Chapter 22

644 20 0
                                    

Umuwi kami sa hotel na mugtong mugto ang mata ko kaya pinagtitinginan kami ng mga taong nakakasalubong namin at nakakasakay namin sa elevator.


More like ako lang pala ang tinitingnan. Sino ba namang hindi mapapatingin saakin kung mugtong mugto ang mata ko? Inilugay ko na at lahat ang buhok kong naka pony tail kanina pero napapansin pa din ng mga tao ang mata ko.



Nang tumunog na ang elevator at huminto na sa floor kung nasaan ang room namin, agad akong lumabas at inunahan ko sa paglalakad si Zeon. Iniswipe ko ang card at bumukas na ang pintuan. Agad akong pumasok at nagdire diretso sa kwarto. Nilock ko ito at doon na umiyak ng umiyak.



Natatakot pa din ako. Hindi ko alam kung saan ako natatakot ngayon dahil sa sobrang dami ko nang naramdaman hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat at nararapat kong maramdaman ngayon. Ang tanging gusto ko nalang gawin ang umiyak dahil hindi na kayang iexplain ng salita ang nararamdaman ko!



Umiyak lamang ako ng umiyak hanggang sa wala na akong mailabas na luha. Napatulala ako sa may labas at hindi umiimik. Ang naririnig ko lamang ay ang tunog ng aircon, tunong ng orasan, mga maiingay na tao sa baba ng hotel at ang aking mabibigat na paghinga.




Nahiga na lamang ako sa kama at nagtalukbong ng comforter. Inakap ko ang unan sa gilid ko at ibinaon ang pagmumukha ko doon. Natatakot ako sa bawat sulok ng buhay. May katotohanan lahat ng sinabi ni Zeon kanina pero hindi ako gago para aminin iyon sakanya.




Ayoko syang papasukin sa buhay ko tapos ay pag nagsawa na sya saakin at narealize nya na toxic ako ay bigla nalang nya akong iwan ng walang pasabi at bigla nalang magiba ang turing nya saakin. Ayaw ko mangyari yon. Kaya nga kahit ayaw ko syang mawala saakin, kahit labag sa loob ko ay ipagtutulakan ko nalang sya palayo. Parang hanggat maaga pa ay masanay ko na ang sarili ko na wala sya.




Iyong tipong alam ko namang wala syang kasalanan eh. Wala syang kasalanan sa nangyari pero ginagamit ko lang yun na dahilan para mapalayo sya saakin. Kahit saakin lang, wag na sa mga bata. Ang hirap maging ako. Ang hirap hirap maging isang katulad ko, na bawat nararamdaman ay itinatago sa bawat ngiti at sa huli kapag iexplain na sa ibang tao ay hindi ko na magagawa dahil naghahalo halo na ang nararamdaman ko.




Natigil ako sa pagiisip ng biglang tumunog ang phone ko, "Hello?" medyo paos pa ang boses ko dahil galing lang sa kakaiyak.



"Hey... What happened?" tiningnan ko ang caller id at si Clarisse pala ang tumatawag.



"Huh? Wala ano nanood kasi ako ng The Notebook tapos naiyak ako ng sobra. Nakakaiyak pala yon ano?" pagsisinungaling ko. kinagat ko ang thumb ko dahil kinakabahan ako, sana maniwala sya.




"Ikaw talaga! Ilang beses mo na napanood yan pero naiiyak ka pa din! Hay nako, Isla Felice." nakahinga ako ng maluwag dahil naniwala sya sa alibi ko.



"Bakit ka nga pala napatawag?" pagiiba ko sa usapan. nadinig ko syang bumuntong hininga at inaantay ko lang ang sasabihin nya.



"I was just checking if you're okay and looks like you are naman. Basta girl if you need anything, i'm just one call away. Okay?" malambing nyang sabi. tumango ako kahit alam kong hindi nya ako makikita. tinakpan ko ang bibig ko dahil nagsisimula na naman akong humikbi.



Suminghot ako ng sipon at kinalma sandali ang sarili, "O-okay. Thank you. Love you and See you soon. Balitaan nyo nalang ako a-about kay C-christine" mabilis kong ibinaba ang phone ko at inend ang tawag.



Nagsimula na naman akong umiyak. Pakiramdam ko hindi ko sila deserve. Hindi ko deserve ang mga taong katulad nila. Toxic ako at wala akong binigay sakanila kundi puro problema at sakit at alalahanin. Lagi nalang silang nagaaalala saakin. Lagi nalang ako ang inaaalala nila kung okay ba ako o hindi. Lagi nalang nila akong iniisip bago ang sarili nila.




Behind her SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon