Laking pasalamat ni Christine na may kadiliman sa loob ng restaurant. Kung nagkataon, masisilayan ng binatang kasama niya ang kanyang namumulang pisngi. She was fully aware of his maleness. Kahit na mas matangkad si Kiefer rito, pakiwari niya, Slate was much, much bigger. He made her feel so fragile kahit nakatayo lang siya sa tabi nito.
Magaling pa itong magsalita ng Mandarin. Ito na ang nag-order para sa kanilang dalawa.
“If you don’t mind my asking, purong Chinese kaba na nakatira sa Manila?” usisa niya. “Ang galing mo kasing magsalita ng Mandarin at Tagalog.”
Tumango ito habang derechong nakatitig sa kanyang mga mata. “Mostly Chinese blood. Ang nanay ko ay purong Chinese mula sa mainland. Pero ang aking ama, sa Pilipinas na lumaki. His father is full Chinese pero lumaki na sa Pinas!
“Interesting Family Tree,” sagot ni Tin, pagkuway uminom ng iced tea. Hindi niya alam kung anong magneto mayroon ang binata. She was so drawn to him. Parang gusto niyang malaman ang lahat tungkol dito.
“So, Christine, hanggang kailan ka dito?” tanong nito.
Funny, I don’t remember ever telling him my full name.
Biglang naging tuliro ang isip niya, pero sa kabila niyon, sinagot pa rin niya ang lalaki. “My flight back to Manila is on Saturday night.”
“Sabay rin pala ang flight natin pabalik. “For the first time ever, Slate thanked his lucky stars at hindi Friday ang kanyang uwi tulad nang nakaraan niyang business trips. Ngayon lang nabawasan ang kanyang iritasyon sa pagkakamali ng bagong booking agent sa travel agency.
Sinipat ni Christine ang nakangiting mukha ng binata. Malakas talaga ang dating nito. Pero ang nakakabingwit sa kanyang atensyon ay ang malalim nitong dimples sa magkabilang pisngi. Oh My Gosh!
Si Slate. Si Slate-r. Si Slater! Ang batang nagsabi sa kanya ng, ”‘Paglaki natin, pangako sa’yo. Ikakasal din tayong dalawa.”
Biglang napalipad ang kaliwang kamay niya para takpan ang kanyang nakaawang na bibig. Her eyes were very expressive and easy to read.
Natuwa si Slater nang mabasa ang recognition na sumagi roon. Alam nitong mismong Segundo nang maalala ni Tin kung sino ito. “You remember me now?”
Tumango si Tin. Hindi pa din niya mahanap ang kanyang boses. She wondered kung ang tagpong ito ay isa na naming masamang biro ng tadhana. Lalo na at alam niyon ang pag-aalinlangan niya tungkol sa kanila ni Kiefer.
Sinagot ni Slater ang sariling tanong. “I guess the answer is yes.”
Sa wakas nahanap na ni Tin ang kanyang boses. “I’m sorry, I was just so shocked. Who would’ve thought na dito pa tayo magkikita? And it’s been so long.”
“Yup, matagal na nga. But somehow, when I saw you on that plane, I just knew without a doubt that it was you,” sagot ni Slater at kinagat ang lower lip. Bahagya muli lumitaw ang mga dimples nito, na ikinabilis ng tibok ng puso ni Tin.
Those blasted dimples are driving me insane. Pinaglalaruan ba siya ng tadhana. Kaya pala ilang beses ding sumagi sa isipan niya kamakailan ang tagpo sa simbahan.
“You rejected my proposal,” nakamasid nitong sabi.
Is he serious? Pero biglang napawi ang pag-aalinlangan niya nang makita niya ang kakaibang ngiti nito, “I’m sorry. I was to young to think about happily ever afters back then.”
“Oh, yes, I understand,” sagot nito at tumingin sa kanyang kamay na nakapatong sa mesa. “But I can see you no longer feel too young now,” patukoy nito sa kanyang engagement ring.