Baka Sakali: book 1-3 by jonaxx

27K 148 32
                                        

Title: Baka Sakali, Book1&2
Author: jonaxx
Genre: Romance, Drama

Ang pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kung may maibabalik paba sayo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumugal at natalo. Pero ganun paman, tulad ng sugal, kahit walang kasiguraduhan, marami paring umiibig, marami paring sumusugal. Dahil... Baka Sakali... Baka Sakali...

***

Natagpuan ko ang sarili kong binabasa ang story dahil sa Sparkling Abs ni Jacob Buenaventura. Kinikilig ako! Two Thumbs Up, Author. Galing mo talaga gumawa ng story, Ate Jonah. Natatawa ako at nacucurious at the same time, so is it all about those abs? Di ako naka moveon kay Wade, pati ba naman si Jacob.

Simple lang ang plot ng story, lalo na sa Alegria ang setting kung saan doon nagkakilala ang dalawang bida. Hindi ko alam kung saan lupalop ng Pilipinas yun. (At bibili ako ng ticket papunta dun. lol)

Di na nakapagtatakang naging 'hit' ito, lalo na't pang teleserye ang concept ng story. I think may similarity sila ng story ng End this war ni Hector Dela Merced. (Siguro dahil sa Alegria din ang setting sa story). Hindi siya overly drama pero siksik naman sa kilig. Sa kainosentehan palang ni Jacob, mapapangiti ka nalang. May konting twist sya na sumubok sa relasyon ng dalawa. I want those sudden rush of excitement 'pag nababasa ko ang effort na binibigay nila for their relationship.

On Book 2, Medyo may konting pagbabago kung saan nagsimula na ang pagdududa at pagseselos. Nakatuon na sa kwento ang kanilang career na lalong nagpatibay sa kanila. At hindi pa din mawawala ang kilig nilang dalawa.

Sa book 3, Teka,  binabawi ko na, nagtampo ako kay Jacob dito, as innnn. Feeling ko ako si Rosie tapos ayoko nang makita ang sparkling abs niya, pakiramdam ko gusto ko ata siyang ibaon siya sa lupa ng Alegria. Ewan ko, nasaktan ako para sa nangyari. I can't blame Jacob since he was heartbroken since Rosie left him to chase her dreams. Pero bakit merong agad? Basta, galit ako sa kanya dito! Grr

External link ------>

If you like this story, Click VOTE/ DO COMMENT.

Happy reading! :)

MUST READ STORIESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon