Science fiction? General history? Definitely, you'll gonna love this trilogy series.
Title: Philippines: Year 2300 (PUBLISHED IN PRINT)
Author: Empriel
Genre: Science fiction, Action, General Fiction
---
Synopsis:
Philippines: year 2300
Ang panahon kung saan ang Pilipinas ay nahahati sa tatlong paksyon na tila caste system na pamumuhay; una, ang mga bid (ang pinakamababang uri ng pamumuhay o ang pinakamahirap). Pangalawa, ang mga commoner (middle class na pamumuhay). At ang huli ang pinakamataas na antas ng pamumuhay, ang mga bidders. Kung bakit bidders? Sila ang may kakayahan para bumili ng mga bid o kahit na commoner para mailipat ang kanilang memory gene sa ibang katawan at masabing imortal sila. Ang mga memory gene na ito ay inimbento ng kumpanyang MEMO© na hawak ng kasalukuyang diplomatic government. Isang eksperimontong pumasa sa Europe at patuloy na ginagamit ng mga bidders upang mabuhay sa kahit gaano pa kahabang siglo.
Here's the link : (http://www.wattpad.com/story/9168468-philippines-year-2300-1st-published-sci-fi-from)
---
2 N D S E R I E S
Title: Philippines: Year 2302: Helena's Downfall
Synopsis:
Dalawang taon na ang nakakaraan matapos ang insidenteng naganap sa Pilipinas, natunghayan ng buong mundo ang pagbagsak ng isang diktador na nagngangalang Johan Klein. Sinubukan nitong manipulahin ang lahat ng gumagamit ng memory gene upang magkaroon ng pagbabago sa sistema ng buong mundo gamit ang MCM o Memory Control Maneuver. Ito ang programang ginawa ng MEMO upang kontrolin ang lahat ng tao sa mundo na gumagamit ng memory gene upang pabagsakin ang isang bansa, tanggalin ang mga balakid sa daraanan ng MEMO at gawing matiwasay ang pamumuhay ng bawat gumagamit nito sa paraan ng pagcontrol.
Hindi ito nagustuhan ng mga tao, bagkus ay ipinakita lamang ni Johan ang kung anong kayang gawin ng MEMO upang sirain ang sangkatauhan. Inalay niya ang sariling buhay para lang baguhin ang sistema ng buong mundo. Pinalabas niyang si Helena ang kumitil sakanya upang ito ang kilalanin bilang tunay na bayani. Lubos namang nalungkot si Helena sa ginawa ngunit naniwala naman ang mga tao na dahil sakanya ay nagkaroon ng pagbabago. Tuluyang bumagsak ang kompanyang MEMO. Naging panatag ang buhay ng bawat tao at tuluyan naring nasira ang caste system sa buong mundo na humati sa lipunan sa mahabang panahon. Naging tahimik ang bawat isa ngunit isang balita ang gumimbal sa buong mundo. Natuklasan ng gobyerno na nawawala ang MCM program, pinaniniwalaang ipinasa ito ni Johan Klein sa isang di kilalang tao na tinatawag na Subject 1. Dahil dito ay naglunsad ang pamahalaan ng bawat bansa ng ilang fact finding committees upang hanapin ang MCM program at alamin ang tunay na pagkatao ng Subject 1. Marami naring iba't-ibang organisasyon ang nakikipag-agawan sa naturang programa upang baguhin ito at i-hack upang hindi lamang DNA ni Johan ang makapag-activate sa naturang program. Ang mga di kilalang organisasyon na lumalantad sa lipunan ay patuloy din na naghahanap sa naturang programa na maaari nilang gamitin sa pansariling kapakanan at maaaring ikasira ng buong sangkatauhan.
Here's the link: (http://www.wattpad.com/story/13267327-philippines-year-2302-helena%27s-downfall)
---
3 R D S E R I E S
Title: Philippines: Year 2303: A Game of War
Synopsis:
Ikinagulat ng buong mundo ang muling pagbabalik ni Johan. Ang inakala nilang bayaning nag-alay ng buhay para sa pagkakaisa at kapayapaan ay muling gumising mula sakanyang mahimbing na pagkakatulog. Ito ay sa kadahilanang isang gyera nanaman ng buong mundo ang muling nagbabadya. Hindi nagustuhan ng karamihan ang pagbabalik nya. Ang iba naman ay humanga na lamang sa talino nya sa pagdedesisyon at pagpaplano.
Ngunit paano nya mapoprotektahan ang bansa laban sa mapanirang imperyo ng Europa kung kakaunti na lamang ang pwersa ng Pilipinas laban sakanila? May magagawa pa kaya ang isang tulad niya kung muling ibinabalik ng European Union ang MEMO© at ang memory gene upang hatiin muli ang sangkatauhan at mabuhay lamang ang mga mayayaman at patuloy lamang na maghirap ang mga bid? Magagawa niya kayang wasakin nang tuluyan ang sistemang ito ngayong muli siyang nagbalik? Mababago nya kaya ang lahat kahit na napahina ng nakaraang gulo ang pananaw ng mga Pilipino pagdating sa pakikipaglaban?
Here's the link: (http://www.wattpad.com/story/17289873-philippines-year-2303-a-game-of-war)
___
(PS: Ang mga pangyayari at mga karakter ng kwento, ay pawang kathang isip lamang)
Whew! Ang haba. Yan ang reaction ko when I read the prologue. Nalula agad ako sa definite words na ginamit ni author patungkol sa science. Futuristic concept with amazing plot. Ang setting din, technology enhanced. Napakalawak din ng imagination ni Author lalo na sa pagdedescribe niya ng pangyayari para lang nagdidiscuss lang sya ng history class sa kanyang mga estudyante.
I admit, na-hook ako sa storya na ito, lalo na't tungkol sa bansa ang naging sentro ng kwento. Ang pagkakaroon ng Caste system (Nilalarawan ang kaibahan ng mayayaman sa mahirap), political issues at walang kamatayang kahirapan sa bansa (dahil na din sa maling pamamalakad at kurakot dulot ng gobyerno). Tapos yung pagkakaroon ng memory gene ng isang tao na para lang pahabain ang buhay nito(May nabasa kasi ako tungkol sa paggawa ng memory chip na ilalagay sa utak ng tao) at prototypes. Alarming ang ganitong klaseng experiment dahil isa itong paglabag sa karapatang PANTAO, pero di mawawala ang posibilidad may ganito na mangyayari sa future. Realization hits me while reading this story; nagsisilbing eyeopener itong kwento para ipaalala sa atin na TAYO ang gumagawa ng sarili nating kapalaran. Maraming twists ang kwento na lalong nagpanabik sa akin para alamin ang susunod na mangyayari.
Gusto ko ang karakter ni Johan, ang pagiging makatao niya at ang pagmamahal niya sa bansa. Nakilala niya si Helena, ang babaeng niligtas niya, at ang babaeng may angkin lakas at bilis ngunit wala din itong maalala sa nakaraan niya. Iisa ang kanilang layunin - ang puksain ang kompanyang MEMO at ibalik ang demokrasya sa bansa.
Medyo mahaba ang story, buti nalang tagalog ang choice of words ni Author, mas mafefeel mo kasi ang intense na pangyayari. Na incorporate din ni Author ang issue patungkol sa hidwaan ng Pilipinas sa ibang bansa. May isang scene lang na NAGUSTUHAN ko talaga- ang pagkakasundo ng iba't ibang bansa para sa iisang layunin-World Peace. ■
External link here
If you like the stories, click VOTE/DO COMMENT
Happy reading guys ♥
BINABASA MO ANG
MUST READ STORIES
AcakWhat's on MY list? I'm an avid reader of Wattpad since 2012. I've read a lot of stories, from popular ones to undiscovered. Obviously, merong tumatak sa isip ko at merong hindi, I have my standards and we have different point-of views. I've created...
