Title:A Wife's One Sided Love
Author: MissSONE
Genre: Romance, Humor, Drama
Allison dela Cerda, maagang nawalan ng pamilya, spoiled brat, pasaway, maarte, maldita at likas na bungangera. Dahil sa mapaglarong kapalaran, napatira sya sa mansion ng matalik na kaibigan ng kanyang yumaong ama- si Roberto Fontanilla. At iyon ay dahil sa ginagawang LAST WILL AND TESTAMENT ng kanyang ama bago ito mamatay. Napakaloob dito sa testamento na kupkupin siya ng pamilya Fontanilla at ipakasal sa panganay nitong si Tristan Xavier Fontanilla. Kapalit ng kayamanang naiwan ng pamilyang Dela Cerda na siyang ibibigay sa mga Fontanilla sa oras na ma-grant ang testamento. Ang akala ni Allison ay matutupad na ang pinapangarap niyang makasama at makapiling si Tristan na siya rin ang una niyang pag-ibig. Nagkamali siya at nalaman niya ang isang pinakamasakit na katotohanan na halos dumurog sa kanyang puso't isipan. Pinilit niya itong kalimutan gamit ang sarcastoc na pamamaraan, pagcutting classes, at paggimik ngunit mas lalong lumayo ang loob sa kanya ng minamahal.
Paano nga niya ba matutunang kalimutan ang kanyang nabuong pagmamahal para dito? Makakayanan niya pa kayang harapin ang mga pasakit na dumating pa sa kanilang pagsasama kung ipinapamukha na sa kanya ng kapalaran na.....
She's a wife who has one sided love.
***
Favorite Quotes:
"Ang ESPESYAL, kaya kong iwan para sa taong mahalaga. Ang taong ESPESYAL kaya kong iwan, pero ang taong MAHALAGA, hindi ko kayang iwanan." -Tristan
"Naniwala ako sa'yo nun, naniwala ako sa mga sinabi mo na mas mahalaga ako sa kanya, na kaya mo siya iwan para sa akin pero sa ipinapakita mo ngayon, mukhang kabaliktaran yun ng ipinangako mo." -Allison
"Allison, always remember this okay? Hindi lahat ng sinasabi ng PUSO, TAMA. Minsan, pakinggan mo rin yung sinasabi ng isip mo. Kung iyon ang ikakabuti mo, kung yun lang ang tanging paraan para lang hindi ka masaktan, huwag kang matakot na sundin. Kung hindi ka mahal, then wag kang magpakatanga." -Cassie
"Please stay with me. Wag kang aalis. Gusto pa kitang makasama hanggang sa kahuli-hulihang hininga ng buhay ko. I want you to stay with me until the last day here in my world. Pagkatapos nito, ibabalik na kita sa kanya. Please konting panahon lang ang hinihingi ko, huwag mo muna akong iwan" -Ellaine
"Kahit kailan, hindi sumusuko ang isang pusong nagmamahal. Pwede syang mapagod, pwede siyang magsawa pero ang i-give up ang lahat, iyon ang hindi ko kayang gawin. At kung hindi man kami ang nakatadhana, gagawa't gagawa pa rin ang pagmamahalan namin ng way para maging okay kami sa isa't isa. Sabi nga nila, walang imposible sa taong nagmamahalan." -Allison
"Napapangiti kita, mapapatawad kita pero ang tanging bagay na hindi ko magawa ay ang pasayahin ka. Hindi ko kayang ilayo ka sa kanya, hindi maatim ng konsensya ko na ilayo ang bff ko sa taong tunay na nagpapasaya sa kanya. Kaya, ibabalik na kita. Go Babygirl, balikan mo na siya. Alam kong sa oras na ito, hinahanap ka na ni kuya, at gusto ko na sa oras na magkita kayong dalawa, sabihin mo na ang totoong nararamdaman mo." -Yohan.
***
Actually, last month pa itong nakatambay sa reading list ko and finally, I find time na to read this story again. Typical story as it is, sa haba ng synopsis, malalaman mo na ang laman ng kwento. Cliche pero, pinaiyak ako ng bongga. Hindi siya overly drama pero ramdam mo ang bawat scene ng story. Hindi man ganoon kabongga ang naging twist ng story, medyo naguguluhan ako sa pinapakita ng lalaki. Naiinis ako sa pagiging manhid niya. He's really an asshole for treating his wife like she was nothing. Basta, kumukulo dugo ko sa male lead.
External link --------->
If you like this story, Click VOTE/ DO COMMENT.
Happy reading! :)
BINABASA MO ANG
MUST READ STORIES
De TodoWhat's on MY list? I'm an avid reader of Wattpad since 2012. I've read a lot of stories, from popular ones to undiscovered. Obviously, merong tumatak sa isip ko at merong hindi, I have my standards and we have different point-of views. I've created...
