"Ang paglalakbay ni Monalisa sa Balaak"
Nakarating si Mona sa isang mataas na bulkan, inakyat niya ito at nakita niya ang isang portal na binabantayan ng itim na nilalang. Hinarap niya ang itim na nilalang, tinanong niya kung paano niya makakapasok sa balaak.
"Ito ang portal ng balaak, bakit mo nais magpunta roon?" sambit ng itim na nilalang
Naisip ni Mona na bawal ipagsabi ang hinahanap niya kay naisip niyang sabihin na..."nais kong makaharap ang hari ng balaak, kung meron ba nun?"
"Si panginoong Arde?...matapang ka kaya hahayaan kitang makapasok sa portal, pero tandaan mo wala pang nilalang na tulad mo ang makakatalo sa kanya!" babala ng itim na nilalang
"Wala akong pake, ako ang tatalo sa panginoon niyo!" sambit ni Mona, sabay pasok sa portal
Pagpasok ni Mona sa portal tumambad ang isang malaking Argona na kumakain ng isang nilalang. Natakot si Mona na baka makita siya ng Argona kaya nagtago siya sa isang malaking poste. Pinagmasdan niya ang kumakain na Argona, ngunit na-amoy siya nito dahil napakalakas ng pang-amoy ng Argonang iyon. Kaya sinundan ng Argona ang amoy at doon nga nakita ng Argona si Mona na nagtatago. Hinarap ni Mona ang Argona.
"Hindi ako masarap!, maalat ako!..mabaho nakakasuka!" sigaw ni Mona sa Argona.
Naisip ni Mona na paslangin na lamang ang Argonang iyon, kaya tumapak siya sa buntot nito tumakbo sa likod nito at isinaksak ang patalim sa batok ng Argona. Natanaw siya ng iba pang Argona na nasa malayo kaya nilapitan siya ng mga iyon.
"Nako talagah! Buti na lang nagtraining ako ng pakikipagpatayan akala ko di ko magagamit yun eh...kaya tikman niyo toh!!"
Tumakbo si Mona sa pader at pinugutan niya ang tatlong Argonang umaatake sa kanya habang nag-iispin sa ere. Napaslang man niya ang iba marami paring mga argona ang lumalapit sa kanya, hindi niya na alam ang gagawin niya sa sobrang takot ni Mona ay bigla siyang hinimatay. Bago pa lamang sakmalin ng mga Argona si Mona ay biglang nagliwanag ang katawan niya, lumabas ang libo-libong sandata at tumalsik ito sa paligid. Paggising ni Mona nakit niya ang mga patay na argona na maraming saksak ng ispada na di niya alam kung san galing. Gayunpaman nagpatuloy si Mona sa pgalalakbay at iniwan ang mga bangkay ng argona(dragon). Ngunit hindi niya alam iyon pa lamang ang simula at patikim ng kanyang pakikipagsagupaan.
Nang makarating si Mona sa tarangkahan ng balaak kinakailangan siyang tumawid sa River of souls kung saan mayroong bangka na nakadaong na inilalayag ng isang nilalang na nagngangalang Charot. Para makasakay ay kinakailangan siyang magbigay ng gintong barya. Nagbigay nga si Mona ng barya na ipinabaon pa sa kanya ni Belle. Habang tumatawid ang bangka sa ilog may mga kaluluwang pilit na kumakapit sa bangka. Natakot si Mona...
"Manong kalansay maari niyo po bang bilisan?" pakiusap ni Mona
Tumingin sa kanya ang si Charot ng may pangagalaiti. "Patience is a Virtue!" paulit ulit na sinabi ni Charot ang kasabihan na iyon. Nanahimik na lang muna si Mona hanggang mapansin niya ang mga Bersikilo. Ang mga Bersiklo ay mga nilalang na laging nagpapakawala ng mabahong usok na kapag nalanghap ng matagal ay magiging sanhi ng kamatayan. Nakita ni Mona na umaaligid ang mga bersiklo kaya tiningnan niya ang listahan ng mga halimaw at nakita niya ang mga kakayahan ng bersiklo. Sa pamamagitan ng mga natutunan niyang spells sa magic teacher niya na si Harry, ikinumpas ni Mona ang ispada niyang makapangyarihan at binigkas ang demogtrave Viliousitous. Lumabas ang kakaibang uri ng tubig sa ispada niya, tinamaan ang mga birsiklo natakot ang mga birsiklo sa mabangong amoy ng tubig mula sa ispada ni Mona. Nakarating na sa daungan si Mona at Charot nang magpapasalamat na si Mona kay Charot ay bigla na lang niyang nakita na naglaho ito nang parang bula. Isang malaking gate ang nasa harap ni Mona at hindi niya alam kung paano ito mabubuksan. Pero laking gulat niya nang hawakan niya ang gate ay bigla nalang itong nagbukas. Pumasok siya at sa loob may mga maalikabok na poste, ngunit may napakalinis na sahig. Habang nililibot ni Mona ang loob ng gusaling iyon may mga kakaibang tunog siyang naririnig, tunog ng mga nilalang na nagbabalatkayo ang mga Hunyango. Ang mga hunyango na napaka-mapanlinlang. Pinalibutan si Mona ng mga hunyango pilit siyang pinipigilan na makalabas sa gusaling iyon, hindi alam ni Mona kung ano ang gagawin dahil hindi niya makita ang mga ito. Buti na lamang naisip ni Mona na malagkit ang mga yapak ng mga hunyango kaya naisipan niyang ipunin ang mga alikabok sa poste at isinaboy niya ito sa malinis na sahig. Nabalot ang sahig ng mga alikabok at nakita ni Mona ang mga hunyango dahil maging sila ay nakapitan din ng alikabok. Kumapit kay Mona ang isang hunyango.
"Bitiwan mo ako!!..shokoy!" sambit ni Mona
"Bakit ka naririto?...mukang masarap ka!..hunyango kami!..hindi shokoy na sinasabi mo!!" sigaw ng mga hunyango
"Wala akong pakilam kung ano ka pa! Bitawan mo ako!!" pagpupumiglas ni Mona
"Hindi ka na makakawala pa, dahil iaalay ka namin !.." hiyaw ng mga hunyango...
"Sabi ko bitawan niyo!...Ako!" sigaw ni Mona
Biglang nawala ng parang bula si Mona sa kamay ng mga hunyango at lumitaw sa isang pasilyo ng gusali. Nagamit niya pala ang evictus na iniregalong kapangyarihan sa kanya ng mga Dyosa ng kalangitan noong bata pa siya. Iniwasiwas ni Mona ang kanyang ispada sa ere at naglabas ang kanyang ispada ng malagkit likido na siyang bumalot sa lahat ng hunyango. Nagpupumiglas ang mga hunyango, ngunit kahit anong gawin nila ay di sila makawala sa pagkakabihag. Nakaalis si Mona sa gusali at tumakbo siya patungo sa susunod niyang destinasyon ang Kingdom of Demonic Souls.
YOU ARE READING
The Wonderful Adventure of Monalisa
Aventurait is the mix of a thousand stories of Monalisa Alamin ang mga kinaharap na pagsubok ni Mona sa iba't ibang panahon at Dimensiyon! Nakakatuwang pangyayari sa buha niya. Mga kakaibang nilalang na nakasama niya. At ang kakaibang kwentong ngayun niyo l...