Chapter 12

809 11 7
                                    

 …….Teka sa story ko dito walang name ung girlfriend ni Slater… wala ako kasi maisip eh. Di ko din naman alam name ng Ex niya… research muna ako.. SLaTin’s pasensya now lang ang update… BTW I’ve meet Tin Finally, konting chika-chika with her and her group Racketiners welcome nila ako. Super Nice silang lahat. Ganda din nang tyempo ko kasi Game 1 ng Tennis tournament niya.  Balik sa story. Darleen pala.. J START NA KO!!!

Nagpasalamat si Slater sa ginoo sa itaas. Sa wakas, nakahanap din sila ni Darleen ng panahong lumabas. Tahimik itong nakaupo sa tabi niya ngayon. Nandoon sila sa Ebisu Japanese Restaurant sa Morato. Walang kamalay-malay ang babae sa bombing pasasabugin niya.

Noong gabing dumating sila ni Tin galing Hong Kong, laking gulat niya na si Darleen pa at ang kanyang mama ang sumalubong sa kanya. Nagimbal siya dahil parang natunungan ng mga ito ang pag-aalinlangan niya sa kanilang planoadong kasalan, na binansagan niyang planadong sakalan.

Gusto na niyang makipagkalas noon, but he did not have the heart to humiliate Darleen in front of his mother. At wala rin siyang panahon noong Lunes, Martes at Miyerkules dahil nagging abala siya sa negosyo.

Humugot siya ng hininga, “Look, Darleen, I have to tell you something important,” simula niya.

“Me first.”

Nagulat siya. His fiancée was not the type to speak her mind. Mukhang kabado ito at balisa. Maitim, malalim at may mga linya ito ngayon sa gilid ng mga mata. Darleen didn’t look like herself at all.

Tatanungin sana niya ito kung ano ang problema ngunit pinigilan siya nito.

“Please don’t say anything.” Anito at pinahid pa ang isang well-manicured finger nito sa kanyang mga labi.  Napansin niya ang panginginig ng kamay nito. What the hell is going on? Ano naman itong drama ng lukaret na ito?

Bumuntong-hininga ang dalaga. “If you start talking, I’ll lose all my courage and never get this thing out of my chest.”

Pakiwari ng binata, masasapo niya ang makapal na tension sa pagitan nila ngayon.

“You’re a bore, Slater.”

Tama ba ang narinig niya? “Excuse me?” gulat niyang tanong na hindi makapaniwala.

“Oh, I know you heard me, but I’ll say it again. I said you’re a bore, Slater Young.” Nakanguso ito at nakakrus ang mga kamay sa dibdib na para bang handing makipaggiyera. Nang hindi siya sumagot, muling nagsalita si Darleen. “You’re a nice man, Slate, but you’re a bore. And I can’t spend the rest of my life living with one. I’m too young for the kind of life living with one. I’m too young for the kind of life you’re offering.”

Nananaginip ba siya? Gustong kurutin ni Slater ang sarili para makasiguro. Marahil ganito ang nararamdaman ng mga nanalo sa sweepstakes. Parang gusto niyang maglupasay sa saya. Was this fate’s way of making up to him for the last few lonely years he was living? Hallelujah!

Sa wakas nahanap niya ang kanyang boses. “That’s the last thing I expected to hear from you, Darleen.”

Napayuko ang babae at tumabing ang mukha nito ang buhok. “I’m sorry, Slater. I was trying to be a good daughter, pero alam nating dalawa na hindi natin mahal ang isa’t isa. I can be a good wife to you, but we will never be happy because love’s just not there.” Nangahas itong tumingin sa binata sa pagitan ng buhok at nagulantang sa expression sa kanyang mukha.

Slater was relieved to say the least. Para siyang nabunutan ng malalaking tinik sa dibdib. Parang naglaho ang nakakayamot na bato, na nagkukubli sa pagitan ng kanyang medyas at sapatos. Malaki ang ngiti niya sa mukha at naglulundagan sa tuwa ang kanyang mga biloy.

Napanganga si Darleen at natawa nang malakas. It was her first genuine smile for the evening. “I can’t believe it, hindi ka galit, you’re actually happy about this. And to think I was distressed over doing this the entire time.”

Hinawakan niya ang kamay nito at pinisil. “I understand, Darleen. The Spark’s just not there, huh.”

Napuno ng tawanan ang kanilang mesa.

“Slater, I think we would make better friends than lovers,” prangka nitong sabi. “Pansin ko rin na parang nakakabatang kapatid ang trato mo sa akin.”

“Im sorry for –“ simula niya.

“Oh Please, don’t be, putol nito. “Kung di sa mga sermon mo sa akin, hindi ako matatauhan. You’re a bad as my dad… and I can’t marry my own father.” Bahagya ito ngumiwi. “ At kung kaya kitang sagut-sagutin kaya ko rin mangatuwiran sa Daddy tungkol sa ating dalawa. My parents are going to be disappointed, but they’ll learn to live with it.”

Dahil sa sinabi nito, pumasok sa isipan ni Slater ang kanyang ina. Nakakasiguro siyang hindi nito magugustuhan ang takbo ng mga pangyayari. Pero gaya ng mga sinabi ni Darleen, she would have to learn to live with it. After all, it wasn’t his mother’s heart that was on the line.

Tila nabasa nito ang kanyang iniisip at ito naman ang pimisil sa kanyang braso to make him feel better. “Huwag ka nang mag-alala tungkol kay Tita. Her bark is worse than her bite. Gusto lang niyang maging masaya ka.”

Napangiti siya. he found it hard to believe that Darleen, whom he thought was an immature brat, was the one giving him advice. Marahan niyang hinaplos ang pisngi nito. “Well remain friends.”

Sinapo nito ang kanyang kamay at idinampi sa labi “Better than friends. Always think of me as your little sister,” anito, sabay patong ng ulo sa kanyang balikat.

Lingid sa kanilang kaalaman, isang pares ng mapanuring mata ang nagmamasid sa kanilang mga kilos mula sa di kalayuang mesa. Binigyan nito ng ibang pakahulugan ang mga nasaksihan. Nakasimangot itong lumabas ng restaurant.

Nalampasan na nga ba ni Slater ang mga pagsubok sa kanyang natitirang araw. Matanggap kaya ng kanyang ina ang desisyon nilang iyon. At sino kaya ang nakakita sa kanila? Ano naman kaya ang mangyayari kay Tin at Kiefer?

ABANGERS! J

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Promises, PROMISESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon