KAPIT-KAMAY sila palabas ng gate ng eroplano at kapwa hila-hila ng mga libreng kamay ang kanilang mga maleta. Ang ibang pasaherong lumulan ng Cathay Pasific Flight 72 ay maliksi ang mga hakbang at mukhang ganadong marating ang kanilang destinasyon. Bukod tanging sina Slater at Tin lamang ang mahahaba ang mukha at wala sa loob ang paglalakad.
Marahas na nabangga ang dalaga ng isang nagmamadaling tao at nabitawan niya ang kanyang bagahe, pati na rin ang kanyang handbag.
“I’m Sorry,” mabilis na saad ng lalaking nakabundol sa kanya, na hindi man lamang huminto para tulungan siyang ayusin ang nagkalat niyang gamit. Sa halip, nagpatuloy ito sa paglakad na para bang walang nangyari.
Akmang hahabulin ito ni Slater, ngunit hinawakan niya ang kamay nito para pigilan. “Don’t waste your time on him,” sabi ni Tin habang tinitignan ang papalayong likod ng lalaking walang konsiderasyon.
Mula sa isang dako, (haaaaaay… mula sa nakita ko.. mukhang BV toh! kakastart ko pa lang badvibes na oh! JAN ka magaling sa flirting! Lol mukhang pangit ang kakalabasan nitong chapter na toh!) A big Flickering red jersey caught her eye. Napailing siya. Were her eyes playing tricks on her? Gamit ang libre niyang kamay, ikinuskos niya ang mga mata para mapuksa ang imahe. Ngunit nang ibalik muli niya ang titig dito, hindi naman ito nawala. Bagkus, naglalakad pa ang malaking imaheng ito patungo sa kanilang kinatatayuan.
Parang slow motion, nakita ni Tin ang mala-higanting hakbang ni Kiefer patungo sa kanila. Nanlaki ang kanyang mga mata at kaagad niyang nabitawan ang kamay ni Slater. She got caught red-handed, literally.
She shifted uncomfortably from one foot to the other. Tiningnan niya si Slater at hindi mailarawan ang expression nito sa mukha. Alam niyang nakita nito ang papalapit niyang fiancé. Kiefer was pretty hard to miss because he stood out like a sore thumb amidst a sea of vertically-challenged people. At tila lahat ng tao pinupukulan ito ng tingin.
Nakadama siya ng pangamba. God knows how she hated scenes. Nakakahiya naman kung makita ng madlang Pilipinas ang pagbabangayan nila. She plastered a big smile on her face. Mabasa kaya ni Kiefer na peke ang kanyang one-hundred kilowatt smile? Nakita kaya nito ang pagho-holding hands ni Slater?
Ito na ang moment of truth –ang punto na kailanman ay hindi niya naisip na maaring mangyari. She waited for the explotion that would finally rock her world. Subalit……
“Christine, Sweetheart, I missed you,” sabi ni Kiefer kasabay ang mahigpit na yakap sa kanya.
Tin breathed a sigh of relief. Marahil hindi nito napansin ang paghahawak-kamay nila ni Slater.
“I was signing autographs back there when I caught sight of you,” sabi ni Kiefer.
That explains it all then, naisip niya habang walang-buhay niyang tinugunan ang yakap nito. Talo pa niya ang isang robot sa pagkawala ng emosyon.
Napapitlag siya para tignan si Slater, ngunit nakita na lamang niya ang papaalis nitong likod. Hindi na niya kailangan makita ang mukha nito para malaman na nagtitimpi lamang ito. She could see his anger in the tense set of his shoulders.
Mula sa likuran ni Kiefer, she looked at Slater longingly. Ngayon lang niya naintindihan kung gaano kahirap ang distansyang gusto niyang manaig sa kanilang dalawa ng lalaking pinag-alayan niya ng sarili.
Christine broke their embrace and looked at her boyfriend, intent on spilling everything. She opened her mouth to speak but no words tumbled out. Napansin niya ang mga titig ng tao sa paligid at alam niyang hindi iyon ang tamang oras. Ayaw niyang pagfiestahan ang kanyang private life. She could pretend things were okay a little bit longer. Little, being the operative word.