chapter 28

9.5K 480 68
                                    

Chapter 28

Nagulat si nanay sa pag-uwi ko. Sabi niya tumawag nga raw ang boss ko at pinagpaalam ako dahil nga sa nagkasakit. Maayus daw itong nagpaliwanag kaya wala siyang rason para magmatigas gayong kailangan ko din ng paghinga. Hindi na niya ako pinuyat pa para makapag paghinga ulit. Hindi ako nagbukas cellphone dahil alam kong galit na naman siya ngayon. Itinulog ko nalang ang kaba sa tabi ng Anak ko.

Nagising ako sa mga maliliit na kamayng humahaplos sa aking mukha. Oh, it was my son.

"Good morning, Gavin." Pinindot ko ang kanyang matabang pisngi at hinalikan ang kanyang mabangong leeg.

Malutong naman itong humagikhik.

"Ang aga mong nagising. Bakit?" Umayos ako at pinaupo siya sa aking kandungan saka niyakap. Inabot naman niya ang buhok ko at nilaro-laro ito.

Nag baby talk ito at sobrang cute. Pinanggigigilan ko ito hanggang sa para na siyang hinihingal. Bumusangot ang kanyang mukha at nangunot ang kanyang noo.

Naku Anak! That look! It's your father's.

Sumimangot ako nang naalala si Blake. Paano kaya kung alam niya ang tungkol Kay Gavin. Would he acknowledge him as his? May kaba at takot ako. A good bachelor like him doesn't want a responsibility like this, I'm sure. They want their freedom. Kaya hindi talaga, imbis na malaman niya ang tungkol Kay Gavin ay natakot akong e deny niya o baliwalain ito. Mas masakit yun sa akin na alam niyang may Anak na siya pero hindi pa naman siya handa o ayaw niya talaga. I know man like him.

Sa byahe ay hinanda ko na ang sarili, alam kong susungitan na naman niya ako at posibling pahihirapan. Bahala na.

I inhaled deep air before entering the building. My knees are starting to tremble. Pero wala naman akong ginagawang masama, Oo tinakasan ko siya, iyun ay dahil hindi na tama ang ginagawa niya bilang boss. Diba? Tama naman ako ah.

Pagbukas pa lang ng elevator sa tamang palapag ay nalunok ko ang natitirang laway sa nakita. It's Blake, like his normal dark furious face greeted me a very good morning. He is wearing a jeans and polo shirt with topsider shoes. Bagong ligo ito ngunit hindi man lang nagsuklay. Ang kanyang mga mata ay kasing talim ng bagong hasang kutsilyo kung makatingin sa akin habang gumagalaw ang mga bagang.

Uwi nalang ako?

Natulos tuloy ako sa aking kinatatayuan. Kung hindi ko malaman kung akoy aalis o mananatili at harapin ang katapusan. O baliwalain nalang at maging propisyonal. Ngunit makakaya ko Kaya gayong umaapaw ang aking kaba?

Saka pa ako kumurap noong muntik ng Sumara ang elevator. Dali-dali ko itong pinindot upang bumukas uli. Mas lalo lang yatang siyang nagali.

Naks naman oh, 5am pa lang ang sungit na niya. Nagbabaga at nanlilisik na ang mga mata. But wait, parang may mali sa mga mata niya literally, may dark circles ito na animoy puyat. Hindi ito ang mukha ng kakagising pa lang.

I step in, dahan-dahan ay lumapit ako sa kanya at babati sana ng good morning like I always did.

"Hanggang sa trabaho hindi ka parin totoo. Buti natanggap ka sa kompanya ni Richard... And I'm almost believed in you. In all of you...." Bawat salita niya ay tumitiim ang kanyang bagang. Ramdam ko ang tensyon na binabato niya sa akin.

Nagtaka ako sa sinabi niya at namangha dahil medyo iba sa inaasahan ko ngunit itoy may tarak sa aking puso. The way he said that I am untrue makes me wanna cry. Buong buhay ko hindi ako nagsinungaling, Oo  hindi ako open sa iba. But I'm not a liar, I'm only secretive until that shit happened to me na pati na sa Pamilya ko. Yun lang masasabi kong pagsisinungaling ko other than that wala na naman siguro.

His Beautiful LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon