My Tag Boyfriend: Book 1 & 2 by MaevelAnne

15.4K 52 3
                                    

Title: My Tag Boyfriend: Book 1 & 2
Author: MaevelAnne
Genre: Romance, Teen fiction, Humor

¤ BOOK 1: MY TAG BOYFRIEND

Anong gagawin mo kapag may na-tag kang maling tao sa status mo sa Facebook? Ang masaklap pa nito, nabasa ng buong school yung status mo. Wait, nasabi ko na bang sikat at school heartthrob yung na-tag mo? At nasabi ko na rin ba na nag-I love you ka sa kanya with matching kiss smiley pa?

---

Favorite Quotes:

"Kaya ko nasabing strong point ng tao ang love kasi bigla nilang nagagawa ang bagay na hindi nila nagagawa noon. Na kahit na pagod na pagod tayo, makikita lang natin yung tao na mahal natin, bigla na lang tayong magkakalakas. Na kahit na gusto na nating sumuko, naramdaman lang nating yung suporta ng taong nagmahal sa atin, bigla tayong nagkakaroon ng pag-asa.Ang Love, kayang gumawa ng mga imposibleng bagay, na kahit na tayo, mga tao, hindi natin maiisip na gawin iyon." -Sitti

"Hindi sapat ang salitang I LOVE YOU para ipadama ko sa'yo kung ano yung ginawa mo sa akin, kung anong binago sa akin. Alam mo ba ginawa mo sakin? Hindi mo lang ako niligtas, hinayaan mo akong mahulog sa'yo" -Kaizer

"Gusto kong maging rason ng ngiti at saya para sa iba. Gusto ko na maging daan para mapaligaya yung ibang tao. Kahit na marshmallow ako sa susunod ko na buhay, magiging masaya ako at di magsisisi. Bakit? Kasi nakapagpasaya ako ng ibang tao." -Mobi AKA MM

"Friendship is the most important bond between two or more different person. Friendship is something that make us whole. The things that molds US to become who we are right now. Because without friendship, you will feel lonely and will be closed the opportunity of discovering yourself with other people. You'll miss the one chance of self-discovery." -Patty

"Ang love nasa tabi-tabi lang yan. Minsan pwede mong bayarin eh, yung iba mahihirapan ka pang kunin tapos bandang huli, iiwan ka pa. Hindi gaya ang tropa lagi silang nandyan sa tabi mo. Kahit na kayo-kayo na lang yun nagagaguhan, hindi ka pa rin nila iiwan. Na kahit magkakasakitan kayo, hindi mo pa rin magagawang bumitaw kasi mas higit pa sa pagmamahal sa tabi-tabi yung nararamdaman mo sa mga taong tinatawag mong kaibigan." -Kris

"Halimbawa sa pagmamahal, kung talagang mahal na mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para mahalin ka niya. Magiging masama ka man o mabuti sa paningin niya, hindi mo na maiisip yun. Kasi mahal mo siya, at handa mong isakripisyo ang magiging tingin nya sa'yo, maging SA'YO la png ang taong yun." -Margaret

***
¤ BOOK 2: MY TAG BOYFRIEND (Teaser Update)

Nagsimula ang kwento nila sa isang maling TAG na status sa Facebook. At magmula ng makilala ni Sitti ang ultimate hearthrob sa Eastton na si Kaizer Buenavista, gumulo na ang tahimik niyang Fb life.

Ang dating anti-social, walang tiwala sa sarili at babaeng laging binubully ay siya ngayon ang True Girlfriend ng pinakasikat, gwapo at pinakacool na lalaki sa eskwelahan nila.

Pero, sa pagpasok ng bagong semester, ito na rin ang magiging huling taon ng mga kaibigan ni Sitti sa Eastton, Ang huling pinakamakulit at magulong taon ng buhay niya sa college. Mukhang ito din ang pinakamahirap na taon para sa buhay ng ating mga bida dahil nagbalik na ang first love ni Kaizer.

Si Mia Valdez. Ang dating Queen Bee ng Eastton at most loved girl, isa sa pinakasikat na babae sa buong Eastton University.

Magagawa kayang ipaglaban ni Sitti ang relasyong meron sila ni Kaizer?

(ONGOING)

---

Exciting ang story na ito. Walang boring na chapter. Medyo nakarelate ako sa pagiging weirdo nitong si Sitti, mahilig din ako sa facebook, at sa wattpad. Mahilig akong mag-idolize ng fictional Character sa isang story. Naiisip ko din na mataas yung standards ko in terms of my ideal GUY. Sweet ng guy, naaalala ko naman si Bryle Stanford (Gf-for-hire) sa kanya. Crush ko na sila. Haha.

Overly kilig ang story, lalo na't mabilis ang pangyayari na nainlove agad sa isa't isa ang dalawang bida. Umiikot lang sa school life ang storya at ang pagiging buhay estudyante. Naalala ko noon ang highschool years ko, doon din ako natutong magkacrush. Hehe. Marami ka ding mapupulutang aral about how to gain friends and to gain self-confidence. Sorry eto ang unang beses na nabasa ko ang ganito kaya naaliw lang ako.

External link -->

If you like this story, Click VOTE/ DO COMMENT. Thanks.

Happy reading guys ♥

***
A/N:

Go Sexy, go sexy, go sexy sexy love!! Hahaha. Kiligmuch talaga! Sa wakas napanood ko na ang She's Dating The Gangster, Kyaaaaa ♥ Nakakakilig talaga ang loveteam ng Kathniel. Superrrr. As in. Hai. Unang scene pa lang, kakatuwa na. Lalo na yung Beeper mode na scene nilang dalawa, yung first kiss, tsaka yun hardcore na laro nina Kenji. Sweet talaga ni Bebelove Athena. Hehe :) Hay. Kung napapakilig man tayo, meron din konting drama, huhu. Eh kasi naman, bakit kung saan OK na sila, dun pa nagkaproblema. Ika nga nila, You met the right guy in a wrong time. hays. Bakit? Nagpalaya pa si Athena eh, Kahit alam niyang kailangan nya din si Kenji. Oh well, Super happy talaga akong napanood ko ang SDTG. Manood na din kayo :)))

MUST READ STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon