Kinaumagahan ay tinulungan ko ang katulong nila na magluto ng agahan. Alas kwatro yata ako nagising kanina at agad akong nagtungo sa Gym nila Clarisse, pagkatapos kong magwork-out ay napaghinga ako sandali at nagshower na.
"Paki handa nalang yaya sa lamesa tapos ay paki abot naman iyong Chocolate Syrup" inilabas ko na ang mga plato at tsaka ibinigay ito sa isa sa mga kasambahaya. Agad naman nyang nilagay sa lamesa habang iyong inutusan ko na abutin ang Chocolate Syrup ay iniabot naman saakin.
Mahilig ang kambal na lagyan ng Chocolate Syrup ang pancake nila. Palibhasa noong pinagbubuntis ko ang dalawa halos makaubos na ako ng ilang bote nang chocolate syrup pero mabuti nalang at di sila naging kulay chocolate.
Namana ni Zachary ang pagiging moreno ni Zeon habang namana naman ni Zara ang pagiging maputi ko. Ang features nga lang ni Zara ang hindi nya namana saakin dahil halatang halata na kamukha nya si Zeon. Habang si Zachary naman ay hati, pinaghalong features namin ni Zeon si Zachary.
Habang abala ako maglagay ng Chocolate Syrup sa pancake ng kambal ay abala din maglagay ng pagkain sa mesa ang mga kasambahay. Nang natapos na ako sa paglalagay ng Chocolate Syrup sa pancake ay naghugas ako ng kamay bago nagtungo sa kwarto para gisingin ang kambal.
Kanina pa kasi umalis si Clarisse. ewan ko don kung saan pupunta pero for sure hindi sya pupunta sa company nya at sa hospital dahil naiiyak lang daw sya kapag nakikita nya si Christine. Hinayaan ko nalang syang umalis, kaya naman nya sarili nya. Hindi ko na din sya kinulit kung saan sya pupunta pero sinabihan nya lang ako na dito daw sya sa bahay niya kakain ng lunch.
So maybe before lunch baka nandito na yon. Pumasok na ako sa loob ng kwarto at ginising na ang kambal.
"Zara... Zachary... babies wake up na. Its time to eat breakfast na. Come on. Up! Up!" kinusot kusot muna nila ang kanilang mga mata bago maupo at ngumiti saakin.
"Goodmorning Mommy!!!" nakangiting bati saakin ni Zara sabay yakap saakin at halik sa pisngi ko. May namana pala sya saakin bukod sa skintone ko, namana nya man lang saakin ang kulay ng mata ko, hazel brown eyes.
"Goodmorning Mom! Love you!" napangiti ako sa sinabi ni Zachary, namana nya ang pagiging sweet at malambing saakin eh. Sana hindi sya magbago kapag lumaki na sya. Para kasing hinahatak ang oras! Yan tuloy at ang bilis bilis nilang lumaki! Kainis.
"Tara na sa baba at inihanda ko ang paborito nyo." nagunahan sila palabas ng kwarto kaya natawa nalang ako. Hinabol ko ang dalawa na nagtatakbuhan pababa ng hagdan.
"Be careful!!!" sigaw ko sakanila pero makulit ang dalawa at nagtatakbo pa din pababa. Nang tuluyan na silang nakarating sa dining area ay agad nilang kinain ang pancake at parehong tuwang tuwa.
Inilagay ko sa gitna nila ang Chocolate Syrup dahil panigurado ay magpapapak na naman ang dalawang ito pagkatapos. At tama nga ako dahil pagkatapos nila kumain ng pancake na inihanda ko ay pinapak nila ang chocolate syrup.
"Here, drink." inilapag ko ang baso ng tubig sa unahan nila at ininom naman nila agad ito. natutuwa akong pagmasdan sila. sarap na sarap kasi sila sa chocolate syrup at parang hindi nagsasawa.
Nagpunas ng labi si Zara tapos ay tiningnan ako, "Mom, why are we here?" nagiisip palang ako ng isasagot ko nang may biglang sumulpot sa may pinto at nagsalita.
"Kasi namimiss kayo ni Tita Clarisse nyo" i mouthed 'thank you' kay Clarisse and she just winked at me. Agad nagtatakbo yung dalawa papunta kay Clarisse. Lumapit ako sakanila at nakapulupot pa din yung kambal sa magkabilaang braso ni Clarisse.
BINABASA MO ANG
Behind her Smile
FanfictionBehind her smile is a hurting heart. Behind her laugh she's falling apart. Copyright © 2018