Chapter 15

788 21 0
                                    

Tanging liwanag nalang ng buwan ang nagbibigay ilaw sa aking silid. Kahit hindi pa ako masyadong malakas ay pinilit kung tumayo at magtungo sa may balkonahe ng aking kwarto.



Ngayon ko lang narealize na dinala nya pala ako dito sa bahay ko. Dinama ko ang simoy ng hangin. Pumikit ako ng mariin at niyakap ko ang aking sarili.



Nasa kalagitnaan ako ng pagienjoy sa simoy ng hangin ng nadinig kong bumukas ang pintuan sa may CR kaya napalingon ako doon. Lumabas doon si Zeo na walang suot na pang itaas at tumutulo ang tubig galing sakanyang buhok.



Anong oras na ba at bakit nag shower sya? Hindi ko nalang sya pinansin at tinitigan nalang ang buwan na sobrang liwanag at bilog na bilog. Natutuwa ako sa pagtitig sa buwan ng may biglang yumakap saakin patalikod na syang ikinagulat ko.



Ipinilig ko ang ulo ko para silipin kung sino ito kahit pa alam ko naman na kung sino, "Zeon, ano na naman ba?" mataray kong tanong sakanya pero isiniksik nya lamang ang mukha nya saaking leeg.



Para akong nakuryente na hindi ko maintindihan. Huminga ako ng malalim bago pilit na tinatanggal ang kanyang pagkakayakap. Ang kaso lang sa tuwing pipilitin kong tanggalin ay mas lalo nyang hihigpitan ang yakap nya saakin.





Yung higpit na alalay dahil nga buntis ako at baka madiinan ng sobra ang tyan ko. Damang dama ko ang init ng paghinga nya sa leeg ko. Mas nadama ko ang bawat hinga nya nang biglang humampas saaking katawan ang malakas na hangin. Malamig ang hangin ngayon, marahil siguro ay madaling araw na. Hindi ko alam.



Huminga ng malalim si Zeon sa leeg ko at tsaka ipinatong ang baba nya sa balikat ko. Mas lalo nyang inilapit ang katawan ko sa katawan nya. "Let's just stay like this for awhile." ani nya. wala naman akong nagawa kundi pumayag. Malakas ang pwersa nya kaya useless lang din kung manglalaban ako para lang makatakas sa mga yakap nya.





Kahit pa hindi din naman ako pumayag sa gusto nya ay hindi pa din naman nya ako pakakawalan. Ganyan naman sya lagi eh. Nakakairita at Nakakabwisit pero.... hay.




"I missed you. I missed this. I missed us." doon nalang ako tuluyan ng napairap.



"Zeon, bitaw." mariin kong utos sakanya pero hindi pa din nya ako pinakawalan bagkus ay sinimulan nyang halikan ang aking leeg kaya bigla kong napilig ang ulo ko ng wala sa oras.



Hinampas ko ang kamay nya na nasa tyan ko, "Zeon! Ano ba! Sabing bitaw!" sigaw ko sakanya pero hindi pa din sya nakikinig.



"Ano bang problema mo ha?! Pwede ba tumigil ka na! At tigilan mo yang ginagawa mo! Gosh!" inis kong sigaw sakanya at bigla naman sya napahinto at pinakawalan ako.



Pero akala ko lang pala na pakakawalan nya ako dahil hinandig nya ako sa may pader at kinulong sa mga bisig nya.



"I'd rather stay here at home and take care of you. You like
that?" sa sobrang lapit ng mukha nya ay doon ko na nakumpirma na lasing nga sya.



Hinimas nya ang pisngi ko pero ilang beses akong umiwas sa mga haplos nya. There is something about his touch. And i hate that something.



"What do you want?" I asked him and he just smiled at me. Hinapit nya ang bewan ko at isang maling galaw ko lang ay lalapat ang labi ko sa labi nya.



Amoy na amoy ko ang body wash nya pati ang kanyang hininga. Sanay na ako sa mga ganitong galaw nya pero ngayon iba. May iba.



He then smirked at me, "What if i say, i want you? What will you do?" malambing nyang sabi. nakatitig lang ako sa mga mata nyang nakakaliyo. pilit kong iniiwas ang tingin ko sakanya pero lagi nyang nahuhuli ang mga mata ko.




Behind her SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon