Epilogue

1.1K 21 0
                                    

After 7 Months......

"Anak ka nga talaga ng magulang mo! Ano ba Isla Felice! Maupo ka nga lang dyan! Abay baka nakakalimutan mo na kabuwanan mo na ngayon ha?! Ay jusko! Nagiinit ulo ko sayong bata ka!" Galit na galit na sabi ni Mama. Napakamot nalang ako sa ulo ko at naupo sa sofa.



"Ma! Wag ka ma stress dyan. Doctor ako at alam ko kung kailan ako manganganak. Gamay na gamay ko na 'to. Ano ka ba naman." natatawa kong sabi sakanya pero syempre medyo pigil ang tawa ko kasi baka may lumipad na kung ano sa maganda kong mukha.




"Hay nako kang bata ka! Asan ba ang asawa mo ha! Napaka tigas talaga ng ulo mo! Ay jusko! Wag sanang mag mana sayo yang anak mo baka mas lalong pumuti ang mga buhok ko! Mordecal!!! Asan ka ba hoy! Ang tigas ng ulo ng asawa mo! Mygoodness!" nagkunwaring nagistress saakin si mama at nagpaypay pa sa sarili nya. Nakakaloka. Late ang reaction nya ha!



Nanganak ako sa Kambal hindi naman sya ganyan ka OA. Ewan ko ba dyan. Napairap ako ng umiling ang ulo ko. Dumating si Zeon na karga karga si Zachary. Galing sila sa taas tapos ng makababa na sila dito ay ibinaba na nya si Zachary at lumapit na saakin.




"Hindi pa naman pumuputok ang panubigan mo ano?" halatang natataranta din sya kaya nakatanggap sya ng batok sakin.



"Isa ka pa eh!" pilit syang ngumiti saakin at titingin ulit sa pagitan ng mga hita ko. Napapailing na lamang ako.




Tumayo ako at nagpatuloy sa kakalakad. Hindi ko din alam kung bakit sila natataranta eh. Hay nako talaga. Lakad lang ako ng lakad ng walang katapusan.



Lakad ako papuntang Garden tas babalik sa kusina tas pupunta sa Swimming Pool tas paakyat panaog sa hagdan tas magtutungo sa may library tapos babalik na naman sa baba tapos aakyat naman tas pupunta sa kulungan ng mga aso namin tas punta sa living room sunod dining room tas sa parking space tas sa
may labas ng bahay tas balik ulit sa loob.



Ang OA nga nila eh. Buti nga naaappreciate ko ang kagandahan ng pinatayo kong bahay. Ngayon ko lang nga naappreciate tong bahay ko, ewan ko ba. Nasisiraan ata ako ng bait eh. Hay nako talaga. Kasalukuyan na akong naglalakad papunta sa may living room, biglang hinawakan ni Maddox ang braso ko dahil nakasunod lang naman sya saakin all the time!



"A-anong nangyayari sayo?" tanong nya. Pakiramdam ko namumutla na ako na ewan. Napakapit ako sa muscles nya at nadinig ko nang sumigaw si Mama.



"Ihanda nyo na ang sasakyan!!!!!! Pumutok na ang panubigan ni Isla!!!!" sigaw nya kaya nataranta ang mga tao sa bahay. Hindi nila alam kung saan ba sila pupunta or ano.




Nakalimutan ko ding sabihin na nandito pala ang mga walanghiya kong kaibigan.



Third Person's POV

Nataranta ang mga taong nasa loob ng bahay nila Isla. Isalaysay natin kung ano ang ginagawa ng mga kaibigan nya.



Si Finn ay nasa labas na ng bahay dahil sya ang pinagtulakan ng mga babae na kunin ang kotse. Si Leonardo naman ay kinuha sa kwarto nila Isla ng mga gamit ng bata, na dati ring ginamit nila Zara dahil hindi pa sila naka pamili ng mga gamit ng bata.



Si Rafaela naman ay walang ginagawa ay meron pala, hawak nya camera ni Isla at nagvivideo, para daw remembrance. Sumunod, Si Hailey, lakad lang sya ng lakad at mas lalo nyang inistress si Zeon. Si Rozenne naman ay pawang sabog dahil nakatulala lang ito at nanonood at pinagmamasdan lamang ang nangyayari.



Behind her SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon