Chapter 8

3 0 0
                                    

"Ang Paghaharap nina Mona at Arde"

Nang makarating na si Mona sa harap ng kaharian ni Arde, Nakita niyang walang nagbabantay sa kaharian kaya pumasok siya. Sa loob ng isang napakalawak na kaharian ay mayroong lawa na tinatawag na The forgotten lake of spirits. Kung saan meron ding bangkero tulad n Charot na nagaabang sa may daungan siya ay si Argo. Nang makarating na si Mona sa lawa ay meron siyang nakitang bangka na nababalot sa ginto kaya sumakay siya dito, ngunit laking gulat ni Mona na hindi ito umaandar kaya naiisip niya na baka parehas iyon ng bangka ni Charot o di naman kaya ay bangka ito ni Charot. Buti na lamang ay may barya pang natira si Mona mula sa paglalakbay. Inilaglag niya ito sa lalagyanan ng barya ng bangka at nagsimula na itong umarangkada. Napaka-kapal ng usok ng lawa, ngunit nararamdaman ni Mona na may kung sino ang kasama niyang nakasakay sa bangka, at nakita niya ang isang nilalang na buto-buto tulad ni Charot.

"Sino ka? Baka kalaban ka?" tanong ni Mona na halatang takot na takot.

"Hindi, Ako ang kataas-taasang bangkero ng mga nais bumisita sa aming panginoong Arde. Ako si Argo"pagpapakilala ng nilalang sa bangka

" Sinong Arde?? Siya ba yung pinuno ninyo dito?" tanong ni Mona

"Hindi siya basta pinuno lang, siya ang kataas-taasang panginoon ng balaak!" sambit ni Argo

Nakarating na si Mona at Argo sa daungan, bumaba si Mona magpapaalam na sana  kay Argo , ngunit tulad nga ni Charot naglaho ng parang bula si Argo ng hindi namamalayan ni Mona. Nakita ni Mona ang isang gusaling napaka-nakakakilabot na may mga ulo pa ng mga patay na tao. Binuksan niya ang pinto ng gusali  napansin niyang napakatahimik  hanggang sa, umatake ang mga nakatagong Zombie, Kalansay, Mummy at iba pang uri ng halimaw. Parang wala pang limang minuto ay napaslang na ni Mona lahat ng nilalalang sa loob ng gusaling iyon, ngunit hindi pa pala doon natapos ang pakikipagsagupaan niya. Dahil lumitaw mula sa malayo ang isang nilalang na nakabalabal na itim. Ang nilalang na iyon ay nag-aapoy ang mga mata at kulay itim ang kulay ng balat at nakasuot ng ginintuang kalasag na may nakadisenyong mga dragon at patalim. May dalang ispada ang nilalang at palapit na ito kay Mona.

"Hindi ka ba natatakot sa akin? Napaslang ko na lahat ng kasama mo!..lalaban ka pa ba?" tanong ni Mona

Habang pinagmamasdan ni Mona ang papalapit na kalaban, nakita niya ang ginintuang orasan sa isang trono malapit sa nilalang na palapit sa kanya.

"Sino kang lapastangan ka?!" sigaw ni Arde

"Ako nga ang dapat magtanong sayo eh...Sino ka ba?" matapang na tanong ni Mona

"Ako ang panginoon ng lupaing kinatatayuan mo ngayun! Ako si Arde!.." pagpapakilala ni Arde

Natakot si Mona dahil hindi niya alam kung ano ang kayang gawin sa kanya ng isang demonyong panginoon. Habang nakatayo si Mona inaalala niya ang nakaraang buhay niya noong lagi siyang masaya kasama ang mga kaibigan.
____________________________________
(Flashback)

Naglalaro si Mona sa isang parang kasama ang dalawa niyang mga kaibigan niya, nanghuhuli sila ng bubuyog at kinakain pa nila ito. Masaya silang naglalaro, nagbabasa at nagaaral. Pero dahil sa isang trahedya nagkahiwalay-hiwalay silang tatlo. Isa sa mga kaibigan ni Mona ay dinukot ng isang makapangyarihang nilalang habang ang isa pa ay nawala sa dagat habang kasama ang kanyang tatay na nangingisda. Naging mag-isa si Mona, malungkot pero napaka-curious na bata.
-end.
____________________________________Nakita ni Mona na palapit na ng palapit si Arde sa kanya kaya lumayo siya. At nag evictus papunta sa ginintuang orasan, ngunit pagpunta niya roon ay wala na ang orasan nasa kamay na ito ni Arde.

"Ito ba ang hinahanap mo?" tanong ni Arde

"Oo, Siyang tunay Arde!..kaya akin na yan!" sigaw ni Mona

"Kung ito pa ay makukuha mo pa sa akin!.." sambit ni Arde

Naging isang malaking Argona si Arde at nagsimulang nagnganit naparang isang pumuputok na bulkan si Arde. Isang liwanag ang bumalot kay Mona habang galit na galit na nakatitig kay Arde, ang kalasag ni Mona ay naging napakagandang damit at ang kanyang ispada ay nadoble. Halatang halata na handa na si Mona laban kay sa higanteng Argona.

The Wonderful Adventure of MonalisaWhere stories live. Discover now