Chapter 18

789 12 0
                                    

"Mommy!!! Wakey wakey!!!!" sabi ng isang maliit ang boses. Naramdaman ko ding nagbabounce ang aking kama.




"Argh! 5 more minutes!" I groaned as the noise gets more louder. I slowly opened my eyes and ang labo ng nakikita ko kaya kinusot ko ang aking mga mata.




Inilibot ko ang paningin ko tapos ay nakita ko ang kambal na tuwang tuwa kakatalon saaking kama. Sila pala ang dahilan kung bakit nalugdo ang kama ko. Umupo ako at itinali ang aking buhok. Pinagmasdan ko lang sila.




Inaantay kong mapansin nila ako at nang talagang hindi pa talaga nila ako pinapansin ay kinalabit ko na yung dalawa.




"Hala, Mommy! Gising ka na pala hehehe" Zara said and then she giggled. I smiled at her kahit pa antok na antok pa ako.




I checked the time. It's already 8 in the morning. I closed my eyes for a second tapos ay hinalikan ko ang noo ng dalawa bago magtungo sa banyo para gawin ang morning routine ko.




Nang matapos na ako ay agad ko silang hinila pababa. Nasa hagdanan pa lamang ay amoy na amoy ko na ang aroma ng pagkain. Parang alam ko na kung sino ang nasa kusina at para makasigurado akong tama ang hinala ko ay nagtungo ako doon habang hawak hawak ko pa din ang kamay ng dalawang bata.




Bumitaw ang dalawa at nagtatakbo papalapit kay Zeon na ngayon ay walang suot pangitaas tapos ay nakasuot lang ng Apron. Nagpangalumbaba ako sa may counter top at pinagmamasdan lang syang sinasaway ang mga bata dahil kung ano ano na naman ang hinahawakan sa kitchen.




Kumunot ang noo ko ng makitang naka boxers lang sya, "Mister, sino nagsabing mag boxers ka lang tapos nakatopless ka pa?" nagulat ko ata sya kaya agad nya akong nilingon. Lumunok sya sandali at sinuri ako.




Tinaasan ko lamang sya ng kilay bago umikot at lumapit sakanya. Umalis ang dalawang bata habang ako naman ay sumandal sa kabilang side ng counter top at nakaharap sakanya habang naka ekis ang aking mga kamay sa may dibdib ko.




"Uhhh a-akala ko k-kasi mamaya ka pa gigising" anong meron at parang nagaalinlangan sya ngayon magsalita?




"Para kang tanga. Maganda gising ko ngayon kaya wag mo lang sisirain. Sige na tapusin mo na yan, nagugutom na kami ng anak mo." tinalikuran ko sya at nagpunta sa may garden para magpahangin. Dahil maganda ang sikat ng araw at maganda din ang mood ko. Diniligan ko ang mga halaman at para akong siraulong kinausap pa ang mga ito.




Halos isang oras na din ako dito sa may hardin ng napagadesisyunan ko nang bumalik sa loob. Dumeretso agad ako sa dining area at nandoon na ang mga bata, nakaupo at hinahantay na ihanda sa harap nila ang pagkain.





Kinuha ko ang dalawang platong nakita ko sa may counter top at ako na ang naglagay nito sa lamesa. Kumain naman agad ang kambal na animo'y parang hindi pinakain ng magulang. Hinarap ko ngayon si Zeon na abala sa paglalagay ng almusal namin sa isang plato.




Nag fake cough ako para maagaw ko ang atensyon nya, "Sino naghatid sa kambal?" sumulyap sya saakin sandali at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.




"Dinala kanina ni Mommy dito ang kambal at may ibinigay din saakin." saad nya habang inilalapag ang plato sa may lamesa. Pumwesto na sya sa harap ng hapag kainan at ganoon na din ang ginawa ko.





Dahil mahaba ang mesa ay ang katabi ko si Zara habang sa katapat ko naman ay si Zeon na ang katabi ay si Zachary.





"Ano ang ibinigay sayo?" paguusisa ko pa habang ngumunguya. Bumuntong hininga sya at tumayo. Napakunot naman ang noo ko kaya sinundan ko sya ng tingin at nakita kong may kinuha sya sa may ibabaw ng glass cabinet kung saan nakalagay doon ang mga bagong kasangkapan sa pagluluto.




Behind her SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon