Chapter 2

1.2K 39 0
                                    

"Alam mo ba! Itong shi ano HAHAHAHA shi ano nga kashi HAHAHAHA bashta shaaaaa" Napasapo ako ng ulo ko dahil kay Rafaela. Peste. Lasing na ang gaga.


"Dalhin nyo na 'to sa kwarto nya bago pa makagawa ng eksena. Dahil pag nagkataon magiging laman yan ng news. Gusto nyo bang makabasa nang mga masasamang batikos sakanya? Ha?" sabay sabay silang umiling kaya napangiti ako. tinanguan ko si Finn at Jeanette.


"Kayo nalang maghatid dyan. Hindi ka pa naman lasing Finn hindi ba?" natawa sya nang mahina at kunirot ang pisngi ko sabay iling.


"Hatid na namin ang isang 'to. Sige na." tumango kaming lahat at kinarga na ni Finn si Rafaela habang nakasunod sakanya si Jeanette.


Tinungga ko ang Vodka na nasa baso ko. Nagpalagay pa ako at tinungga ko ito hanggang sa nakailang tagay na ako at hindi pa din na tigil sa paginom.




"Mamsh, sayaw lang kami nila Christine ha?" pagpapaalam saakin ni Clarisse at ikinumpas ko nalang ang kamay ko na parang sinasabing lumayas na sila at bahala na sila sa kung ano ang gusto nilang gawin. Tiningnan ko ang magkabilaang gilid ko at tsaka ko lamang napansin na wala na pala akong kasama dito.


Tumayo ako at binitbit ang bag ko tsaka nagtungo sa Comfort Room para mahimasmasan dahil panigurado baka mamaya ay tuluyan na akong malasing. Kasalukuyan akong naglalakad papuntang CR ng may nakabangga saakin.


"Ugh! Ano ba naman yan!" iritado kong sambit at inayos na lamang ang damit ko pagkatapos ay nilampasan na lamang ang bumangga saakin. Dumeretso na lamang ako sa paglalakad hanggang sa nakapasok na ako sa loob ng CR.



Pumunta ako sa cubicle, iyong nasa pinaka dulo. Pumasok ako doon at syempre umihi, ano pa bang gagawin sa loob ng CR?. Alangan naman magwalwal ako dito ano. Hay nako. Pagkatapos kong magwiwi ay lumabas na ako at inilapag ko sa may hindi basang parte ng hugusan ng kamay ang aking bag.


Inilabas ko ang aking make up remover at para matanggal ang make up ko pagkatapos ay tinanggal ko ang lipstick kong pula at pinalitan ito ng korean liptint, iyon nalang ang nilagay ko saaking labi para magmukhang natural. Inilugay ko ang aking buhok na medyo wavy ang dulo, kulay itim ngunit mayroong nakahalong kulay na brown at pagkatapos ay sinuklay ko ito para mas maayos tingnan. Napangiti ako nang nakuntento na ako sa nakita ko sa salamin.



Lumabas na ako sa Comfort Room at bumalik na sa pwesto namin kanina pero nagulat ako dahil wala pa ring katao tao doon. Kinuha ko ang phone ko sa loob ng bag at tinext ko si Clarisse. Umupo muna ako sa upuan bago ako magtipa saaking telopono.

To Clarisse:
Where are you?



Nag antay ako ng ilang minuto pero hindi pa din ito nagrireply. Nagintay pa ako ulit pero wala pa rin talaga! Nasaan ba ang mga ito! Impossibleng kasama nila si Russel at Leonardo dahil kanina pa yon wala at pupusta ako na maaga yon na knock out dalawa! Pareho yong stressed sa buhay nila eh. Pero si Clarisse at Christine! Ugh! Asan na ba yon!



Halos magiisang oras na din akong nagaantay ng reply nila dito pero wala pa din akong natatanggap. Nagsimula na akong kabahan at tinadtad ko na sila ng text. Hindi nila ugaling hindi magreply! Maliban nalang pag may tampuhan or busy sila, pero kahit busy sila o may ginagawa nagagawa pa din nilang magreply! Damn it!


To Clarisse:
Where the hell are you?!

Asan ba kayo?!?!

Behind her SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon