba kang lugar with a different woman?”

Nabasa niya ang galit sa mga mata nito. “Hey, I have been certain since I was ten, remember? At huwag mo naming maliitin ang nangyari sa pagitan natin.” Marahas nitong sabi, sabay baling ng ulo kaya nahulog ang kanyang kamay sa kandungan nito.

Ang anumang pag-aalangan sa dibdib ni Tin ukol sa damdamin nito para sa kanya aay kaagad napawi ng mga salitang binitawan nito. Kinuha niya ang kamay nito at pinisil.

“What happened between us was very special, Mr. Slater Young, at hindi koi yon makakalimutan sa tanang ng buhay ko.” Napatingin ito sa kanya. “Ang gusto ko lang pagbalik natin sa Manila, let’s give ourselves a week to settle our affairs so we can start off on a clean slate. We owe them both an explanation. Hindi kaya ng konsensya kong magpatuloy na may natatapakan. Masyado yata akong matatakot na tayo ang balikan ng karma,” paliwanag ni Tin.

Matigas pa rin ang balikat nito at hindi lumambot ang mukha, subalit tumango ito. “I hope I can at least call you.” Umiling siya. “Text then?”

“When the week is up, I will give you my number at tawagan o i-text mo ko hanggang gusto mo. But not before then.” Iyon ang sinabi ni Tin. Ang tanging ibinigay niya kay Slater ay Address ng bahay ng parents niya.

“Woman, what you’re doing to me is akin to torture. Kung hindi pa ito prueba na mahal kita, ewan ko na lang,” reklamo nito. “Gunggong lang ang papaya sa ganitong set-up. But then again, I’m a fool in love.”

Napayakap si Tin sa binata.

Muli siya nitong hinalikan sa labi.

Ipinatong uli niya ang ulo sa matipunong dibdib ng binata. “Thanks for understanding. Isipin muna nating isang magandang panaginip ang namagitan sa atin sa Hong Kong. At matapos ang isang linggo, ang panaginip na ito ay pwede na muling maisakatuparan.”

Magtagumpay kaya ang dalawa sa pag-ayos ng kani-kanilang relasyon? Maisagawa ba nila iyon sa isang linggo??? O tuluyan na silang magkahiwalay at gawing panaginip na lang ang kanilang nasimulan???

Oha!!! Waley na!!! wala na ko maisip eh… hanggang dito muna.. BITIN BA???

ABANGERS!!! J

Promises, PROMISESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon