Chapter 3

661 11 2
                                    

Christine’s airplane ride to Hong Kong was uneventful maliban sa isang engkwento sa business class section kanina. Hindi nga siguro ito matatawag na engkwentro dahil wala naman talagang mabigat na nangyari.

Kanina, pagpasok niya sa eroplano, binalot siya ng kakaibang pangingilabot. Ang buong akala niya, dahil lamang iyon sa biglang tama ng malakas na buga ng aircon.

Matapos ang ilang sandal, napansin niyang may nakapakong mga mata na sumisipat sa bawat galaw niya, Shivering was merely her body’s way of alarming her.

Isang pares ng mapanuri at singkit na mata, mula sa isang Chinese businessman na nakaamerikana, ang nakatuon sa kanya. Nakaupo ito sa leather armchair at hawak ang isang magazine, na hindi naman nito binabasa.

Tin knew she was fairly attractive kaya sanay na siya sa mga humahangang tingin. But there was something different about this man. Para siyang unti-unting natutunaw ng mainit nitong titig.

Nadama niya ang pagtayo ng balahibo sa kanyang batok. Nakapagtigasan siya ng titig sa lalaki sa pagbabakasakaling mapahiya ito. But he continued to openly stare at her mula ulo hanggang paa kahit sinimangutan na niya ito. Antipatiko!

Hindi ito mukhang dirty old man. Bata pa ito, mukhang late twenties or early thirties. Hindi rin itotipikal na Chinese guy. Maskulado ang pangangatawan nito, malapad ang mga balikat, at angular ang cheekbones at panga nito. Tantya niyang matangkad ito base sa nakaunat nitong mga binti sa maluwang na leg room ng business class section ng eroplano. This man was not at tall as Kiefer, but most certainly taller than her.

Iniling niya ang ulo at patuloy na naglakad habang hinihila ang kanyang travelling bag. She pretended the man didn’t exist.

Subalit parang nananadya ito. Halos hindi siya makahinga nang saglit na maglapat ang kanilang mga balat dahil sa makipot na aisle ng eroplano. Ang braso niya ay dumampi sa kamay nitong nasa armrest. Nakakapaso! Naramdaman din kaya ng lalaki ang kabaliwang ito?

Hindi na siya nangahas pa na siyasatin kung ano ang expression sa mukha nito. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad patungo sa kanyang silya.

Matapos ang ilang Segundo, hindi siya nakatiis at lumingon para tingnan ang lalaki sa huling pagkakataon. Nakita niyang sinusundan pa rin siya nito ng tingin at muling nagtama ang kanilang mga mata. Pakiwari ng dalaga, ang puso niya ang naglakbay patungo sa kanyang lalamunan.

Kaagad niyang ipinaling ang ulo at nagpatuloy sa paglalakad. Laking pasasalamat niya na hindi ito nakita ang namumulang pisngi niya.

Tahimik siyang nagtungo sa kanyang silya sa economy class. Ang swerte naman at nagkuripot ang kompanya niya. Kung nagkataon, baka nagging katabi pa niya ang kolokoy na Chinese.

Matiwasay na nakalabas si Tin sa immigration area. Hindi na siya inusisa pa ng immigration officer nang Makita ang iba’t ibang tatak sa kanyang passport. Hindi na rin niya nakita pa ang anino ng Chinese guy kahit masusi siyang nagmamatyag sa paligid.

Nagkibit siya ng balikat at nagtungo sa arrival area. Naisip-isip niya, he must just be a figment of her imagination. Sa kanyang dibdib, hindi niya nawari kung bakit nakadama siya ng malaking panghihinayang gayong hindi naman niya kilala kung sino ang misteryosong lalaki.

Natanaw niya ang kanyang pangalan sa isang putting cartolina. Bitbit ito ng isang petite na babae na pustoryosa sa suot nitong business suit.

“Hi, I am Christine Patrimonio.”

Lumiwanag ang mukha ng babae. Ibinaba nito ang bitbit na sign at inabot ang kanyang kamay. “A pleasure to meet you, Miss Patrimonio. I am Kim Lin Chui. But you can call me Kim. I work as an assistant brand manager in our agency.”

Promises, PROMISESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon