After suffering through two days of a hellish existence at work and one game of mindless basketball last night, tumawag si Christine sa trabaho at nagdahilan na dinapuan siya ng trangkaso kaya hindi siya makakapasok. May sakit naman siya talaga, sa puso nga lang.
She was nursing a very distraught heart. And it hurt like hell, too.
Inanyayahan niya si Divine sa condo dahil kailangan niya ng isang reasonable mind. Laking pasasalamat niya at isang freelance artist ito na hawak ang sariling oras. Pinagbiyan naman siya nito.
Ala una ng hapon nang nag-ring ang doorbell ng unit ni Tin, “Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay,” salubong niya sa kaibigan.
“Hello, Divine, kamusta ka na? Welcome sa bahay ko, ha!” sarkastikong bungad nito.
Dere-derecho ito sa loob na patungo sa kusina para kumuha ng malamig na tubig kaya hindi nito nakita ang namumugto niyang mga mata. Nagulat ito sa laman ng refrigerator.
“What is this six-pack can of beer, vodka and tequila doing in your ref? ano ka may party? You don’t drink.” Humarap ito nang nakataas pa ang kilay. Sa puntong iyon lamang nito napansin ang kanyang mukha. “What happened to you?”
“Sit down first Vinney, I have lots to share. Before that can you open first that can of beer for me ‘cause I need it. You’ve got to help me, Vinney. I’m so screwed,” hinagpis ni Tin. At ikinuwento niya ang bawat detalye habang lumalagok ng San Mig Light.
“Oh, Yes, you really did get screwed,” sabi ni Divine na ngayon ay sinasabayan na siya sa pag-inom.
“Now is not the time to make jokes,” saway niya, Sabay dighay. Ibinato niya ang lata ng beer at sabay tagay naman ng tequila. “Anong gagawin ko?”
“Eh, ano pa nga ba’ng hinihintay mo? Loka, bakit hindi mo pa pakasalan si Kiefer? Matagal mo na un dapat ginawa. He’s bad for you, you know.”
“Hindi pa pwede. Inuusig nga ako ng konsensya ko. I can’t be the reason for him to lose the game. But it’s killing me not to see Slater. I wonder if he broke up with his girlfriend already. Eh, paano kung niloloko rin lang pala niya ako?”
“Hay naku! Umiral na naman ang kapraningan mo. If he’s a gentleman, sweet, loyal and loving as you say he is, bakit naman niya gagawin iyon, hindi ba? At sinabi mo, six years old ka pa lang, nagpropose na itong si Slater sa iyo. So what other kind of proof do you want para masiguro na baliw nga siya sa iyo? Imagine, all these years, di ka niya nakalimutan,” litany nito para palakasin ang loob niya.
Naalala niya ang matatamis na salita na sinabi sa kanya ni Slater. She believed in him. She really did. Mahal siya nito.
Nabasa ni Divine ang kasiyahan sa mga mata ng best friend. “Oh My, You’re really In Love, Tinney! You’re acting so crazy!” sabi nito sa kaibigan.
“Hindi lang ako basta-basta tinamaan. I got laid, you hear me,” bulalas niya, sabay sinok. Para sa taong hindi sanay uminom, the alcohol was certainly getting through her head.
“This Chinese guy must really be worth it, Christine.”
I hope, naisip ni Tin.
“May picture ka ba ng lalaking ito at nang makilala ko siya?”
Tumayo siya upang kunin sa kwarto ang kanyang cellphone mula sa kanyang bag. Dahil bahagyang tinamaan nang mga nainom, pagewang-gewang siya kung lumakad at muntik pa siya mapahandusay pagbalik sa sofa.
Madali niyang nahanap ang kaisa-isang larawan nila ni Slater, sapagkat ilang beses na niya itong tinitignan simula nang maghiwalay sila sa airport. Ito ang bukod-tanging testament na hindi isang kabaliwan ang namagitan sa kanila. It wasn’t merely a figment of her imagination.
“Cute siya, huh! Not like Jackie Chan or Jet Lee at all.”
“He makes me feel so special, Vinney, in a way Kiefer has never ever made me feel before. I actually felt really loved. I’m so darn happy!” hiyaw niya. Matapos itong sabihin, idinukdok niya ang kanyang ulo sa coffee table at umiyak. A wrenching sob escaped from her chest.
Hinagod nito ang kanyang likod. “Eh, kung happy ka, anong ini-emote mo diyan?”
“inuusig ako ng konsensya ko. I’m as bad as Kiefer.”
“Well, he deserves it, Tinney. Ilang beses mo rin naming nahuling nagsisinungaling ang kumag na iyon. So Quits lang kayo,” paliwanag nito.
Parang hindi niya narinig ang mga sinabi nito at nagpatuloy sa kanyang self-castigation. “Ang sama-sama ko na bang tao? Hindi kaya karmahin kami ni Slater sa aming ginawa? What if Slater’s girlfriend doesn’t let go of him? We are doomed. And you know what the worst part is, Kiefer is being so extra sweet and loving these past few days since I got back.”
Ikinuwento niya na sinundo pa siya ng nobyo sa airport. At simula na iyon, palagi siya nitong pinadadalhan ng bulaklak at chocolates. And he was actually making time for her despite his hectic practice sessions.
“Pakitang-tao lang niya iyon, ano!” napasimangot na sabi ni Divine.
“What if he’s seriously reformed? I can’t take that. Lalabas akong sobrang sama,” pangamba niya.
“If it’s any consolation. Tinney a leopard can’t change its spots. Lalabas at lalabas rin ang tunay niyang kulay,”
“I hope you’re right Vinney,” sabay tingin sa labas ng bintana na nakahawi ang mga kurtina, sa langit itinutok ang mga mata.
“So, ano pang hinihintay mo? Hiwalayan mo na ang mokong na ‘yon bago ka niya magoyo ulit.” Udyok nito.
“I’m not Cruella De Ville, Vinney. Pagkatapos nang championship game, saka ako makikipaghiwalay kay Kiefer.” Desididong pahayag niya.
Matapos niyang sabihin ang mga ito, napuno siya ng pangamba. She could not imagine spending another minute pretending to be sweet to Kiefer, that everything was okay, while secretly hoping si Slater ang kasama niya.
Idinukdok niya muli ang ulo sa lamesita. “All I want is to be six years old again. Walang responsibilidad, walang pinoproblema. With Slater’s innocent marriage proposal safety tucked under my belt. Kalabisan bang hingin iyon?” sigaw niya.
Iniling ni Divine ang ulo. “Loka-loka! Sino’ng gusto mo, maging si Wendy at siya naman si Peter Pan, the boy who never grew up? Hay, Christine, may pasok ka pa bukas, tulog lang ang kailangan mo,” payo nito.
Inalalayan siya nito patungo sa kanyang kwarto at inihiga siya sa kama. By the time Tun’s head hit her pillow, she was fast asleep. Salamat sa tulong ng alak, she was oof to a faraway sweet place called Never-never Land, where only she and Slater existed.
Magawa kaya makipag-hiwalay ni Christine kay Kiefer matapos ang championship nito? Si Slater ano na kaya ang nangyari sa kanyang pangako para sa pag-iibigan nila ni Tin? Maisagawa din kaya niya makipag-hiwalay sa loob ng isang linggo o may hahadlang para dito?
ABANGERS!!!
(Oooooops… Care to comment. Share-han nyo naman ako ng ideas guys so I can have Updates… hirap pala mag-imagine na walang basis.. heheheThank You sa walang sawang nagbabasa ng FF ko ah. Sa mga Banana’s :), kaway-kaway sa inyo.
Keep on reading… love,love,love and GOOD VIBES lang lagi. )