"Reign baba na baka ma late ka"
"Opo ma pababa na po" mahinahong sabi ko sa kanya.
Tumayo ako at nagunat muna ng katawan bago dumeretso sa Cr para maligo
'ano kaya itsura ng school na papasukan ko tsk' sabi ko sa sarili at itinuloy nalang ang pagliligo
Pagkatapos kong maligo dumeretso na ako sa baba para kumain ng umagahan nakita ko si Mama sa Kitchen na nagtitimpla ng gatas
"Ma ano sa tingin mo ang itsura ng papasukan kong paaralan??" Tanong ko kay mama lumingon sya sakin at ngumiti.
"Diko rin alam nak eh pero siguro nman maganda yun nak" sabi nya sakin at tinuloy ang pagtitimpla ng gatas
"Ahh ok ma hehe" sabi ko at kumain na
Pagkatapos kong kumain iniabot na rin sakin ni mama ang gatas
"Lamat ma" maikling sabi ko nginitian nya lng ako
"Ma ihahatid mo po ba ako sa school?" Tanong ko kay mama habang umiinom ng gatas
"Sorry anak eh wala tayong sasakyan para maihatid ka ang mabuti pa sabay nlang kyo ni Eunae" sabi nman nya
"Ahh sge po ma,nasan nga pala si kuya?" Tanong ko
"Ah nasa taas pa eh tulog pa ang aga mo kase eh" sabi nya at itinuro pa ang pangalawang palapag
"May Kailangan ka Nahyun??"
Gulat akong napatingin sa Hagdan nakita ko si Kuya na nagkukusot pa ng mata halatang bagong gising ^__^
"Ah wala nman kuya" sabi ko at nginitian sya
Pumunta sya sa sala at nagtimpla ng kape
"Bkt di ka pa umaalis?" Tanong sakin ni Kuya habang nagtitimpla
"Ah umiinom pa ako eh hehe" sabi ko at itinaas pa ang gatas
"Ok" sabi nya at umupo sa harapan ko
"Wag kang makulit dun Nahyun ah magsumbong ka sakin pag may umapi sayo" dagdag pa ni Kuya
"Kailan ako naging makulit kuya haha promise kuya di ako gagawa ng masama" sabi ko sa kanya na itinaas pa ang kaliwang kamay.
"Good" sabi nya at nginitian ako
Tinuloy ko nlang ang paginom ng gatas para di nman ako malate.pagtapos kong uminom nilagay ko sa lababo ang gatas at dumeretso sa inupuan ko kanina para kuhain ang bag ko sinabit ko ito sa Likod ko at lumapit kay mama
"Ma alis na po ako byee" sabi ko at lalabas na sana ako ng magsalita si Kuya
"Di moko papansinin?" Seryosong tanong sakin ni Kuya
"Ahahaha sge bye kuya bye ma" sabi ko
"Sge nak ingat ka ah" mama
Lumabas na ako ng bahay at dumeretso sa bahay nila Eunae.
Pagdating ko sa kanila kumatok muna ako.
"Tao po!" Sigaw ko
Ilang sandali pa't bumukas na ito
"Oh Nahyun!!!!!" Sigaw ni Eunae at napangiti nman ako
"Namiss kita Nahyun" sabi nya at niyakap pa ako ng mahigpit
"Namiss din nman kita Eunae" sabi ko
"Hintayin moko dyan,kuhain ko lng bag ko" Eunae at tumakbo papasok ng kwarto nya.
"Oh Nahyun? Nandyan ka pala pasok"
Napatingin ako sa kung sino ang tumawag sakin.
"Hi po tita Eunice" nakangiting bati ko sa kanya at pumasok na ako sa bahay nila kahit sabi ni Eunae na sa labas lng ako eh no choice
