Chapter 28

752 16 0
                                    

"Matulog ka muna kaya? Mugtong mugto na yang mga mata mo oh." ani ni Zeon. umiling lang ako at niyakap sya.



"Sorry. Sorry. Sorry. Sorry sa lahat. Sorry kung ang kitid ng utak ko. Sorry kung di agad kita pinakinggan. Sorry kung sinaktan kita. Sorry kung nagpadala ako sa nakaraan ko. Sorry kung dinamay kita. Sorry kung nagmahal ka ng siraulo. Sorry kung sayo ko binunton lahat, ayaw ko lang naman na madinig sayo na—" pinutol nya ang sasabihin ko.



"Naiintindihan kita. Natatakot kang mang galing sa mga taong mahal mo ang katagang toxic at dahil doon ay iiwan ka nila kaya mas pinili mo nalang itago ang lahat ng nararamdaman mo, ganon ba? Mas pinili mo nalang sarilihin ang sakit dahil ayaw mong mag spread ng problema mo? Ayaw mong pati sila ay problemahin ang problema mo at tuluyan na silang magsawa sayo? Naiintindihan ko, love. Naiintindihan ko. Noon pa man ay alam ko na may tinatago ka. Saludo nga ako sayo kasi nagagawa mong tumawa. Nagagawa mong maging masaya kahit wasak na wasak ka na deep inside. Ako nga dapat ang mag sorry sayo kasi pinangako ko noon na hindi kita sasaktan pero nagawa ko. Pinangako ko na poprotektahan kita pero hindi ko nagawa. Ako dapat ang humingi ng tawad sayo." hinihimas nya ang aking pisngi at kitang kita sa mga mata nya ang sincerity.




Ngumiti ako sakanya, "Shhh. Dont say that. Sige ganto nalang. Pareho nalang tayong humihingi ng tawad sa isat isa. Okay na?" tumawa sya at ginulo ang aking buhok.



"Ibang topic na nga lang. Ano gusto mo?" nginitian ko sya. Pero this time totoo na. Dahil nasabi ko na lahat sakanya. Naayos na naman ang dapat matagal na naming naayos.



Magaan na sa pakiramdam at wala na akong dala dala pang parang mabigat sa dibdib ko. Nalabas ko na lahat. Mararanasan ko na din maging masaya, sana maranasan ko na kasi nasabi ko na ang buong storya kung bakit ako ganito. Napagkasunduan nalang din namin na bukas ko sasabihin sa mga kaibigan ko ang matagal ko nang dapat sinabi. Noong una ayaw nyang pumayag kasi gusto nyang personal daw kaya ginatungan ko ang sinabi nya.





Sabi ko sakanya baka gusto nyang makita na naman akong mugtong mugto ang mga mata, eh natakot si gago kaya ayon pumayag din sa huli. Nabalik ako sa realidad ng nagsnap sya ng kamay nya sa mukha ko.



"Love? Saan na naman ba naglalakbay utak mo?" tanong nya kaya natawa ako.



"Hmmm naglalakbay papuntang pilipinas. Gusto ko nang umuwi. Miss ko na ang kambal at tsaka ayos naman na tayo ah?" malungkot ko syang nginitian pero ngisi lang ang ibinalik nya saakin.




"Yun nga eh. Maayos na tayo kaya sosolohin na muna kita habang may isang buwan pa tayo dito sa Las Vegas" umirap ako at naglakad papunta sa banyo.




"Walk out Queen ka talaga simula noon pa" pangaasar nya. Hindi ko sya nilingon at nagpatuloy na lamang sa paglalakad papasok sa banyo para maghilamos.





Pagkalabas ko ay hindi ko sya nakita sa higaan. Nagpalit nalang muna ako ng damit at lumabas. Tama nga ako nasa kusina na naman sya. As usual, hilig nyang magluto eh. Naglakad ako patungo sakanya at niyakap sya patalikod. Nagulat sya at humarap sya saakin, kaya ngayon nakayakap na ako sa may bandang tyan nya.




He cupped my cheeks, "Uh-huh? Bakit parang naglalambing ang asawa ko?" tinaas baba nya ang kilay nya kaya hinampas ko ang dibdib nya.




"Luh? Assumingero ka! Hmp! I hate you!" humalakhak sya. Nalaglag ata panty ko guys?



"Wag kang tumawa utang na labas at loob" nakakainis kasi?! Kinikilig ako?!




Behind her SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon