Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sofa kanina. Ni hindi man lang ako dinala sa kwarto nung gunggong na yon?! Pagkagising ko ay dumeretso agad ako sa kwarto ko para sana doon ipagpatuloy ang pagtulog ko.
Kaso tinawag ako ni Zeon na ngayon ay nasa kusina at naghuhugas ng pinggan. Nilingon ko sya. Inaantok pa din talaga ako! Ano ba yan.
"Pupunta tayo mamaya sa The Venenian Casino and Grand Canal. Hindi naman pwedeng magstay lang tayo dito sa hotel ano." tamad akong tumango tapos ay pumasok na sa loob ng kwarto.
Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at niyakap ang unan ng mahigpit. Naamoy ko ang pabango ni Zeon, malamang maamoy ko yan eh dito yan natulog kanina eh. Kaso sa kasamaang palad ay hindi na ako hinahatak ng antok. Bwisit akong umupo sa kama at sumandal sa headboard.
"Tragis naman eh! Inaantok pa ako eh!" napaka bastos ng mata ko at kaluluwa ko hindi sumusunod saakin?! Siguro utak ko lang talaga nagsasabi na inaantok ako pero hindi naman talaga.
Nang maalala ko ang sinabi ni Zeon ay agad akong nagpunta sa may bathroom para magshower at inayos na ang sarili ko. Nagsuot lang ako ng halter top and denim na jeans tapos pinartneran ko ng vans na color white. Kinuha ko ang shoulder bag ko na niregalo saakin ni Clarisse noon at inilagay ko doon ang phone ko at wallet ko at iba pang kaartehan ko sa buhay.
And i also brought my Canon EOS 100 to take some pictures because i love taking pictures and treasuring them. As i finished fixing myself, the door opened.
"I see, you ready?" i nodded at him before turning off the aircon sa room namin. Naglahad sya ng kamay at noong una ay tinitigan ko lang ito pero kalaunan ay tinanggap ko naman ito.
Lumabas kami ng hotel ng mga kotse nang naka abang saamin sa baba. Pumasok kami sa loob ng kotse at sya ang nagdrive.
"Akala ko may driver" sabi ko sakanya habang naglalaro sa phone ko.
"Akala mo lang yon" mahina nyang sabi pero sa toni nya alam kong nairita sya. Umiling nalang ako at nagconcentrate sa paglalaro. Maya maya ay huminto nalang bigla ang sasakyan at paglingon ko ay wala na sya sa tabi ko.
Tinanggal ko agad ang seatbelt at sya namang pagbukas ng pintuan sa gilid ko. Ang bilis nya ha?
"Lets go" inalalayan nya ako habang naglalakad. parang tanga sya. di naman ako matatapilok ano.
"Para kang tanga. Bitawan mo nga ako. Di naman ako mawawala, siraulo na 'to." hindi nya ako pinansin. hindi nya pa din binibitawan ang kamay ko.
Ano pards nagienjoy ka sa paghawak sa kamay ko? Mygosh ha! Chansing na sya! Hinayaan ko nalang sya dahil hindi naman yan papatinag. Kahit anong kulit ko sakanya, kahit siguro mageskandalo ako dito ay wala pa din. Di nya pa din bibitawan ang kamay ko.
Nagulat ako ng lumapit kami sa isang boat. May lalaking nandoon at may hawak ng sagwan. Nakakunot noo akong nakatingin ngayon kay Zeon pero kumindat lang naman sya. Pesteng 'to.
Wala akong alam kung anong gagawin namin dito sa Las Vegas sa Dalawang buwan naming pag stay dito. Boring nga eh. Las Vegas lang? Psh. Later on, nagsimula ng magsagwan ang lalaki at hindi pa din binibitawan ni Zeon ang kamay ko.
I poked his cheeks to get his attention, "Please let go of my hand. I wont run away from you and I wont go anywhere. No one's going to kidnapped me, Takot lang ng mga yun sayo." i whispered the last sentence for him not to hear it.
BINABASA MO ANG
Behind her Smile
Fiksi PenggemarBehind her smile is a hurting heart. Behind her laugh she's falling apart. Copyright © 2018