“You will not believe the day I’ve had, Slater,” sabi ni Tin sa kanyang katabi habang nakadungaw sa labas ng bintana.
Lulan siya ng bus na paakyat sa Victoria Peak, ang pinakamatas na taluktok ng Hong Kong.
Ngayon lang siya nakahinga nang maluwag dahil kanina, paglabas niya ng opisina, mabilis siyang kinaladkad ni Slater para mahabol nila ang commuter bus na patungo roon sa popular tourist destination.
“Bakit anong nangyari?” nag-aalala nitong usisa.
Ibinaling niya ang kanyang mga mata rito nang marinig ang tono nito. “Nothing serious. Ikaw naman, sobra ka kung mag-alala.”
Bumuntong-hininga ito, na ikinatuwa niya. “Ikaw kasi, Tin, tinakot mo ako. Akala ko tuloy kung anong aberya ang nangyari sa opisina ninyo.”
Aww! How sweet! Is he for real? Hindi niya maitatatwa, she was touched by his concern and affection. If only Kiefer was this sensitive…….
Kaagad niyang pinaalis sa isipan ang offending image ng kanyang fiancé. “What I meant was, hitik sa action ang araw na ito. Parang walang segundo na naupo ako. Kim took me to a final callback ng mga models para sa isang campaign para bukas. Para rin palang mga Pinoy ang mga taste ng mga taga-rito. Anyone tisay, American-looking and tall, iyon ang patok.”
“My Dearest, that’s what you call colonial mentality at it’s finest,” sagot nito.
Tumango si Tin at kinilig nang bahagya sa endearment na itinawag nito sa kanya. If only he was sincere, isip-isip niya. “And to think ang inaasahan ko ay makakakita ako ng Authentic Chinese beauties, at Hunks.”
“Baket ka pa maghahanap ng Chinese hunks sa labas, heto na nga ang isa. Katabi mo pa. very up close and personal,” biro nito, sabay kindat.
Isang malakas na tawa ang isinagot ni Tin. Ngunit sa loob-loob niya, totoo nga ang sinabi nitong isa itong hunk. And the best part was, parang hindi pa alam ni Slater kung gaano talaga kalakas ang kanyang sex appeal. Wala kasi itong angas o hangin sa katawan.
Matapos ang ilang saglit ay nagsalita ang kanyang katabi. “See that house, Tin? That’s where the richest man in Hong Kong lives’” turo nito. “nagco-collect siya ng mga fancy cars even wives too.”
“Grabe, huh! Sino naming babae ang papayag na madaming kaagaw?” tanong niya.
The moment the words came out of her mouth, it was as if reality slapped her. Damn! Hindi nga ba isa siya sa mga babaeng iyon? Sa puntong iyon ay nakakasigurado siyang pagdating sa Manila, kailangan na niyang hiwalayan si Kiefer.
Napansin ni Slater ang paninigas ng panga ng kaharap. He couldn’t help but cup it. “Why the glum face?”
Babale-walain sana ni Tin ang tanong nito, pero may kung pwersa ang nagtulak sa kanya para sagutin ito ng totoo. “Naalala mong naikwento ko sa iyo na may trust issue kami ng bf ko? I must admit, I have been acting blind and deaf sa mga infidelities niya. I belong to the pathetic group of women I just describe because I refuse to accept reality,” sabi niya sabay iling.
Bumagsak ang kamay nito mula sa pagkakahawak sa kanyang baba. Nang hindi ito nagsalita, nagpatuloy siya sa pagpapaliwanag.
“Mas nangingibabaw ang panghihinayang dahil matagal na rin ang aming pinagsamahan. Our ten years together clouded my judgement, as I made myself believe that everything was all right. But now, when I reallt think about it, parang superficial ang feelings ko sa kanya.”
Gamit ang isang daliri, marahang hinaplos ni Slater ang kanyang pisngi. “Don’t worry, Tin, you are so beautiful. Hindi ka mahihirapang maghanap ng lalaking magmamahal sayo nang panghabangbuhay.”
Natigilan si Tin. Hindi niya alam kung ano ang isasagot dahil pakiwari niya, tumigil ang pag-ikot ng mundo nang dumampi sa kanyang pisngi ang balat ng binata. She was so glad she was spared from talking dahil huminto ang bus at narating na nila ang kanilang destinasyon.
Habang tinitignan nila ang magandang view mula sa deck, hindi mapigilan ni Tin ang yakapin ang kanyang sarili dahil biglang lumamig ang kapaligiran.
“Feeling a bit cold, huh?” sabi ni Slater, sabay hapit sa kanya papalapit sa katawan nito.
Inilagay nito ang sports coat nito sa kanyang mga balikat. Ipinaloob sin siya nito sa mga bisig nito at inihilig ang kanyang likod sa malapad nitong dibdib. Dama niya ang marahang pintig ng puso nito sa kanyang likod.
Suot ang itim nitong coat, amoy niya ang distinct masculine scent nito. Huminga siya ng malalim para langhapin iyon at halos ikabaliw niya iyon. Parang ang mainit na katawan na mismo ni Slater ang nakabalot sa kanya.
Kung hindi pa siya yakap-yakapin ng binata, marahil ay natumba na siya dahil sa kanyang kalituhan. This is so insane! I barely know this guy.
Dama ni Slater ang panginginig ng babaeng niyayakap. He wondered if she was really cold or it was because he had that effect on her. Umasa ito na ang huli ang dahilan.
“Hey, I have an idea,” sabi nito habang may kinuha sa bulsa. Inilabas nito ang cellphone. “Since I’ve mastered the art of self-photography, let’s take a picture of the two of us. For old times’ sake.”
Napangiti siya. isa rin palang sentimental fool itong lalaking nakayakap sa kanya.
“Okay, smile,” sabay pindot sa button ng cellphone.
Naramdaman niya ang pangangatog ng kanyang mga labi. Slater’s mere presence was making her feel like a giddy schoolgirl.
Ipinakita nito sa kanya ang litrato. “See, ang galing kong magsentro ng mukha natin, ano? Parang professional.”
Ngunit hindi napansin ni Tin ang technical aspects. Sa halip, ang umagaw sa kanya ng atensyon ay ang kanilang genuinely happy smiles. Kinilig siya sa mahigpit nilang pagyayakapan at cheek to cheek pose para magkasya sa frame. Napalundag ang puso nya.
(Ummmmm……. Bananas as I always say pag may pic silang dalawa lang they really look good. Diba? Kayo din ganun ang iniisip? Gusto ko talagang isipin na meron something sila eh. Ung alam mong for keeps ung pic na babagay sa wallet nila. Hahahahaha…… kinikilig ako pasensya na.)
Inilabas din niya ang iPhone nya. She wanted this memento to make her think of this happy moment. This would be their only souvenir of their time spent together.
Matapos mag picture-picturan… (lakas makamoment nito.) kumain sila ng hapunan sa The Peak Café. Patuloy pa din ang kanilang paagkwentuhan habang kumakain. But this time around, they stuck to safe mundane topics like the weather, work and politics. Mabilis nilang natapos ang hapunan para maabutan ang last trip ng The Peal Tram, o ung train na maghahatid sa kanila sa city proper.
Mula sa istasyon, tahimik silang naglakad patungo sa hotel na tinutuluyan ni Tin. Inihatid siya ni Slater hanggang sa lobby.
“See you tomorrow.” Sabi ni Slater.
Pakiwari niya, he was burning a hole right through her. And before he could read her mind, nagpaalam na siya at naglakad patungong elevator.
Nalilito siya sa mga damdamin niya para kay Slater. Hindi kaya love on the rebound lang ang tingin niya rito, since she was feeling hopeless about her relationship with Kiefer?
Samantala, mababakas ang pagtataka sa mukha ni Slater paglabas nito sa revolving doors ng Park Hotel. Kanina pa nito napansin ang pananahimik ni Tin. He wondered if he had said something wrong. Kibitz-balikat siyang nagtuloy sa paglalakad patungo sa karatig na hotel kung saan siya tumutuloy.
Haaaaay… magkamoment kaya din sila ng ganito sa totoong buhay??? J
Madami pa kayang GANAP ang dalawang ito???
ABANGERS!!! J