chapter 1

26.4K 486 21
                                    

Chapter 1

Humarap ako sa salaming pang kamay na halos hindi makilala ang sarili. Smokey eye shadows and a very trimmed eyebrows, red Matt lipsticks, blush on, at makapal na foundation. Ako parin ito na nilagyan lamang ng kulurote ang mukha pero para sa mga taong nakakakilala sa akin ay hindi nila ako mamumukhaan lalo na sa hena tattoo sa aking leeg at ang artificial na nunal sa may baba. Nagmumukha akong sosyalera lalo na sa aking suot. Tube top na maroon, tattered jeans at killer hills. Nagmunukha akong mamahaling spoiled brat na babae sa itsura ko. Marunong akong mag hills ngunit hindi ganito kataas at dahil napasubo ako ay pag aaralan ko talaga ito.

Kailanman ay hindi ako nagsuot ng ganitong mga klasi ng damit. Conservative ako, long sleeve, pantalon, t-shirts at jagging pants and katuwang ko sa buhay.

Bumuntong hininga ako. Sa totoo lang ay para na akong pinapatay sa kaba.

'Diyos ko! Bakit niyo po hinayaang masangkot ako sa sitwasyong ito. Buong buhay ko naman po ay nagpakabait ako. Naging tapat po ako sa pamilya ko at sa pananampataya ko sa inyo. Tulungan niyo po akong makatakas sa gulong ito. At makayanan ang pagpapanggap na ito.'

Ilang beses kong binalikan ang dapat kong maging ugali at galaw, kinabisado ko rin ang taong makakasama ko. Sinipat ko ang katabi ko, mukhang wala lang sa kanya ang lahat ng ito. Ako, parang hinalukay na yung bituka ko sa takot at kaba. Paano kung sa pagkikita palang namin ay makilala na niya ako? E di sa kulungan din ang bagsak ko. Diyos ko wag niyo po sanang hayaan, isang buwan lang. Gabayan niyo po ako.

Nang naglanding na ang sinakyan naming eroplano ay umurong yung mga paa ko, babalik na lamang akong Cebu at magpapakulong keysa gawin ito.

"Keep that cellphone, tatawag siya sa akin for sure that's why I'm giving this to you for the mean time. Umayos ka kung ayaw mong makulong."

Napalunok ako ng laway.

"Call Debbie if you have something to asked. Tandaan mo! Oras na mabuko ka hinding-hindi kita ililigtas,maliwanag?" Maldita niyang sabi.

Bumuntong hininga naman si Ma'am Debbie sa gilid niya.

Pagkatapos makuha ang mga gagamitin ko sa pagpapanggap na ito nauna na siya sa kung saan at naiwan si Ma'am Debbie.

"Ma'am, natatakot po ako." Sabi ko tulad ng lage kong sinasabi sa kanya noong nagpapraktis kami sa pagpapanggap na ito.

"Kahit ako man Ali, pero wala na akong magagawa. Lahat ng pwede kong dahilan para iurong niya ito ay hindi talaga siya nakikinig... Basta, tawagan mo ako sa kahit anong pagkakataon na hindi mo sigurado ang gagawin, tutulungan kita. Hindi tayo pwedeng mabuko, isang buwan lang naman Ali." Pakikiusap ni Ma'am Debbie. Siya ang personal assistant at best friend ni Stacy. Mabait siya, understanding at maaasahan kung Kaya ay lalong naging tamad si Stacy. Kung tutuusin lahos lahat ng trabaho ay Kay ma'am Debbie niya iniasa, basi iyun sa nasaksihan ko sa loob ng tatlong araw na pagsasanay namin.

' wag kang maging mabait, maarte si Stacy. Matapobre! At higit sa lahat ay maldita... Gaano ka man ka amo sa lahat ng pagkakataon kailangan mong baguhan pansamantala ito. Leave your real personality and be a Stacy Cuangco.'

Hindi lingid sa akin na may magkakamukha talagang tao sa mundo kahit hindi naman magkadugo at masaya akong malaman na meron ako noon. Ngunit hindi ko naman inakala na magagamit pala ito sa maling paraan. Nang makita ko si Stacy sa unang pagkakataon ay sobrang gulat ako ngunit bukod doon ay hindi ako nakaramdam ng galak kundi takot at kaba lalo na noong dinuroduro niya ako sa kasalanang hindi ko naman talaga ginawa.

Tulak ang kart ay umuurong talaga ang sikmura ko. Unang beses kong tumuntong ng maynila at ang ganito pa ang gagawin ko. Ang sabi ni Debbie ay si Blake na mismo ang susundo sa akin sa airport, ito ang boyfriend ni Stacy. Kung bakit pa kasi sa dinami-daming tao sa mundo ay ako pa ang kamukha niya. Magkamukha kami kahit walang make up, yun nga lang ay may nunal siya sa baba. Iyun ang mas lalong nagpapa attract sa kanya.

Ang sabi ni Debbie ay spoiled nga talaga si Stacy kaya hanggang ngayon ay nangangapa sa sarili nilang komapanya dahil hindi naman ito seryuso. Travel lang palage ang nasa utak nito. Kung ano ang uso ay dapat nauuna siya o siya mismo ang nagpapauso. Kung susumahin ko ay kabaliktaran kami, paano ako makakatagal nito?

Dahan-dahan akong naglakad dahil baka matapilok ako sa taas ng hills na suot ko,ang dami pa namang tao. Mula sa malayo ay hinanap na ng mga mata ko ang taong pinakita nila sa picture.

Pero wala.

Bigla ay tumunog ang cellphone na pinahiram ni Stacy. Unknown number, sinagot ko agad.

"Hello!"

"Walk straight." Ayun sa baritong boses. Parang kumulog ang puso ko sa gulat at takot. Para itong utos ng isang killer. Ayaw ko na tuloy humakbang.

May unipormadong lalaki ang ngumiti sa akin at yumuko.

"Ako na po Miss Stacy. Dumeritso lang po kayo." Saad niya sa magiliw na pamamaraan at kinuha ang kart na aking tulak-tulak. Na kalma ako pansamantala dahil kilala nito si Stacy, siguro tauhan ito ng boyfriend niya.

Tumango ako ngunit hindi ngumiti dahil natatae parin ako sa kaba at takot.

"I'm waiting." Sunod na sabi ng boses. Nanayo ang balahibo ko sa boses niya.

Okay, pero hindi ito si Stacy kung okay lang ang isasagot ko. Short tempered daw kasi ito.

"I don't like playing tricks, Blake. You know that." Painis kong sabi. Isa ito sa mga madalas daw'ng linya ni Stacy kapag sinusurprisa siya. Ayaw daw kasi nitong ginugulat.

Sana pumasa naman.

Narinig ko itong tumawa sa kabilang linya. At habang palapit nga ako sa exit ay may nakita akong taong may dalang bouquet ng bulaklak ngunit nakatabon sa mukha. Siguro siya na iyun dahil nasa tenga ang isang kamay na may cellphone.

Sumisipa naman ang puso ko sa pagtatagpong ito.

Ito na talaga to.

Naputol sa kabilang linya at inalis nito ang bulaklak sa mukha ng makalapit ako sa kanya. Halos lumuwa ang mata ko sa ngiting nakaplaster sa bibig nito. Kung hindi lang ako naka shades kitang-kitang ang gulantang sa aking mukha partikular sa aking mga mata.

Ang gwapo. Sobrang gwapo na animoy nasa TV at posters mo lang makikita. Nakita ko na siya sa picture ngunit ibang karisma ang makita siya ng personal. Kulang nalang malaglag yung panga ko sa gulat.

Diyos ko bugbug sarado na yung puso ko sa lakas ng tambol dito. Bakit ayaw makita ni Stacy ang nilalang na ito?

"Welcome back, baby." Mas lalo pang nagningning ang kanyang mga mata. Lumapit siya sa akin at walang pahintulot akong hinalikan sa labi sa harap ng maraming tao at hinapit ang aking bewang palapit sa kanya.

"I missed you." Sabi niya noong bumitaw na. Nabato ako pagkatapos manlambot ang mga tuhod sa ginawa niya. Inimwestra niya ang bulaklak sa akin. Nagpalipat-lipat naman ang tingin ko sa kanya at sa bulaklak.

Ngumiti na lamang ako sa hindi malamang gawin. Nabibingi ako na ewan, namamawis ang kamay dahil sa sunod-sunod na hindi ko inasahang pangyayari.

Intense yun! First kiss ko yun!!!

"Come on, I know your tired." Sabi niya at binuksan ang pinto ng puting sa kanyang likod.

"Saan tayo pupunta?" Agad Kong natanong.

"Of course sa condo ko. Why?"

Gaga! Nasabi na pala iyun kanina. Dahil ayaw magstay ni Stacy sa bahay ng parents niya kapag nasa bansa siya ay nakikitira siya Kay Blake. Wala din siyang condo dahil hindi naman siya nag-e-stay ng matagal dito at tsaka wala din nakatira sa bahay nila sa Forbes. Inuuwian lamang ang bahay na iyun kapag holidays.

"No." Simply kong sagot.

Ngumiti ulit ito.

O my ghad! Yung underwear ko naiwan sa labas ng kotse!!

Hindi ko maiwasang hindi siya titigan, ang gwapo niya talaga e. Para syang imposible.

Imposibling tao dahil para siyang manikin, masyadong perpekto.

Ginagap niya ang kamay ko noong umandar na ang sasakyan.

"I'm happy that you give me chance. I promise, I'm not gonna make you bored. You'll enjoy, I already set things for the whole month." Sabi nito at hinapit muli ako sa bewang upang madiin sa kanya.

Napalunok ako.








His Beautiful LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon